"Bakit hindi niya pinakain kay Lianne? Nakuha rin naman 'yon" naparoll eyes ako nang maalala ko na naman 'yon.
Feeling ko hindi na talaga maayos friendship namin, masyado nang malaki yung damage.
"Pinaalis niya si Lianne. Sabi niya siya na raw gagawa ng thesis namin."
"Ay wow, magpapabuhat ka naman?" pang-aasar ko sakaniya kaso hindi niya ako pinansin haha.
"Feeling ko sinabi lang niya 'yon para paalisin si Lianne." napataas ang kilay ko dahil doon. Aba dapat lang.
"E'di maganda." tinapos ko na yung conversation kaya bakit pa siya nandito? Ni hindi siya gumalaw.
"May kailangan ka pa ba?" I asked him.
"May lakad kasi ako ngayon. Pwede mo ba tulungan si Vance?" nahihiya pa yung expression niya kaya natawa ako. Si Kuya Dion, mahihiya? Sa akin pa talaga?
"Okay lang. Saan ka ba pupunta?" Wala naman kaso sa akin 'yon kasi si Vance naman 'yon, hinelp din naman ako noon kaso I need to ask kung saan diba.
"Sa mall lang. May hahanapin lang ako." I give him a 'talaga lang' look.
"Okay sabi mo eh. Umalis ka na" niyakap niya muna ako bago umalis. Ganon ba ka-importante 'yon?
Bumaba na ako at nagpunta sa kusina para magbreakfast. Maaga pa naman so pwede pa magbreakfast. Gumawa lang ako ng bread na may palaman na peanut butter with banana.
Pumunta ako sa sala para roon kainin at manood sa t.v ng concert. Kaso nandon si mama at si Tita nagpapahome service ng pedi at manicure. Sana all. Kaya pumunta na ako sa garden, sa tapat ng pool.
Ay nandito rin si Vance. Nakatingin sa laptop niya ng seryoso and may cup sa gilid, baka coffee.
"You need help?" I asked kasi sinabihan nga ako ni kuya kanina. Eh baka kaya na niya mag-isa, who knows diba?
Nag-angat siya ng tingin sa akin saka tinanggal yung laptop bag sa katabing upuan niya. So roon ako umupo. Hindi naman niya tatanggalin 'yon kung hindi niya i-ooffer yung upuan sa akin.
Medyo awkward kasi hindi pa rin siya nagsasalita so hindi rin ako nagsasalita, naka-upo lang kami rito.
"Tungkol saan yung thesis niyo?" para naman may idea ako kung anong pwede kong itulong.
"Gagawa kami ng short film tungkol sa isang product parang commercial." hindi naman pala masyadong mahirap.
"Eh bakit mo inako lahat? I mean, kailangan bawat member may ambag diyan ah." I don't tolerate pabuhat talaga. Well, maiban kay kuya Dion.
"May naitulong na sila, sadyang sa akin napunta yung mahirap na part." anong mahirap? Editing? Basic lang 'yan sa akin.
Ay, sabagay, may kaniya-kaniya namang galing yung isang tao sa isang specific na bagay.
"I'll help you na lang." inagaw ko yung laptop. Looks like, isa silang family-- mag-asawa sila ni Lianne and nagluto si Lianne. Ah, so ulam 'yung i-cocommercial nila, may ganon pala?
"Ginamit ko yung chicken curry recipe mo." ah yun pala yung sinabi ni kuya sa akin. Akala ko naman gift talaga. Scam si Dion Almazar.
"Ah okay." yan lang nasabi ko kasi I don't know how to respond to that.
Tahimik lang din siya so nag-edit lang ako rito sa gilid. Onting cut lang naman ginawa ko para maganda yung flow ng story. Nag-attach din ako ng background music para maayos pakinggan.
"Finish na." iniharap ko sakaniya yung laptop. It turns out na nakatingin lang pala siya roon the whole time.
"Thank you." sinave lang niya yung file saka pinatay na yung laptop niya.
"Labas tayo," tinignan ko siya.
"Nasa labas na tayo ng bahay, may labas pa ba 'to?" nasa garden kami eh.
"Oo naman, sa labas ng gate tapos punta tayo mall." ahh. He can say gala naman bakit term pa na 'sa labas'.
"Okay. Ligo lang me." tumango siya. So umakyat na ako sa kwarto ko at naligo.
I wonder kung may ginawa ba akong kalokohan kagabi kasi I'm a little bit drunk because of soju. Iba talaga tama non sa akin.
Magdredress na lang ako kasi I'm too tamad para magmatch ng mga damit ko. Ang casual masyado ng suot ko. Kinuha ko yung isa na tube, mukha namang pang-party.
Naghanap lang ako hanggang sa napili ko na lang suotin ay oversized shirt saka leggings. Comfy naman sila suotin so okay lang atsaka mall lang naman.
Paglabas ko, kakalabas lang din ni Vance. Mint green na shirt suot niya, same kami. Napatingin siya sa damit niya saka tumingin uli sa akin tapos tumawa. Magpapalit pa ba ako ng damit?
"Hindi naman kayo nag-usap sa susuotin ninyo, noh?" tanong ba yon, basta si kuya Dean nagsabi.
"Nagkataon lang. Isa lang ba sa amin pwede magsuot ng ganitong kulay?" I asked. Ang issue kasi amp.
"Bat galet?" tumawa siya. Tinarayan ko lang siya.
"Ingat kayo ha. Vance, ikaw na bahala kay Estelle."
"Yes, tita. Hindi ko naman po papabayaan si Alyanna." naiilang ako dahil sa mga tingin ng kapatid ko.
Nakasakay na kami sa kotse niya nang pinatugtog niya yung radio niya. Nagulat ako puro k-pop yung kanta, akala ko noong una nagkataon lang.
"Huwag ka na magulat kung bakit may k-pop diyan. Sino ba lagi kong sinasakay rito?"
"Ako?" hindi ako sure kung ako lang ba.
"Tama. At dahil diyan ililibre kita ng food." wow. game show.
"Anong gagawin natin sa mall?" tinanong ko na dahil kanina pa ako curious.
"I-treat kita. Diba nakapasok ka uli sa newspaper something sa school?"
"Ay ganon." bakit ang daming nanglilibre sa akin dahil don? Hindi ko pa nga nabibilhan sarili ko ng prize.
"Yes. Nagluto ako kahapon kaso you're drunk." ha? Bakit niya alam? Kasama ba namin siya?
"How did you know?"
"Pinagbuksan kita ng gate tapos kung ano-ano pa sinabi mo sa akin." oh no.
"Like what?"
"Basta."
"Ano nga?"
Umiiling lang siya tuwing kinukulit ko siya. Hanggang sa makarating kami sa parking ng mall, hindi niya pa rin sinasabi. Hmph. Iwanan ko siya rito eh.
Bago ko pa buksan yung pintuan, he offer his hand. What for?
"Apir muna." amp, parang bata. Inapiran ko na lang para matapos na.
He show his hand uli. Nakaclose yung ring and middle finger niya, tanging pinky, point at thumbs lang.
"Alam mo ba ibig sabihin nito?"
🤟
BINABASA MO ANG
All Captured Dreams (A Series #3)
Teen FictionA 4th year Journalism student, Diana Estelle Almazar, met a strange guy in her dreams and in real life. When will she see the guy again? Errors ahead. 7/23/2020 - 9/28/2020 #3 'A Series'