"Ano? Nasaan 'yang mga babaeng 'yan?" galit na tanong ni Jemima. Nandito kami sa may lobby. Tapos na lahat ng classes namin dahil wala yung prof namin noong last subject.
"Huwag mo na lang sabihin kay Vance pati kay Kuya. Naayos ko naman na yung issue."
"Anong huwag sabihin?" nagulat ako nang may humawak sa balikat ko. Napatingin ako agad kay Vance at Kuya.
"Ah, wala lang 'yon, kuya." pagdeny ko "Gusto niyo ba kumain?"
Hindi sila umimik at umupo lang sa tabi ko si Vance. Si kuya naman nakatayo lang pero nakatingin kay Jemima. Nawala kasi sa mood si Jemima noong kwinento ko.
Naramdaman ko na lang yung head ni Vance na nakasandal na sa shoulders ko. Tinignan ko siya, nakapikit na yung mga mata niya kaya hindi na muna ako gumalaw.
"Hoy, Lianne!" napatingin kaming lahat kay Jemima. Kahit si Vance napatingin, eh.
Nilapag ni Jemima yung laptop niya at bag niya sa lapag. "Pagsabihan mo 'yang mga kaibigan mo. Paki-tigilan si Alyanna, hindi naman niya kasalanan kung hindi ka gusto ni Vance."
"Ano na naman ba 'yon?!" Natigilan si Jemima dahil sa pagsigaw ni Lianne. Walang naman masyasdong tao sa lugar na 'to.
Napatingin ako sa kamay niya, there's a ring on it. Diamond ring.
"Nakakapagod na." I think she was about to breakdown buti nilapitan siya ni Cedric. Andito pa pala 'to? We don't talk anymore since noong hospital days.
"Ano na naman bang ginawa ko? Ako na naman?" napaupo siya and she started crying.
Hindi ko naman siya masisi kung ganon ang isipin niya. Maybe pressured din siya sa family niya.
Tumayo si Vance saka lumapit sakaniya, lumuhod siya sa harapan ni Lianne. Nagulat ako sa ginawa niya.
"Lianne, pakisabihan naman sila Sydney, yung mga kaibigan mo na pakitigilan si Alyanna. Ayon lang." mahinahong sambit ni Vance then tumayo na.
"Vance, I'm sorry. Sige, pagsasabihan ko." nagkatinginan kami ni Jemima. Ako yung inaway pero kay Vance nagsorry.
"Let's go, Lianne." tinulungan siya ni Cedric sa mga gamit niya. Walang gumalaw sa aming tatlo.
Awkward ang atmosphere. Ang bigat bigat. We're all used to be close at some point but then that friendship collapsed nang dahil lang kay Vance.
Tinitigan ko si Vance habang nagdadrive. I can't be mad at him, I love him. Napansin niya ata 'yon kaya hinawakan niya ang kamay ko saka he planted a kiss doon.
"Are you okay?" tanong niya. Malapit na kami sa bahay.
"Yea." tumango ako.
"You seem off. You want to eat something?"
"No. I'm good."
"Okay." tumango lang siya pero magkahawak pa rin kami ng kamay.
Wala ako sa mood. Napapagod na ako sa ganito. Akala ko noong una matatapos din 'to. Nakakawalang gana naman 'yung ganitong set up. Hindi ba pwedeng pumasok sa relationship na peaceful?
"Lianne," I greeted her as soon as I saw her.
Lalapit sana siya for kiss sa cheek pero umiwas ako. Hindi ako nakipagkita para makipagplastikan sakaniya, noh. I need to know the details.
"Good morning" she sat in front of me, "Bakit ka nakipagkita sa akin?"
"I need to know the details about that stupid arrange marriage." I said. Napataas naman ang kilay niya dahil doon.
Kagabi ko pa 'yon pinag-iisipan. Gusto kong malaman bakit sobra silang kadesperado roon. Bakit hindi mabigyan ng freedom si Vance pumili king sinong papakasalan niya?
"Sabihin na lang natin na kailangan ako ng pamilya ni Vance." bitch, hindi ikaw ang kailangan. Tumango lang ako.
"At bakit?" sagot ko.
"As you can see, tita Valerie and Vance is currently living with your family, right? Does she tell you why?" matamis niya akong ningitian.
Pinilit ko yung sarili ko na isipin kung may nabanggit ba sila mama o si tita sa amin kaso wala. I remember na ayaw ko pa nga na nandito sila Vance kasi hindi ko siya matandaan noon.
"Walang nabanggit." umiling pa ako. Uminom siya ng juice saka nang-aasar na ngumiti. Argh, I'm getting inis na. Hindi na lang sabihin.
"Anona?" pangungulit ko.
"Hindi ko ba nanonood ng teleseryes or what? This is so cliché. Need ni tita ng pera, sino ba may pera? Kami."
Luh, hindi naman kami poor, ah.
"Ah so it's a desperate move." Oh, okay.
"They gave me a chance to pick my groom. I picked Vance." nag-init ang pakiramdam ko sa narinig ko.
"Bakit si Vance?"
"I like him. From the moment na pinakilala mo siya sa akin. I knew it." ngumiti pa siya na parang kinikilig, "Eh, ikaw? Bakit hindi si Cedric?"
"He's my friend. I only admire him as a friend."
Wala akong idea na gusto pala ako ni Cedric. I thought ginagawa niya lang 'yon dahil friends kami.
"Eh, bakit si Vance?"
Tumawa muna ako nago umayos ng upo at lumapit nang bahagya sakaniya. "Alam mo bang magkababata kami?"
"Oh, tapos?"
"Wala lang. Gusto ko lang sabihin."
"Okay. Invited ka sa wedding, ha." tumayo siya and she get get drink sa table, "Kailangan nandon best friend ko."
Humiga lang ako sa kama ko. Napapaisip ako kung itutuloy ko pa ba 'to. I mean, it's like world againts us. My family is supportive to us naman pero he have his responsibilities as a son.
And ang laki kong harang para magawa niya 'yon.
I think I just need the real reason then I will make my desicion na.
May kumatok sa pintuan kaya sumigaw ako ng "pasok".
Si Vance, may dalang unan and nakapajama na siya. Binagsak niya ang katawan sa kama na padapa saka agad na pinalibot ang braso sa tiyan ko.
"Okay ka lang ba? Need mo ba ng hug?" hindi ako umimik saka humiga patigilid para makita ko siya.
My hands comb his hair. I looked at him in his eyes.
Hayst, gonna miss those eyes.
"Clingy ka. Anong problema?" tumawa muna siya bago umayos ng upo.
Napatingin siya sa bandang leeg ko, napakunot ang noo niya roon. Hinawi ko yung buhok ko para lalo niya pang makita. Hindi ko kayang i-open yung topic na 'yon.
"Wait." hinawi niya ang suot kong top, "Nasaan necklace mo?"
BINABASA MO ANG
All Captured Dreams (A Series #3)
Teen FictionA 4th year Journalism student, Diana Estelle Almazar, met a strange guy in her dreams and in real life. When will she see the guy again? Errors ahead. 7/23/2020 - 9/28/2020 #3 'A Series'