Chapter 23

11 11 2
                                    


"I'm sorry, wala akong nagawa."

Ha? Ano raw? Paiyak na siya nang lumapit siya kay Alyanna. Meron siyang cast sa binti niya, baka dahil sa pagbagsak niya.

"Ayos ka lang ba?" 'yon agad ang tinanong niya kay Alyanna.

"Oo." nag-iwas siya ng tingin.

"Sorry. Nagulat kasi ako kanina kaya wala akong nagawa. Buti naman safe ka." she said, still crying. Pinapatahan siya ni Alyanna, parang siya na 'yung pasyente.

"Ayos lang. Ayos lang naman ako." sagot ni Alyanna.

Alyanna is really a good friend. Someone you can rely on. Kaya ko siya nagustuhan. Ang strong niya tignan pero noong nagsimula siyang magrant sa akin, parang gusto ko na lang siya protektahan palagi.

Kahit ayaw niya sa ugali ni Lianne, kahit inaway na siya ni Lianne, pinapatahan niya pa rin ngayon.

"Una na ako. Gusto ko lang talaga kamustahin kung ayos ka lang ba." tumingin siya sa akin "Mukhang na-istorbo ko rin kayo."

Oo, Lianne, nakakaistorbo ka.

"Ingat ka. Bye." nagwave pa sila sa isa't isa.

"Asan na nga uli tayo kanina?" tanong ko. Nagulat naman siya saka nag-iwas ng tingin, namumula pa ata.

"I don't know." she forced a yawn. "I'm sleepy na."

Halatang iniiwasan niya ang topic. Tumawa lang ako saka inayos yung bed niya.

"Bati na ba talaga kayo?" inayos ko ang pagkapatong ng kumot niya "Naguguluhan ako sainyong dalawa."

"Bakit?" she opened her eyes, "Bakit ka apektado sa pakikitungo namin sa isa't isa?"

I let out a sigh. Curious lang naman ako, I don't mean to put other meaning.

"Hindi naman sa ganon. Curious ako kasi damay ka. Kung wala ka naman sa picture, wala akong paki."

"Joke lang." tumawa siya "I trust you. Always."

"Hindi ko sasayangin 'yan." hinalikan ko siya noo, pumikit naman siya at natulog na.

Nagising ako mga bandang 6pm na. Kumuha uli ako ng mga gamit para pumunta na sa ospital. We're taking turns ni tita sa pagbantay kay Alyanna. Akala ko makakalabas na kami agad after a day or two pero malapit na kami mag-one week doon.

The classes are suspend for a week because of the incident so parang early sembreak kami. Maganda nga 'yon, we have so much time to rest.

Alyanna is getting better. Bumalik na uli siya sa accent niya and she's happier than before. Focused din siya sa pagiging fangirl niya since boring sa ospital.

Naabutan ko siya na nakasimangot habang nakatingin sa phone niya. Mukhang umalis na sila Tita kasi siya na lang mag-isa. Hindi niya ata napansin na nandito ako.

"Vote for Jay, People!" iritang sambit niya. Inabot ko sakaniya ang phone ko. Napatingin naman siya sa akin na gulat.

"Andito ka na pala" yumuko ako so that I can kiss her sa cheeks.

"Yeah. Vote ka gamit yung phone ko." I said saka umayos ng upo sa kama rin niya.

"Tama lang talaga ako ng lalaking ginusto. Hays." binuksan niya na yung phone ko. Napakunot siya nang makita kung ano man 'yon.

"Kailan 'to? Ako ba 'to?" ah, yung wallpaper ko. It was taken noong umattend kami ng concert. Gusto ko dark na wallpaper and medyo madilim kasi yung picture kaya 'yon ang pinili ko.

"Malamang. Sino ba dapat?" tinarayan niya ako kaya tumawa lang ako.

"Ang sungit mo. Open mo na nga." tinapat ko lang yung finger ko for fingerprint.

"Lagay mo na lang yung fingerprint mo riyan." I said to her.

"Why?"

"Para you can freely check my phone?"

"Why would I do that?" tumaas ang kilay niya, naguguluhan.

"Why not?"

"Ayoko ng ganon." binaba niya yung phone, "Syempre you need your privacy rin and I need mine."

"Kahit we're already in a relationship?"

"Yes."

Hindi pa kami legal sa family ng isa't isa. Obviously, sa akin hindi pwede dahil kay mama at Lianne. Sa side naman niya, wala pa ata sa tamang timing.

"We're gonna tell them kapag nakalabas na ako."

"Okay. Ikaw bahala. I'm okay with anything." sabi ko, tumango lang siya. Binuksan ko uli yung T.V para makanood na siya noong inaabangan niya.

Pinatay ko na rin yung ilaw at tumabi sakaniya. Ibininaba ko yung metal thingy sa gilid ng kama niya para roon ako umupo. Sa kabilang side niya ako umupo, hindi roon sa may swero.

"What's are tawagan? Hindi ba kapag couple may ganon?" nakayap siya sa braso ko.

"Ikaw bahala." I simply said. Everything is okay with me nga.

Binaba niya 'yon saka tumingin sa akin ng masama "Umambag ka naman."

Natawa ako. Hindi ko naman kasi alam na wala talaga siyang nasa isip na tawagan, ako kasi meron na kaso baka kasi macornyhan siya.

"Love," tawag ko sakaniya. Remembering kung ano yung caption ng ig story ko.

"Yes?" tumingin siya sa akin. Since nasa magkalapit lang kami, ilan lang ang agwat ng mukha namin.

"I love you." bulong ko na ikinangiti niya agad.

"Love, I love you too." lalapit pa sana ako for a kiss kaso may tumunog na phone. Hayst.

"Sorry. Maybe next time." tumawa muna siya bago tinignan yung phone niya. Alarm lang pala na oras na noong pinapanood niya.

Okay lang, hindi rin naman ako nagmamadali at ayaw ko rin siya madaliin. I respect her, her decisions, everything about her.

"Bakit pala love?" she asked out of nowhere. Magkahawak kami ng kamay, nakatitig siya sa pinapanood niya habang ako sakaniya nakatitig.

"Naalala mo yung ig story mo noong birthday ko? 'Diba nilagay ko rin 'yon sa ig story ko and may hangul na caption?"

"Ay, oo. Ano pala trans non?"

"My love."

'Nae sarang' kasi ang basa roon which means my love. Naggoogle translate lang din ako. Akala ko nga noong una, alam na niya or marunong siya magbasa ng hangul, narealize ko na hindi pala kasi hindi siya naimik.

"Aww." she's wiping her fake tears "You really love me that much, noh?"

"Yes, I do love you that much." I pulled her for a hug. She put her arms around me to tighten our hug.

Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko tuwing kasama ko siya pero kahit ganon, gusto ko yung pakiramdam.

All Captured Dreams (A Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon