"Congrats, girl! Pasok ka pa rin." nandito kami sa malaking bulletin board sa harap ng avr. Lumabas na yung result noong sa newspaper sa school. Hindi naman ako
kinakabahan."Manlibre ka naman." napatingin kami ni Jemima kung saan nangaling yung voice.
"Oh, Eric! Kailan ka pa nakabalik?" siya rin yung kasama ni Lianne noong nakita namin sila ni Vance. Sa palawan kasi siya nagbakasyon.
Speaking of Lianne, tinignan ko uli yung list, nandon din siya. Kailan pa siya nagkaroon ng hilig sumali sa ganito? So kailangan ko pa siyang pakisamahan sa club.
"Dianna? Dianna!" si Eric lang tumatawag sa akin ng Dianna. We're friends since high school, same kela Lianne and Jemima.
"Bakit ba?" I asked. Hindi naman kasi kailangang sumigaw. Nakatulala lang eh.
"Manlilibre ka ba kasi I'll treat you na lang, sabay kayo ni Lianne." sumimangot agad ako.
"Sige lang. Sunduin mo na lang kami later, ipaalam mo 'to kay Dion." sambit ni Jemima. Ayos lang sa akin as long as kasama si Jemima.
Dalawang subject lang kami ngayong araw pero kaninang after lunch ang start kaya dinner time na makakauwi kaso nga Eric's gonna treat us pa.
"Dion, ipagpapaalam ko lang si Dianna. And also, where's Lianne?" nandito kami sa may parking ng school. Inantay namin sila kuya kasi nga ipapaalam daw ako.
"Sige lang basta hindi siya aabot ng midnight. Si Liannne kasama ni Vance. Magkagrupo kami sa thesis." Ha? Napatingin agad ako sa gawi ni kuya. Bakit sa lahat ng tao sa advertising students, sila pa magkakagrupo?
"Okay. Ingat kayo." sagot ni Jemima. Tinignan ko lang silang dalawa, may something talaga sa tinginan nila.
"Salamat. Kayo rin." tumango lang ako saka pumasok na sa kotse ni Eric, magkatabi kami rito sa likod ni Jemima.
Pinikit ko yung mata ko dahil gusto kong kumalma. Naiinis ako, hindi ko alam bakit. Well, syempre isa na roon si Lianne pero may isa pa, hindi ko malaman kung ano. Dapat nga masaya ako pero bakit ito ang nararamdaman ko?
"Order kayo soju." I said pero tinignan lang nila ako. Nasa samgyup place kami ngayon.
"Malakas tama ng soju sa'yo." sagot ni Eric, obviously rejecting my offer.
"Isa lang. Wala namang pasok bukas." pamimilit ko. Hindi naman nila ako matitiis, mamaya meron nang soju rito sa table namin.
Kumain muna ako ng kanin bago ko binuksan yung soju. See? Nag-order din siya. Sinalin ko agad sa baso ko lahat saka ininom ko lahat. Naramdaman kong nasusuka ako pero nawala rin naman agad.
"Isa lang pero lahat sakaniya." Binigyan ako niya ako ng tubig.
"Nakakainis talaga siya. Ilang taon na akong nagtitimpi." sinandal ko yung ulo ko sa lamesa.
"I can't be always the bigger person kasi paano siya matututo?" I know nonsense na ng sinasabi ko pero I can't say it kapag nasa tamang huwisyo ako..
"Lasing ka na ba, pre?" rinig ko. Boses ata ni Eric 'yon.
"Hindi 'yan lasing. Nagiging madaldal lang kapag nakainom" hmm, kaninong voice 'yon? Let me think.
"Jemima!" umayos ako ng upo saka sumandal sa balikat niya.
"Alyanna, kumakain ako" sumimangot ako saka sumandal uli sa lamesa.
Bakit niya kasi kasama si Vance? Okay lang kung si kuya yung kagrupo niya pero bakit si Vance? Gusto ko magshift tuloy.
"Hoi, uuwi na. Sinabi na kasing huwag na magsoju, ayan." hala, gagalet si mama.
"Nababaliw ka na ba Dianna?" pang-aasar ni Eric.
"Shut up." sagot ko ng pabalang. Tumawa lang siya. What's so funny ba?
Hawak hawak nila ako pero bumitaw ako kasi I can't walk properly. Hindi naman ako nawalan ng paa. I can walk! Sumakay na ako sa kotse, nahihilo pa rin. I dpn't really drink, kapag masama lang loob ko.
"Nandito na tayo. Gising na Alyanna." dumilat na ako, hindi naman talaga ako nakatulog. How can I sleep kung nahihilo ako?
Tutal I can walk by myself, hindi na ako nag[ahelp sakanila. Hinintay ko muna sila makaalis bago pumasok sa loob ng gate.
Uy, si Vance.
"Ayos ka lang?" lumapit siya sa akin na may worried eyes. Aww.
Nilagay ko yung dalawa kong kamay sa magkabilang cheeks niya saka i-nisqueeze 'yon. Ang soft ng cheeks niya, sana all.
"You're so handsome. Akalain mo 'yon, kalevel ka ng mga stan groups ko." medyo blurry pero nakita ko teeth niya so nagsmile siya.
"Talaga?" hinawakan niya yung hands ko saka inalis yun sa mukha niya. Tumango ako.
"Lasing ka ba?" umiling ako. I'm not drunk, I can walk nga eh.
"Weh?" tumango ako. Napansin ko nakatayo lang kami rito sa may mismong tapat ng main door at gate.
"Sige nga, ilan 'to?" he showed his pinky, point finger atsaka thumb. Edi, tatlo.
"Three. I'm not dumb nor drunk. Well yeah, a little bit." tumatawa siyang tumango bilang sagot.
Hawak niya ako sa wrist pagkapasok namin sa bahay. Siya na rin naglock ng gate kanina. Patay na yung mga ilaw so tulog na sila? Anong oras na ba?
"Kaya mo na diba?" tanong niya pagkatapat namin sa isang kwarto. Ay, kwarto ko pala 'to, hehe.
"Yes. salamat you." tumawa lang siya saka bumaba na uli ng hagdanan.
Nagising ako na medyo masakit ulo ko. Epekto ng ininom ko kagabi. Ano na naman bang dinaldal ko kahapon? Sana wala.
Napatingin ako sa pintuan kasi may kumatok. May camera ba rito at nakikita kung gising na ako? Sakto eh.
"Pasok," ay si kuya Dion lang pala.
"Sakit ulo mo? Inom pa. Sabi ni Jemima, tinunga mo raw isang bote." naiiling-iling niya pang sabi. Hindi ako naguguilty, normal ang naman 'yon, kala mo naman siya hindi.
"Ano bang problema? Umagang umaga." umupo siya sa kama ko saka nilapag yung mug na hawak niya sa nightstand.
"May ikwekwento kasi ako sa'yo." tinignan ko siya. Chismoso na pala siya?
"O sige, ano 'yan? Matutuwa ba ako riyan?"
"Alam mo bang nagluto si Vance ng curry with spinach tapos malalaman lang niya nagdinner ka na pala." natigil ako sa pag-inom at muntik ko na mabuga sakaniya sa gulat.
"Ha? Seryoso ka ba? Bakit niya ginawa 'yon?"
"I-cocongratulate ka."
🤟
BINABASA MO ANG
All Captured Dreams (A Series #3)
Teen FictionA 4th year Journalism student, Diana Estelle Almazar, met a strange guy in her dreams and in real life. When will she see the guy again? Errors ahead. 7/23/2020 - 9/28/2020 #3 'A Series'