"Hindi mo naman deserve lahat ng 'to, lalo na siya, hindi ka niya deserve." para akong sinaksak ng paulit-ulit sa naririnig ko, Sa lahat ng tao bakit sakaniya pa kailangang manggaling?
"Bakit? Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin na mas deserving ka kaysa sa akin." hindi ko dpaat ipakita na mahina ako. 'Yon ang lagi nyang sinasabi sa akin.
"Oo. 'Yon naman ang totoo."
"Ni kailanman hindi ka karapatdapat sa lahat ng meron ako." naramdaman ko nalang na dumampi na ang palad niya sa pisngi ko.
"Gumising ka na sa katotohanan." naramdaman ko na naman yung pagtapik sa pisngi ko.
"Ate, ilang tapik pa ba gagawin ko para magising ka?" dumilat na agad ako. It felt real kasi si Dino naman pala 'yon.
Ay, wait. Paano ako napunta rito sa kwarto ko? Naalala ko kagabi na roon ako sa sala natulog.
"Paano ako nakapunta rito?" tanong ko kay Dino. Ang tanga ng tanong ko, kainis.
"Hala, ate. Alam mo bang tulog ka lang buong araw kahapon?" Ano? It means may pasok ako ngayon kasi alternate yung pasok ko. Napabangon ako agad.
"Joke lang, ate. Tulog ka lang uli." sinamaan ko siya ng tingin. Wala na yung antok ko, hindi na ako uli makakatulog.
"Anong trip mo? Umalis ka nga rito!" binato ko siya ng unan. Tumawa lang siya saka lumabas na.
Nakatitig lang ako sa kawalan. I don't know what to do. Wala pa naman kaming thesis or what. Ayoko ring lumabas kasi mainit naman. Humiga na lang ako uli at sa kisame naman tumitig.
"Anong gagawin ko?" sambit ko sa sarili.
Tumayo na ako para kunin yung speaker ko at magpapatugtog ako ng k-pop. Okay, lowbat siya so tumayo na naman ako para kunin yung charger kaso wala sa lagayan ko. Kinuha na naman ng mga 'yon.
"Aalis ka?" tanong ko kay kuya Dion. Nakapang-alis kasi siya.
"Oo. May pasok ako ngayon." tumango lang ako. Saka kinuha na yung charger ko.
Napatingin ako sa pintuan ni Vance. Wala rin siya ngayon kasi magkasama sila ni kuya, hindi ko lang alam kung pumasok na ba siya.
"Estelle, ikaw magluto ng ulam." kumatok si mama sa pintuan ng kwarto ko.
"Anong ulam?" tumayo na ako para sundan siya sa kusina.
"Ikaw nga magluluto eh." ay sabi ko nga. Binuksan ko yung ref and nakita kong may chicken pa.
"Chicken curry na lang lulutuin ko." tumango lang si mama kasi she knows that it's my favorite dish.
Kinuha ko na yung iba pang ingredients. I was about to slice the potatoes when I saw Vance na bumababa ng hagdanan. I thought they have class ni kuya?
"Hello. Sana all chef." bati niya saka kumuha ng tubig.
"Akala ko may pasok kayo? Umalis si kuya eh." tumawa lang siya saka nilagay sa sink yung baso na ginamit niya.
"Ay weh. Tignan mo ig story ni Jemima." they went out? Tanghaling tapat?
"Anong lulutuin mo?" he asked saka tumabi sa akin.
"Chicken curry na may spinach." tinawanan ko siya kasi he looked at me with disgust face.
"Why? Naluto ko na rin 'yon dati. Don't worry." tumango lang siya saka may kinuha sa cabinet sa baba.
"Ito gagamitin mong kawali? I-gisa ko na ba 'to?" tinuro niya yung onion and garlic na hiniwa ko kanina. I just gave him a nod, hinihimay ko kasi yung spinach.
Inaantay na lang na kumulo ng paulit-uli yung sauce and maluto yung chicken.
"Can I have a taste?" tumango lang ako. Sinamahan niya ako rito sa kitchen kasi binabantayan ko ngang maluto.
"Bakit ang pait?" uminom agad siya ng tubig.
"Sa spinach 'yan." kampante kong sabi. Ganiyan naman talaga kasi syempre may aftertaste 'yung spinach.
Tumayo ako para i-check yung chicken if luto na ba siya. I checked the sauce too. Medyo mapait nga. Actually, iba yung pait niya.
"See? Iba yung pagkapait niya."
"Oo na." shoot, paano ko aayusin lasa nito?
"Sigurado ka bang spinach 'yan?" kumuha siya ng tongs para kuhain yung leaves while ako hinahanap ko sa trash bin yung plastic na pinaglagyan niya.
Oh, my ghad.
"Ampalaya leaves pala 'yan." hindi na niya mapigilang matawa. Ang lakas pa ng tawa niya kaya nahawa tuloy ako.
"Ano ba naman 'yan, Alyanna."
"In my defense, mukha siyang spinach kaya 'yan ang kinuha ko." tumatawa pa rin siya kaya tinarayan ko lang siya.
Pumunta uli ako sa ref para matignan kung paano ko aayusin yung lasa. Milk lang ang nakita kong pwedeng magpa-ayos ng lasa so I get it.
"Kumuha ka rin ng honey, honey." what? DId he just called me honey?
"Huh?" kinuha niya yung honey sa ref saka pinakita sa akin 'yon. 'Honey' yung name ng brand.
"Ahhh. Okay. Put some." tinuro ko yung kawali so nilagay niya na yung honey.
"Bakit? Anong iniisip mo sa honey?" wala naman akong iniisip. Pinagsasabi nito.
"Wala? Meron ba dapat?" tanong ko pabalik.
"Sa bee 'yan galin, hindi ba?" ano bang pinagsasabi nito? Hindi ko siya pinansin. Tinikman ko uli yung sauce, okay naman na so pinatay ko na yung apoy.
"Oh, anong meron kung sa bee galing?" hindi siya umimik pero binigyan niya ako ng bowl.
"Hindi ko mabuo yung banat ko. Babanat dapat ako, eh." natawa naman ako sa sinabi niya. Banat banat pa kasing nalalaman.
"Tita, Ma, Kuya, Dino, Kakain na." sabi ko. Si Kuya Dion lang talaga wala rito, complete kami with guests.
Pumunta na kami sa dinning are kung nasaan si Vance. Tinulungan niya rin kasi akong i-set up yung lamesa.
"Wow, Alyanna. It taste good. Pwede ka na mag-asawa." sabi ni tita Valerie, yung mom ni Vance.
"Huwag muna tita, bata pa 'yan. Wala pa ngang nagiging boyfriend." sabat ni kuya Dean.
"Wala ka pang nagiging boyfriend, hija?" grabe naman, parang gulat na gulat si Tita.
"Wala pa po, hehe." hindi ko alam pero kay Vance ako nakatingin na nakatingin din sa akin.
"Si Vance rin, eh." I just nod. Anong gagawin ko kung wala pang naging girlfriend si Vance? Sasabihin ko bang goals kami?
"Baka pinagbabawalan mo kasi, mare." sagot ni mama.
"Magkakaroon din 'yan siya. Soon."
BINABASA MO ANG
All Captured Dreams (A Series #3)
Teen FictionA 4th year Journalism student, Diana Estelle Almazar, met a strange guy in her dreams and in real life. When will she see the guy again? Errors ahead. 7/23/2020 - 9/28/2020 #3 'A Series'