Chapter 1

597 27 7
                                    

Mainit ang ulo ni Rada ng hapong iyon at naiirita ito ng todo.

Kulang na lang ay umusok ang ilong nito sa nadaramang inis.

Bakit?

Sapagkat ang magaling niyang boyfriend na si Clark ay tinapos na ang pagpapanggap nila bilang mag-fake na magkasintahan.

Ni wala man lang pasabi o abiso man lang ang magaling na lalaki na may plano na pala itong magpasabog.

"Ouch! He dumped you bitch! Tsk tsk tsk. That was horrible," ang maarteng wika ni Carol.

Sinamahan pa ng pailing-iling kunwari ng babae ang hayagang pang-aasar sa kanya.

Sukat at nagtawanan din ang dalawa pa nitong kasama.

Si Carol ay kaklase ni Clark na lantarang ipinapakita ang pagkadisgusto sa kanya.

Malimit itong nakaismid sa tuwing nagkakasalubong sila sa loob o labas man ng iskwelahan.

Ayon sa mga kaibigan ay malaki raw ang insekyuridad ng babae sa kanya.

Na nakapagtataka dahil maganda naman ito  at may sinasabi rin naman ang pamilya.

Katunayan ay punong alkalde sa kanilang bayan ang ama nito na si Ginoong Dimetrio Cruz.

At sa pagkakaalam niya ay ang pamilya nito ang nag mamay-ari ng ilang poultry chicken business sa kanilang lugar.

Isa lang naman ang alam niyang dahilan ni Carol kung bakit ito nasusuya sa kanya.

Dahil magpasa-hanggang ngayon ay hindi pa rin nito matanggap ang pagkakapanalo niya bilang Ms. SMA ng high school department noong nakaraang taon.

Kung saan ay isa rin ito sa mga kalahok.

Nasa pangatlong taon siya noon sa sekondarya samantalang ito naman at si Clark ay nasa huling taon.

Ayon sa babae, kaya lang naman daw siya nanalo sa nasabing patimpalak ay dahil malapit na kaibigan ng mga Zantillan ang kanilang pamilya.

Kung saan solong pag mamay-ari ng mga magulang ni Clark ang pribado at modernisadong iskwelahan sa San Isidro.

Sinamantala raw ni Senyor Ramon ang pagiging malapit nito sa mga Zantillan upang mapagwagian niya ang nasabing contest.

Dagdag pa ni Carol ay kahina-hinala raw ang pagkakapili sa kanya ng mga hurado.

Hindi naman daw siya ganoon kagaling sa pagsagot ng question and answer.

Maliban raw kasi sa ganda at yaman ay wala na raw siyang iba pang maipagmamalaki dahil pulpol naman raw ang kanyang utak o mas kilala sa pintas na b. o. b. o.

Gustuhin man niyang kontrahin ang mga sinabi ng babae ay siya na rin mismo ang dumistansya paano naman kasi ay tamad talaga siyang mag-aral.

Kung titignan ay may katwiran talaga ang mahaderang si Carol sa mga pinagkakalat nitong tsismis.

Katunayan ay naipapasa lamang niya ang kanyang mga asignatura dahil sa tulong ni Clark at suhol na ginagawa ng ama.

Kaya nga hindi na lamang niya pinapansin ang mga patutsada nito. Subalit hindi ka tanggap-tanggap sa pandinig niya ang pagsalitaang bobo.

Nais man niyang mahiya sa mga ginagawang pamimintas ni Carol ay wala naman iyon sa bokabularyo niya.

Kaya't magsawa na ang babae sa paninira sa kanya. Dahil hindi siya magpapa-apekto rito. Keber, ika nga.

Batid niyang may malaki rin itong pagkakagusto sa kaibigan niya.

Bakit hindi eh napaka vocal ng babae sa pagsasabi pagdating sa bagay na iyon.

🌻 Dagger Through The Heart 🌻 (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon