tw: injuries
Umupo ako nang matapos na sumayaw si Alyanna. Dancerist talaga. Ang galing niya sumayaw, pwede na niya palitan si Somi, joke.
"Contestant number 15!" papalakpak sana ako kaso si Lianne pala. Ang tagal naman matapos nito. Kumanta siya habang naggigitara, I'm yours by Jason Mraz.
Nag-earphones na lang ako kasi hindi naman ako interested sa iba. Hindi ko rin naman makausap si Dion kasi nakakahiya naman, ang kapal ko naman ata, eh hindi ko nga pinapansin kapatid niya.
Hindi ko ba alam kay mama. Nakitira kami sa mga Almazar tapos sasabihan ako na umiwas kay Alyanna, hindi ko siya magets.
Natapos ko na yung buong playlist ko saka ko napagdesisyonan na manood na, kahit sino na. Tapos naman na si Lianne. Saktong lumabas na silang lahat. Ang cute niya sa damit niya, naka jumper dress, mukha siyang bata.
Kinuha ko yung phone para picturan siya kaso hindi maayos yung lens ng cam ko kaya inayos ko muna. Napatingin ako agad kasi may narinig akong tili at sigaw.
Yung extended stage,
nagcollapse...
Napatakbo ako agad nang makita na wala si Alyanna sa nakatayo sa main stage.
"Alyanna, gising, Alyanna" inaalog-alog siya ni Jemima pero hindi siya gumagalaw.
Lumapit ako agad at binuhat siya. May tama siya sa bandang noo. Duguan siya. Pagkatayo ko, nagtama ang paningin namin ni Lianne, nasa sahig din siya pero may mga tumutulong na sakaniya.
Tumakbo na ako pabalik sa kotse ko. Mabuti na lang at hindi ako sa malayo nagpark kasi alam kong hindi ako magtatagal. Sumod sa amin si Jemima. Inihiga ko siya sa lap ni Jemima na umiiyak na.
Nakakataranta naman 'to, tangina.
Binuksan ko na ang kotse ko saka dumeretso sa malapit na ospital. Wala na akong paki-alam kung may malabag akong traffic law, kailangang magamot si Alyanna.
"Sir, ano pong nangyari?" tanong sa akin ng isang nurse habang yung ibang nurse ay binibigyan ng first aid si Alyanna.
"Nagcollapse yung stage na pinagdarausan ng pageant." tumango lang yung nurse saka pumasom sa loob ng E.R. Nagpa-iwan ako rito sa labas para antayin sila tita.
Dumating na sila tita kaya sakanila ibinigay yung form para kay Alyanna. Umiiyak si tita samantalang si Jemima hindi pa matahan.
Hindi ako mawawalan ng pag-asa, naniniwala ako kay Alyanna. Lalaban siya.
"Salamat sa pagdala kay Estelle rito."
"Wala po 'yon, tita." hinubad ko yung jacket na suot ko, gabi na kasi kaya malamig na yung hangin. "Baka giniginaw ka na po,"
"Salamat." pinatong ko sa balikat niya yung jacket ko. "Alam kong may gusto ka kay Alyanna."
"Po?"
"Kita ko kung paano ka tumingin sakaniya. Ganiyan din tumingin papa niya sa akin noon." ngumiti siya. Naalala niya siguro papa nila Alyanna.
"Ahh, opo. Ayos lang po ba tita na nililigawan ko po siya?" I just realize na I didn't ask for her permission.
"Oo naman," ngumiti siya "kaso may nabanggit sa akin ang mommy mo. Paano 'yon?"
Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Hindi ko pa alam.
"Ako pong bahala." 'yan na lang ang nasabi ko.
"Hindi ko kayo papakialaman pero kapag nasaktan ang anak ko, lagot ka sa akin." may pagbabanta niyang sambit. Tumango lang ako.
Alam kong nasaktan ko na si Alyanna. Nasaktan ako noong kinatok niya ako sa kwarto ko. Gulong-gulo na kasi ako n'on kaya hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko sakaniya.
"Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?" may nurse na lumabas. Napatayo naman kaming lahat.
"Oo, bakit? Anong nangyari sa pasyente?" sagot ni Tita.
"Stable na po ang lagay ng pasyente. Kinailangang tahiin yung sugat niya sa noo, pero hindi naman ganon kalalim." napahinga naman kami nang malalim.
"Bakit siya nawalan ng malay?" tanong ko. Hindi naman pala malalim yung sugat, bakit siya mahimatay?
"Shock. I-coconfine siya for observation. Antayin na lang natin siyang magising."
Umakyat na kami para antayin siya roon sa kwarto. Umuwi na sila Jemima at Dion kasi kailangan magpahinga ni Jemima.
"Mukhang kailangan niyo mag-usap ni ate, kuya."
"Oo. Kailangan na kailangan." kasama niya pala si Lianne kanina, baka kung anong nasabi n'on.
"Iwanan ka na namin ni mama ah, babalik kami bukas."
"Ah, sige. Ingat kayo pauwi." tumango lang siya saka lumabas na. Ngayon, kaming dalawa na lang ni Alyanna.
Lumapit ako sakaniya. I missed her so much. Tinititigan ko siya na para bang ilang taon kaming hindi nagkita. Iba pa rin kapag kaharap ko talaga siya, kaysa sa picture ko lang siya tinitignan.
Umupo ako sa sofa. Nagpapatugtog ako ng relaxing songs.
"Anong ginagawa ko rito? Anong nangyari?" pinatay ko agad ang phone ko saka lumapit sakaniya.
"Anong ginagawa mo rito? Galit ka sa akin, 'di ba?" nag-umpisa siyang umiyak. Fuck.
"Shhh. Sorry. I'm sorry." hinawakan ko siya sa isa niyang kamay, yung isa kasi merong swero.
Tumawag ako ng nurse para ma-check siya kasi nga, gising na siya.
"Ma'am masakit po ba yung swero? Bakit ka po umiiyak?" takang tanong ng nurse. Umiiyak pa rin kasi siya. Kasalanan ko talaga 'to, eh.
"Side effect 'yan ng gamot niya. Normal lang po 'yon, sir." sabat noong isa niyang kasama. Tumango lang ako.
"Pahinga na lang po kailangan ni ma'am."
"Salamat." tumango lang sila saka lumabas na.
Inaantay ko lang siya tumahan. Hinawakan ko uli yung isang kamay niya.
"Alam ko na yung tungkol sa inyo ni Lianne." humigpit ang hawak niya sa akin nang sabihin niya 'yon. Napatingin naman ako sakaniya.
"Ha?" hindi pa nafa-finalize 'yon. Ayokong ikasal sa kaniya. Ayoko nga sa ugali n'on.
"Engaged kayo, hindi ba?" tumawa siya ng mapakla. "Hindi nga ako yung na-arrange marriage, ikaw naman 'yung nilayo sa akin."
"Hindi ako papayag."
"Iniiwasan mo na nga ako, hindi pa ba sapat na sign 'yon?"
"Hindi." pinunasan ko yung luha niya gamit yung isa kong kamay.
"Vance, naman. Ang sakit na. Tama na. Magsabi ka lang, bibitawan kita. Huwag na natin ituloy 'to kung mauuwi rin sa wala."
Tagos sa puso. Ang sakit.
Ang duwag ko kasi, ang dami kong alam, 'yan tuloy.
"Let me explain,"
BINABASA MO ANG
All Captured Dreams (A Series #3)
Novela JuvenilA 4th year Journalism student, Diana Estelle Almazar, met a strange guy in her dreams and in real life. When will she see the guy again? Errors ahead. 7/23/2020 - 9/28/2020 #3 'A Series'