Hindi ko alam pero pumunta pa rin ako kahit alam kong masakit.
Wala naman akong intensyon na sirain kung anong binubuo nila kahit wasak na wasak ako.
"Do you take ___ as your partner in life?" gusto kong sumigaw dahil sa tanong ng pari pero wala akong lakas para gawin 'yon.
Napansin kong nakatingin siya sa mga tao, parang may hinahanap. Tinignan na siya ng kasama niya sa altar, inaantay ang sagot niya.
Hanggang sa magtama ang paningin namin.
"No." sagot niya sa pari. Naka-mic siya kaya rinig agad namin.
Gulat ang mga tao, maski ako. Ang alam ko ay nagkasundo na kami. Nagkasundo na kaming hahayaan na lang namin ang isa't isa.
Tumakbo siya pababa ng altar. Tumatakbo na siya papunta sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng simbahan.
.
Sa sobrang stressed ko dahil sa kasal ni kuya pati panaginip ko may kinakasal. Umuwi rin naman si kuya Dean noong araw na nagwalk out siya sa bahay. Uminom lang pala.
Hindi pa alam kung kailan ang kasal kasi hindi pa namin nakikilala kung sino yung babae. Wala namang girlfriend si kuya ngayon kaya walang problema atsaka nasa right age na raw si kuya para magpakasal.
For me, it's kinda unfair kung ipagkakasundo mo yung anak mo sa hindi naman niya gusto. Like, sumusunod ka sa parents mo since birth tapos hanggang sa pagpapakasal sila pa rin mamimili? Unfair.
"It's been a month-- ay wait, two months na?" gulat niyang tanong. As usual, si Jemima uli kasama ko. Tapos na class and inaayos na lang namin gamit namin.
"Two months ano?" wala naman nangyari two months ago, ah.
"Two months na kayong hindi nagpapansinan. Wala kayong balak magbati?" ahh, si Lianne. Siya naman nagpakita ng ugali niya bakit ako magsosorry?
Speaking of, nagpass by sa table namin si Lianne. Kasama niya pa rin yung mga girls na akala mo sinampal ng ilang beses dahil sa make-up.
"Hayaan mo siya. Marerealize rin niya 'yon." pagkasabi ko non ay saktong umupo si Lianne sa katabi naming upuan, siya lang mag-isa.
Ang dami-daming upuan sa likod bakit sa tabi pa namin siya uupo? Aktong tatayo na ako nang hawakan niya ako sa braso. Oh, c'mon.
"Anong problema mo?" I asked. Walang emosyon sa boses ko kasi I'm not mad at her na but hindi rin ako natutuwa sakaniya.
"Sorry." she said with a teary eye. Imbis na magreact ay bumalik lang ako sa pagka-upo.
"Okay. Huwag mo na uulitin. Baguhin mo na yang ugali mo." I said without looking at her. Tumayo siya at niyakap ako agad.
"I missed you." bulong niya sa akin. I hugged her back. Na-miss ko rin naman siya.
"Huwag ka ngang umiyak, para kang tanga." sabat ni Jemima sa gilid ko. Sakaniya naman naghug si Lianne.
"Ilang beses na kita nakikita sa mall pero kasama mo lang si Kuya Dion. Miss na kita magmall." napatingin ako agad kay Jemima. Looks like may hindi nagkwekwento.
"Ay talaga? You saw them together? When?" nanlaki naman agad mata ni Lianne. Gets na niya.
"Kayo na ba?" I asked. Hindi na siya nakasagot kasi sumilip na si kuya with Vance sa pintuan. Ang taray, saktong sakto.
"Kuya Dion, kayo na ba ni Jem?" tanong ni Lianne. Nagulat naman si kuya Dion.
"Kami na" nakangiting sagot ni kuya Dion.
"Hindi." Ay hala, magkaiba sila ng sagot.
"Alam niyo, mag-usap na lang kayo. Una na kami." natatawang sambit ni Vance saka tumingin sa akin. Sakaniya ako uli sasabay kasi need nila magtalk.
"Tara na, Lianne." tumango lang si Lianne aaka hinug muna si Jemima bago lumingkis sa braso ko, nagulat naman si Vance.
I can feel the tension between us three kasi syempre si Vance yung lowkey reason why kami nag-away. Plus the fact na wala pa silang proper conversation.
Nasa right side ko si Lianne then nasa left side ko si Vance. Naramdaman kong kinuha niya sa kamay ko ang cam bag na dala ko. Ginamit kasi namin kanina sa club.
"Natanggap ka pala sa newspaper, Lianne." natigilan siya saka awkward na ngumiti sa akin. Hala, why?
"Umalis na ako. Nag-iba ako ng club." ahh. Hindi na ako nagtanong kasi kung gusto naman niya magsabi, magsasabi siya kahit walang nagtatanong.
Nandito na kami sa parking and ang nakakatawa ay magkatabi ang kotse ni Lianne and Vance so hindi ko alam saan ako sasabay.
"Sasabay ka ba sa akin?" tanong ni Vance. Tumango na lang ako since siya unang nagtanong.
"Ingat kayo." ngumiti sa amin si Lianne bago pumasok sa kotse niya. Pumasok na rin kami ni Vance sa kotse.
I'm glad at hindi awkward si Lianne and Vance. I'm kinda worried kasi kanina baka kung anong joke or masabi nila sa isa't isa at may mag-away na naman.
"Sino nagsorry? Siya, 'no?"
"Yes. Bakit ako magsosorry?"
"Wow." oh, bakit ganiyan reaction niya? May sense naman sinabi ko ah.
"Bakit?"
"Wow lang. Masama?"
"Bakit mo natanong? Gusto mo si Lianne noh?" tumingin siya sa akin na nakakunot ang noo. Maski ako nagtataka bakit lumabas 'yon sa bibig ko.
"Hindi. Nagtanong lang kasi inis na inis ka sakaniya. Nagrarant ka pa nga."
"Really? Nagrant ako?" gulat kong tanong. Ako magrarant?
"Oo, hala siya." weird naman. Hindi ako nagrarant basta basta kung kanino, eh.
"Ano namang na-feel mo?" tanong niya pa. Maybe he's bored kaya he's asking random questions.
"Okay lang. Wala naman na inis ko sakaniya kaya keri lang kanina. Muntik pa umiyak." pagkwe-kwento ko. He just let out a soft chuckle.
"Umiyak ka?" he asked. Mayghad, wala na ba siyang matanong kaya ganiyan na tanong niya?
"No! Ang dramatic naman kung ganon. Wala kami sa teleserye or what." natawa uli siya.
"Tawa ka ng tawa, may nakakatawa ba?" lagi na lang siyang tumatawa sa mga sinasabi ko. Hindi ko alam kung pampalubag loob niya ba 'yon.
"Funny ka kasi." really? Ako pa lolokohin niya?
"Oh, tapos?"
"Gusto ko sa babae yung funny."
"Funny? As in funny-walain?" I'm not gullible naman.
"No, funny like you."
Really?
A/N:
Unknown POV po yung mga dreams hehe, salamat!!
BINABASA MO ANG
All Captured Dreams (A Series #3)
Teen FictionA 4th year Journalism student, Diana Estelle Almazar, met a strange guy in her dreams and in real life. When will she see the guy again? Errors ahead. 7/23/2020 - 9/28/2020 #3 'A Series'