PE Class namin ngayon.. Makalipas ang apat na araw ay di naman nagkrukrus ang landas namin ni Master Kaori at hanggang masasamang tingin na lang nagagawa sakin ng mga ka-eskwela ko dahil lagi akong sinasamahan ni Ashley.
Nagpalit sya sa same schedule ko dahil parehas din pala kami Architectural ang kinukuha..
Parehas kaming hinihingal na nagpahinga sa may bleachers. Volleyball kasi ang PE namin ngayon..
Habang nainom ng tubig ay nakarinig naman ako ng sigawan.
Naku. Andyan ang The Orions.
Hindi ko pa sila natatanaw pero alam kong papasok sila ng Gym.May gumapang na bola sa may pinto ng Gym. Sakto namang pagpasok ng The Orions. Tumama sa paanan ni Master Kaori ang bola.
Sinipa nya ito ng ubod ng lakas.. Di sinasadyang may babaeng tinamaan sa muka ng bola na sinipa nya..
Halos maiyak ang babae sa sakit na naramdaman.. Nakita ko rin pagkapula ng muka nya pero hindi man lang humingi ng tawad si Master Kaori. Napaka bayolente talaga
Agad ko namang iniwas ang tingin ko ng mapapatingin sya sa gawi ko..
Tumahimik ang buong Gym at dinig ko ang yabag ng paa ng The Orions papunta sa direksyon namin.
Naramdaman ko naman silang huminto sa harap namin ni Ashley.
"Umalis ka dyan" seryosong boses ni Master Kaori na nagdulot ng pagtindig ng balahibo ko..
Agad akong napatayo, nagulat ako ng tumayo din si Ashley..
"Umupo ka!" malakas na tono ng boses nya.. Naramdaman ko naman na hinawakan ako sa braso ni Ashley at pinaupo..
"UMALIS KA SA HARAPAN KO ASHLEY!!" halos dinig sa buong Gym ang lakas ng sigaw ni Master Kaori. Ngayon pa lang ay gusto ko ng maiyak.
Isang iglap lang rin ay naglaho sa tabi ko si Ashley..
Nanatili lang akong nakayuko at tahimik..Hinihintay ko pang muling magsalita si Master Kaori pero nakita ko na lang ang likod nya na papaalis na..
Sya naman muling paghinga ko. Pakiramdam ko kung araw araw ko sya makakasama ay mamamatay talaga ako dahil laging pigil hininga ako kapag nasa harap ko sya
Teka! Nawala si Ashley.. Baka mabully ako.. Huhuhu
Gusto talaga akong pahirapan ni Master Kaori.
Muli naman kaming pinatawag ng professor namin..
Ilang palitan lang ng bola ay pinagbihis nya na kami ng pamalit.Kinakabahan akong mapag-isa.. Tanaw ko ang The Orions sa di kalayuan. Si Carina ay busy makipagdaldalan sa isang lalaki, samantalang si Kyzha ay busy sa cellphone nya..
Napalunok naman akong mapansin na nakatutok ang tingin sakin ni Kaori.
Hinanap ng mata ko si Ashley pero wala talaga siya.. Pinasya kong hintayin na lang maubos ang mga tao sa Gym bago pumasok sa shower area dahil baka pagtripan ako..
Pero pansin ko pa rin ang nakakatunaw na tingin ni Kaori.
Ashley, asan ka na ba? Halos naiiyak na akong nagdarasal dito sa gilid na wag naman sana akong pagtripan..
Bakit ba di rin naalis dito ang The Orions? Wala naman silang ginagawa..
Nauubos na mga studyante kaya dahan dahan na akong pumasok sa shower room.. Napangiti ako ng makitang wala ng tao sa loob..
Pinili ko ang pinaka malayong cubicle..
Mabilis lang ako nag shower dahil baka mapagkatuwaan na naman ako.
Pagpihit ko ng pinto ng cubicle siya namang tulak sakin ng kung sino..
BINABASA MO ANG
The Orions
FanfictionIf Samson has Delilah and Superman has kryptonite.. I, Kaori Vega Orion has Jillian Estella Portia. THIS IS A FAN FICTION STORY