Two days na since noong birthday ni Vance. We didn't talk after that night though it's fine with me kasi maybe he's busy but now he's coming home na.
On the other hand, aalis na si kuya rito sa bahay. They'll live na sa iisang condo ni ate Lois. It's sad pero ganon talaga, sunod na aalis dito si kuya Denzel o Dion.
Speaking of kuya Dion, siya ang kasama ko ngayon at hindi si Jemima. Nagpapatulong sa akin kasi nga magkaaway sila.
"Hindi mo kasi niligawan kaya ganiyan." natawa lang siya, totoo kasi.
"Ano na gagawin ko?" tanong niya. Ano pa ba?
"Magsorry ka. Hello? May iba pa bang dapat gawin?" tumango siya saka tumayo na na parang nakakita ng someone. Lumingon ako kung saan siya nakatingin, kay Jemima pala.
"Kailan ba balik ng childhood friend mo?" I roll my eyes, 'yan na tawag niya kay Vance kasi she kept on teasing me but I'll just answer that to her.
"Bukas pa ata." umupo siya sa tapat ko, "Ayaw mo ba akong makita?"
"Hindi ikaw. Yung kuya mo." natawa naman ako agad. Magka-away talaga sila.
"Bakit ba kayo nag-away? Eh, hindi ba ikaw nagsabi na hindi pa kayo?"
"Oo nga. Ang gulo niya. Sabi niya kasi noong una, get to know each other pa raw tas biglang kami na, ano 'yon?" ang arte ni kuya, may pa get know pa, ilang taon na niyang kilala si Jemima.
"Paano niyo naman maayos kung hindi mo papansinin?"
Minsan talaga kailangan matuhan ng nga tao tulad ni Jemima na ngayon ay hinahanap na si Kuya sa loob.
Nagscroll na lang ako sa feed ko habang inaantay yung dalawa na lumabas. Napadaan sa feed ko si Lianne, nasa vacation din pala sila? Bakit kami walang bakasyon?
"Pssst!" napalingon ako kung saan nanggaling 'yon.
"Hello, kuya. Ano pang ginagawa mo rito?" I thought kasi umalis na siya.
"Grabe ka ha." hahaha.
"Bakit? May ipapabilin ka ba? Grabe, miss mo na ako agad? Pwede ka naman namin dalawin." malapit lang sa school yung condo niya so pwede ko siya puntahan kahit araw-araw.
"Kung may gusto ka sa isang tao, sabihin mo agad baka matulad ka sa akin. Ikaw rin." napatingin ako sakaniya, nagbibigay ba siya advise? Minsan nakakagulat kapag seryoso mga kapatid ko.
"Kuya? Ikaw ba 'yan? Anong nangyari sa'yo?"
"Si Vance. Gusto ka ba niya?" natigilan ako.
To be honest, naiisip ko rin 'yon pero hindi naman ako assuming and malay natin ganon talaga siya, na he value everyone then kind lang talaga siya. And there's nothing special pala roon.
"Bakit mo tinatanong sa akin? Ako ba siya?"
"Nakita ko na niyakap ka niya noong dinner. Huwag ako Estelle ha." natigilan ako agad. Hindi ko siya matignan. Nakakapanic, amp.
"Ano meron?" nakatitig lang ako sa phone ko, alam ko namang mang-aasar lang si kuya.
"Mabait si Vance. Imposibleng hindi mo magustuhan atsaka kapag tayo umaalis tamad na tamad ka pero kapag si Vance, G agad." 'Yon kasi sabi ni Mama sa akin. Balikbayan daw kaya samahan ko lang.
"Bawal friends?" I asked pero tumawa lang siya.
"Basta kung hindi ka gusto, sabihin mo sa akin at kakausapin ko si mama. Ako bahala sainyo."
"Shut up, kuya."
"Namumula ka pa. Dalaga ka na, shet." tinarayan ko siya saka nagmadaling pumasok uli sa loob kasi I heard someone is calling me.
"Vance! Vance!" pahabol na asar niya pa.
Tumingin muna ako sa salamin, namumula nga ako. Kasi naman si kuya eh, ang mature ng ugali amp.
"Anong pangalan ko, ate?" nakatingin lang ako sa ginagawa nila kasi hindi ko ma-gets kung ano ba 'yon.
"Vance--- ay wait, no." tinignan ko siya "Dino!!!"
Nakakainis!!! Tawa pa sila ng tawa. Palibhasa first time akong i-bully. I can't believe na naasar nila ako.
"May nagdodoorbell. Pakikuha nga baka delivery." sabat ni kuya Denzel. Umupo ako sa sofa, bahala sila riyan, asar pa.
"Regalo ko sa'yo. Dali." hindi pa rin tumigil yung pagdoorbell. Hmph.
Tumayo ako at dumeretso na sa gate. Ang dami pang nakaharang dahil sa gamit ni kuya Dean. Napasimangot ako kasi kakasink in lang sa akin na aalis na talaga si kuya.
"Wait!" sigaw ko. Binubuksan na nga hindi pa tumitigil sa pagdoorbell.
"HOI!"
"Ay, Vance!" napasigaw ako pagkabukas ko palang ng pintuan, ginulat na niya ako.
"Vance? Miss mo ako, noh?" he gave me a teasing smile. I just let out a deep sigh.
Well, dalawang araw ba naman akong nasa kwarto lang dahil walang umaaya sa akin ng gala. Wala akong ibang choice kundi si kuya Dion sabayan pumasok sa school.
"Huwag mo na sagutin. Halatang namiss mo 'ko, tulala ka, eh." tinarayan ko siya saka iniwan na yung gate na nakabukas para makapasok siya.
"Ay, guilty."
"Oo na." bulong ko.
"Narinig ko 'yon!! Ikaw ah." What the???
Lumingon ako sakaniya, nakasandal lang siya roon sa gate, hawak ang bag sa kabilang braso tapos ako nakastep na sa main door.
"Anong ears meron ka?" literal na damit ko lang ata makakarinig ng sinabi ko.
"Hindi mo natatanong, may lahi akong aso. Kaya mukha akong aso" tinaas taas niya pa kilay niya.
"Aso?" hindi naman siya mukhang german sheperd para sa akin.
"Oo. Cute." Ah, I can't do this. Iniwan ko na siya at pumasok na sa loob. Narinig ko namang nilock niya yung gate at sumunod na sa akin.
"Nakuha mo yung regalo mo?" tanong ni kuya Denzel. Nandito na rin sila Jemima.
Lahat sila nakatingin sa akin then lumipat ang tingin nila sa likod ko.
So sinet-up nila ako? I feel betrayed.
Charot, wala naman nangyari masama sa akin.
"Hindi pa, wala pang pasalubong." matic na 'yon na may pasalubong kasi he's from vacation.
"Ako na yung pasalubong." pinanlakihan ko siya ng mata. Hindi ba siya nahihiya sa mga banat niyang corny? Nariring pa nila kuya.
"Bakit hindi mo tinatarayan? Kapag kami..." napakunoot ang noo ko, anong drama ni kuya Denzel?
"Oo nga. Kapag mga kuya mo aawayin mo pero kapag si Vance hindi, I'm hurt."
Ay, wait. Hala, oo nga! Maybe may mali sa gising ko ngayong araw.
BINABASA MO ANG
All Captured Dreams (A Series #3)
Teen FictionA 4th year Journalism student, Diana Estelle Almazar, met a strange guy in her dreams and in real life. When will she see the guy again? Errors ahead. 7/23/2020 - 9/28/2020 #3 'A Series'