Epilogue

17 10 1
                                    


Nagising ang dalaga dahil sa linawag na tumatama sa mga mata niya. Dinilat niya ang mga mata, nabahala siya nang napagtanto niyang wala siya sa bahay o kwarto niya.

"Gising ka na," napatingin siya sa isang dalaga. Napapikit siya nang ilang beses dahil nakilala niya ang dalaga.

"Ikaw si Lianne," puno ng pagtataka ang boses niya. Ayon sa naalala niya ay nawala si Lianne at magkaaway sila pero bakit kasama niya ito ngayon.

"Oo, ako si Lianne. Naalala mo ba ako? Naalala mo ba kung anong pangalan mo?" sunod sunod na tanong ni Lianne.

"Alyanna ang pangalan ko. Dianna Estelle Almazar." sambit niya. Sigurado siyang ayun ang pangalan niya dahil iyon ang natatandaan niyang tawag sakaniya.

"Okay, so wala kang amnesia." umupo uli si Lianne sa upuan na katabi ng kama niya.

Marami siyang gustong itanong kaso nagdadalawang isip siya baka kung anong isipin ng ibang tao sakaniya. At isa pa, wala naman siyang patunay na nangyari talaga lahat ng naalala niya.

Binuksan ni Lianne ang T.V habang siya ay nalilito pa rin. Lalong napakunot ang noo niya nang makita kung sino ang nasa T.V.

"Kilala ko siya," patukoy niya sa lalaki. Ito yung lalaking kasama niya sa panaginip niya.

"Sikat na journalist 'yan." sagot ni Lianne.

"Vince, tama?" Vince ang naalala niyang pangalan nito. Tinulungan pa siya nito maghanap ng pag-OJT niya. Lumaki ang mga mata niya, saka lang niya naalala ang OJT niya!

"Vance ang pangalan niya."

"Hindi sa advertising si Vance?"

"Malay ko girl, hindi kami close." sagot ni Lianne saka tumayo para buksan ang pintuan. May bisita siya.

"Gising ka na aking kapatid!" kilala rin niya 'yon. Si Dion, kasama si Jemima. May totoo pa pala sa mga natatandaan niya.

"Anong nangyari? Tulog lang ba ako?" kung tulog lang siya, ano yung mga pangyayari na parang kahapon lang? Hindi ba talaga nangyari 'yon? Nanaginip pa ba siya ngayon?

"Yep." sabay nilang sagot.

"Bakit? Anong nangyari?" nagkalakas na siya ng loob na magtanong dahil sa pagkakatanda niya ay malapit naman siya kay Jemima at Dion, hindi siya natatakot o nahihiya.

"Nagcollapse yung stage nung naglalakad ka."

"Para saan yung stage?"

"Contest." sagot ni Dino.

"Nagcontest ako?" nagtaasan ang balahibo niya sa nalaman. Alam niyang nagcontest siya, totoo kaya 'yon? Paano yung mga nangyari pagkatapon non?

"Photographer ka. Kukuha ka pictures tapos lalagay mo sa magazine, tapos i-edit mo 'yon. Kaya ang trabaho mo ay magazine editor." pagpapaliwanag ni Jemima.

"Hindi na ako nag-aaral?"

"Hindi na. Nakabukod ka na rin. Hindi ka na nakatira sa bahay." sagot ni Dion sakaniya saka tinulungan siyang umupo ng maayos kasi kakain siya.

Curry yung ulam niya. Naalala niya na niluto niya ito. Nagkamali pa nga siya ng lagay ng sahog rito, eh. Pero posible kaya 'yon? Panaginip lang kaya lahat ng nangyaring 'yon? Ang galing naman kung ganon.

"Kuya may asawa na ba si kuya Dean?"

"Oo, pinsan ni Lianne." nanlaki ang mata niya. Ibig sabihin ba non pinsan din ni Lianne si Vince?

"May pinsan ba siya na Vince?" tumango lang kuya niya. Samantalang siya gulat na gulat sa mga nangyayari.

Napapaisip siya kung bakit parang sakanilang tatlo lang ni Lianne at Vance may nagbago. Bakit sa mga tao sa paligid nila wala. Normal at ganun pa rin sila katulad nang naalala niya.

"Malakas ka Alyanna, pwede ka na makalabas sa makalawa. Gagawa na lang ng iilang test at good to go ka na." sambit ng doctor na ikinangiti niya. Ang gaan nga ng pakiramdam niya, eh.

"Salamat po, doc." sagot niya.

"I advise you to go sa rooftop. Magpasa ka na lang sa mga bisita mo o kaya kung kanino. Maganda mga bituin doon, makakapagpahinga ka." tumango lang siya. Plano naman niya talagang pumunta roon, gusto niya ng sariwang hangin.

"Ako magbabantay sa'yo ngayong gabi. Tulog lang ako." sabi ng kuya niya. Tumango lang siya. Umalis na sila Jemima at Lianne dahil palitan sila ng oras sa pagbantay sakaniya.

Nanonood lang siya ng T.V nang naisipan niyang hanapin yung channel kung saan niya nakita yung lalaki sa panaginip niya. Hindi man kapanipaniwala ngunit na-miss niya ang mukha nito. Kaso wala na ito sa balita na panggabing oras, baka tuwing tanghali lang.

Ang huling eksena sa panaginip niya ay nakipaghiwalay siya rito at hindi na niya alam ang nangyari pagkatapos, nagising na siya.

Napasimangot siya nang mapagtantong panaginip nga lang ang lahat nang 'yon, kaya hindi lahat ay nagbago, piling pangyayari lang.

Pinatay niya ang T.V saka dahan-dahang lumabas para hindi magising ang kuya niya. Tinutulak lang niya ang lalagyan ng dextrox. Madilim na rin sa labas kaya magandang titigan ang mga bituin.

Pagkadating niya sa rooftop ay agad siyang sinalubong ng malamig na hangin kaya napayakap siya sa sarili niya.

Umupo siya sa may bench. Nakakatuwa dahil natupad niya rin ang mga pangarap niya. Hindi man niya matandaan kung paano pero ang importante ay naririto na siya at pag-iigihan niya pa.

"Malamig baka magkasakit ka." nanlamig siya nang marinig ang boses na 'yon. Boses na sa utak lang niya naririnig.

"Kilala mo ako?" 'yan agad ang mga salitang lumabas sa bibig niya.

"Oo. I don't know kung weird pero, nakilala kita kasi palagi kitang nakikita sa panaginip ko." nanlaki ang mata niya. Nakikita nila ang isa't isa? Paano?

"Ha?"

"Nagtratrabaho ka sa isang sikat na magazine. Hindi ko alam kung natatandaan mo pa ako pero nafeature niyo ako. Simula noong araw na nakita kita, hindi ka na maalis sa isip ko." pati pala ang istorya nila ay nag-iba.

"Pero, nakakapagtaka lang kasi lahat ng napanaginipan ko, ni isa roon hindi pa nangyayari."

"Magkaibigan ba tayo?"

"Hindi. Hindi ko alam na na-ospital ka pala. Nagulat nga ako nang makita kita rito."

"Bakit mo ako nilapitan?"

"Gusto ko. Para bang may nagtulak sa akin para kausapin ka."

Nag-uusap sila na para bang ang dami na nilang napagsamahan kahit na siya lang ang nakakatanda ng lahat nang 'yon.

Napatingin ang binata sa kalangitan kaya tumingin din siya. Puno ito ng mga nagkikislapang mga bituin.

"Minsan naiisip ko kung sumasagi rin ba ako sa panaginip mo kasi ikaw, ikaw lang ang laman ng akin." gusto niyang maiyak sa mga naririnig niya.

"Napapanaginipan mo pa ba ako?" naglakas loob siyang tanungin.

"Oo naman kaso these past few days, hindi na." nakatingala pa rin ito sa langit, "para bang alam nilang magkikita tayo uli."

"Napanaginipan din kita. Kanina lang daw ako nagising kaya hindi ko alam na panaginip lang lahat nang 'yon. Litong-lito ako pagkagising ko."

"Anong klaseng panaginip ba ang gusto mong matupad?" tanong ng lalaki.

"Syempre yung kasama ka" sagot niya na ikinangiti ng lalaki.

Tumayo siya at nilahad ang kamay niya para sa babae.

"If this is not fate, I don't know anymore."

"Saan tayo pupunta? Kaya ko naman na tumayo."

"Take my hands, Let's capture those dreams together"



All Captured Dreams (A Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon