"Ma, saan ba tayo pupunta bakit kailangan ganito pa suot ko?" kakasundo ko palang sakaniya sa airport may pupuntahan na naman kami.
"Pupuntahan natin sila Lianne. Aayusin na natin yung engagement party niyo." totoo pala 'yon? Akala ko biro lang.
Niluwagan ko yung suot ko na neck tie saka tumingin kay mama. "Ma, ayoko nga pong ikasal kay Lianne."
"May magagawa ka ba? Wala." binaba niya ang make-up niya saka tumingin sa akin "Unless gusto mong sumunod sa papa mo sa states."
May isa pa pala akong option. I'll consult it with Alyanna muna bago ako magdesisyon. Ayoko naman basta-bastang gumawa ng desisyon nang walang alam si Alyanna. She trusted me so she deserve to know.
"Anong mangyayari if pinili ko sa states?"
"Simple lang. Mapapalayo ka sa akin." I rather do that kaysa naman magpakarobot ako rito at sumunod na lang.
Hindi na unang panahon para gawin 'to. Iba na ngayon yet may ganito pa rin? May nag-aarrange marriage pa rin?
If only Lianne didn't agree with this I'm fine pero siya pa ata pumili mismo sa akin. Ganon ba ako kagwapo? I mean, hindi ko siya kinakakausap paano niya nasabi na gusto niya ako?
Dumating na kami sa restaurant. Parang ito rin yung kinainan nila Alyanna noong nakipagkilala sila roon sa asawa ni kuya Dean.
"Sa family nila 'tong restaurant. See? Tignan mo ano pwede mong makuha kung naging part ka ng mga Mendoza." oh, I see. It's about business and money.
"Bakit? Mayaman din mga Almazar atsaka mayaman tayo? Mom??"
"Marami sila magkakapatid kaya hati-hati rin sila. Onti lang makukuha mo roon." I can't help but to roll my eyes. Wala akong pakialam doon.
"Wala akong paki roon, mom. I'm not like you."
Well, arrange marriage rin ata sila ni Dad. Idk. I never hear their love story kasi first of all there's no love. Ganito na setup namin bata pa lang kami, they're just showing off para kunwari happy family kami.
Dumating na sila Lianne. Nakangiti siya pero nawala rin nang I excuse my self dahil may tumatawag sa akin.
"Love? Bakit?" I answered the phone. Nagsabi naman ako na I'll be out for a day.
[Where ka?] she's still at the hospital.
"Kakasundo ko lang kay mom sa airport"
[ay ganon. I called just to say na makakalabas na raw ako later.] finally!!
"Nice. See you later at home." I smiled sa naisip ko.
[I miss youuuu... I love you!!!] my smile widened dahil sa sinabi niya.
"I miss you too, see you. I love you too" binaba na niya yung call.
My smile vanished when I saw Lianne, she's now standing in front of me. Was she listening to my conversation with my girlfriend?
"Kayo na pala."
"Yes. Bakit? You think I'll choose you?" she bit her lower lip. Nagpapaawa.
"Vance, please. Tulungan mo ako. Pwede naman tayo maghiwalay after 3 months." she sounds desperate.
Whatever her reason is, ayoko pa rin. Gusto ko si Alyanna first at last bride ko. Ayokong masira marriage history ko dahil lang sa bullshit na 'to.
"Lianne, huwag mo kong idamay sa problema mo." iniwan ko na siya sa labas at binuksan ko na yung pintuan.
"Bakit ba ang tigas tigas mo?" natigilan ako saka humarap uli sakaniya.
"Ikaw, bakit ang kitid ng utak mo? Hindi ka ba makaintindi? Hindi mo ba maintindihan na ayoko?" 'yon lang ang sinabi ko saka pumasok na ako uli sa loob.
Sumasakit na ulo ko sakanila. Ang kulit nila. Buti sana kung makikinabang ako sa lahat ng pinaggagawa nila pero hindi naman atsaka ayaw ko makinabang kung galing sa kanila.
"Sorry if natagalan." I just said saka umupo na sa tabi ni Mom.
"Sinundan ka ata ni Lianne. You didn't saw her?" I guess mom niya yung kumausap sa akin.
"No." nagnod lang siya. Mukhang hindi siya satisfied sa sagot ko.
Nakailang subo na ako ng food ko nang bumalik na si Lianne. Nakangiti siya sa amin.
"Saan ka galing? Andito na si Vance kanina pa."
"Oh. I answered a call, mom. I'm sorry." umupo siya sa harapan ko saka ngumiti. "It's Alyanna."
Ano na naman bang sinabi nito kay Alyanna? Hindi ako mapakali kaya inubos ko na yung pagkain ko at drinks ko. Tumingin muna ako sa phone ko para tignan kung sino nagtext sa akin.
Alyanna:
Nandito na kami sa bahay.
"I'm sorry. Something urgent came, I need to go."
"Oh, okay. Ingat pauwi." sabi lang noong mom ni Lianne. Hindi namin kasama Dad niya. Nakita ko naman na nagroll eyes si Lianne pati si Mom.
Pagdating ko sa bahay, nagdoorbell ako. Sumilip muna si Alyanna kaya kumaway ako sakaniya. Pinagbuksan naman niya ako ng pintuan.
I hug her as soon as binuksan niya ang pintuan. She hugged me back. Namiss ko siyang makitang nakatayo.
"Ikaw lang? Bakit ikaw nagbukas ng pinto?" nakapasok na kami sa bahay mismo nila. Nakapatay lahat ng ilaw kahit hapon pa lang.
"Si Dino nandon sa kwarto niya. Umalis sila. Naggrocery ata." nagnod lang ako.
"Pwede ba ako matulog sa kwarto mo?" I asked.
"Sige." nagnod siya saka binuksan na yung pinto ng kwarto niya.
Bago pa kami makahakbang, humarap muna siya sa akin. "Matutulog lang ha."
"Hindi ako sigurado." sagot ko. Namula naman ang pisngi niya saka naglakad na papapunta sa kama niya.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto niya. Halos magkalaki lang naman kami ng kwarto. Marami rin siyang nakadisplay na merch niya. Hindi ko pa pala siya nabibigyan ng album.
"Kung hindi ka matutulog, nood na lang tayo concert." I was thinking something pero okay na rin yung concert.
Habang inaayos niya yung laptop niya, hinubad ko yung polo na suot ko at tinira lang yung blackshirt. Humiga na rin ako sa kama niya. Nakakaantok.
"Paano mo mapapanood? Nakahiga ka?" may point siya. Umupo ako saka sumandal sa headrest. Tumabi na rin siya sa akin.
I pute my arms around her to pull her closer. Napatingin naman siya sa akin dahil doon.
"You look beautiful."
"Thanks to you."
Nilapit ko ang mukha ko sakaniya at ipinikit ko ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
All Captured Dreams (A Series #3)
Teen FictionA 4th year Journalism student, Diana Estelle Almazar, met a strange guy in her dreams and in real life. When will she see the guy again? Errors ahead. 7/23/2020 - 9/28/2020 #3 'A Series'