Chapter 24

15 11 2
                                    

"Gusto kitang hiwalayan. Ayoko na sa'yo." sigaw ng babae sa lalaki. Sakit ang gumuhit sa mga mata ng binata. Akala niya ay okay sila. Nanginginig naman ang mga kamay ng dalaga dahil hindi naman niya ginustong gawin 'to.

"Panaginip lang 'to, tama ba?" wala nang emosyon sa mga mata ng binata. Nakatitig lang siya sa mga mata ng dalaga.

"Hindi. Gusto mo bang sampalin pa kita? Gumising ka na, ayoko na." parang sinasaksak nang paulit-ulit ang binata sa mga naririnig niya.

"Hindi ko maintindihan. Akala ko ayos tayo, akala ko okay tayo. Bakit ganito?"

"Hindi lahat ng akala mo mangyayari. Sorry kung tatanggalin kita sa panaginip na 'to," nanghihingi siya ng dispensa ngunit hindi kita bakas sa kaniyang mukha na lalong nagpalala sa nararamdaman ng binata.

"Umalis ka na. Bakit kailangan mo pa ipamukha sa akin na wala na? Bukas ang pinto, umalis ka."

Hindi na alam ng binata kung anong sasabihin niya. Ayaw niyang masaktan ang dalaga kahit tamang-tama na siya sa mga sinasabi nito. Pinili niyang ikimkim na lang sa sarili niya.

"Sana... sana pala hindi na kita minahal."

Lumabas na ang dalaga at doon siya nag-umpisang umiyak. Pagod siya. Pagod ang utak niya, ang puso niya, pati na rin ang katawan niya ay pagod.

.


"Love, gising." naramdaman kong may sumasampal sa akin.

Ang ganda naman ng bungad sa akin ngayong umaga.

"Bakit ka tumayo?" tumingin ako sa baba. Hinahanap ang slippers ko.

"Naiihi ako kanina. Kaya ko naman na kaya hindi na kita ginising." kung sabagay, ulo naman natamaan sakaniya hindi paa.

"Bakit mo ko ngayon ginising?" umayos ako ng upo, siya naman bumalik sa kama niya.

"Papunta na raw sila mama. Si Cedric daw maghahatid sakanila rito." napatingin ako agad nang marinig ko yung pangalan na 'yon.

"Bakit siya? Nasaan si Dion?"

"Hindi ko alam. Probably sinundo si Jemima."

"Dapat sa akin na lang tumawag si Tita." wala talaga akong tiwala sa Cedric na 'yan. Iba talaga pakiramdam ko sakaniya.

"Tinatawagan ka raw ni Dino kanina." tumawa siya. Hinanap ko naman agad yung phone ko.

"Luh, gagi." dead batt pala ako kaya hindi ko marecieve yung tawag. May kumatok naman na sa pintuan.

Pinagbuksan ko sila ng pinto. Magkakasama na silang lahat. Buong pamilya sila nandito tas may kasamang asungot na si Cedric.

May mga pagkain silang dala kaya inayos ko na yung kakain lang ni Alyanna kaso umeepal talaga 'tong Cedric na 'to.

"Ako na lang, bro." bro amp, hindi kami close.

"Ako na. Doon ka na nga." pagtataboy ko sakaniya na halata naman na hindi niya nagustuhan kasi naramdaman kong binangga niya ako.

"Ayaw niyan ni Alyanna. Kaya ko nga dinala yung ice cream para sakaniya tapos bibigyan mo siya ng pizza." sino ba namang tanga ang kakain ng ice cream umagang-umaga?

"May saltik ka ba o ano? Syempre kailangan muna may laman tiyan niya." sagot ko. Bobo kasi.

"Hayaan mo na nga si Vance riyan, Cedric." sabat ni Dion kaso hindi niya pinansin. Ayaw ko lang gumawa ng gulo rito pero kung gusto niya go lang, papatulan ko siya.

"Bakit ba kayo nagkakagulo riyan? Huwag niyo na bigyan si Alyanna kung mag-aaway kayo." sabat naman ni Tita. Sinamaan niya ako ng tingin saka kinuha pa rin yung ice cream. Napakatigas ng ulo.

Inabot ko na kay Alyanna yung plato na may slice ng pizza. Kinakain naman niya. Anong pinagsasabi niya na ayaw ni Alyanna ng pizza? Eh, ayan nga lagi namin kinakain.

"Alyanna, mint choco na ice cream." inabot niya yung cup na may wafer cone. Sus, ang daming alam magtinda na lang sana siya ng ice cream diyan sa labas.

"Ayaw ko. Mamaya na ako kakain niyan. May pizza pa ako, oh." Oh, ayan. Pilit niya pa, eh.

"Masarap 'to. Ito na muna unahin mo."

"Bakit ba ang kulit mo? Hindi mo ba nakikita na kumakain pa ako ng pizza? Eh, sa ayaw ko kumain ng ice cream. Ikaw kainin mo."

I'm ready to throw hands kung hindi niya pa tinigilan si Alyanna kaso siya rin mismo lumayo.

"Gusto ko lang naman kung anong mapapabuti sa'yo." sagot ni Cedric. Ay, ano sa tingin niyang ipapakain ko sa girlfriend ko? Papakainin ko ng lason?

"Bakit? Hindi ba gugustuhin ng boyfriend ko kung anong mapapabuti sa akin?" lahat sila nagulat maski ako.

"Boyfriend?" tanong ni kuya Denzel saka tumingin sa akin. Kinakabahan ako. Alyanna naman kasi nangbibigla.

"Ma, kuya, Dino, Jemima, Kami na ni Vance." nagkaroon ng matagal na katahimikan pero nawala rin nang tumawa si kuya Denzel.

"Hindi pa ba kayo? Akala ko kayo na. Like, matagal na, mga one month." tanong niya.

"Ako rin. Akala ko kayo na." sagot naman ni kuya Dean.

"One week palang." sagot ni Alyanna.

Hindi pa nga namin napag-uusapan paano sasabihin sa pamilya niya. Akala ko may pakape o kaya dinner pagkatapos niyang madischarge.

"Nuks, lakas talaga ng pambato ko." binigyan ako ng thumbs up ni Jemima.

"Huh? Bakit? Bakit hindi ako?" napatingin kaming lahat kay Cedric. Sabi ko na nga ba, eh.

"Sorry. Friends lang talaga turing ko sa'yo." awts. Nabasted pa siya sa harap ng pamilya ni Alyanna pero parang wala lang sakaniya.

"Ang dami kong ginawa para sa'yo Alyanna. Bata palang tayo magkakilala na tayo tapos siya pa pipiliin mo? Kailan lang ba 'yan sumulpot?"

Sasagot na sana ako kaso hinawakan namin ni Alyanna ang kamay ko at tinuro si Tita.

"Cedric, hijo, naappreciate ko naman lahat ng ginawa mo para sa amin pero hindi tamang sinusumbat mo kay Alyanna lahat ng ginawa mo para sakaniya." nag-iba ang expression ng mukha niya. Bars, bro.

"Ngayon, kung hindi mo mamasamain, pwede ka na umuwi sainyo. Salamat sa paghatid sa amin dito." tumango lang siya kay Tita.

"Walang anuman po, Tita. Anytime, Alyanna." tumingin muna sa akin siya ng masama kaso ningitian ko lang siya.

Tahimik na naman kami uli pagkalabas ni Cedric. Sana kinuha niya yung mint choco niya.

Kinabahan na naman ako kasi sa amin na humarap si Tita.

"Kung inaantay niyong pumayag ako sa relasyon niyo, matagal na akong payag."

All Captured Dreams (A Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon