"Lahat nasa posisyon na" bulong ni Carina kay Kaori.
"Wag kayong lalabas ng wala ang utos ko" mariin na bili ni Kaori dito
"Mag-iingat ka Vega" niyakap nya ng mahigpit ang kapatid bago ito bitawan.
Nakapalibot sa Area ang mga tauhan nila kasama si Ashley at Kurt.
Tanging si Carina at Kaori lang ang haharap kila Leo.Panay ang tingin ni Kaori sa kanyang relos hanggang sa dumating na ang hinihintay.
Dalawang mahahabang Van ito.
Sa unang Van ay agad bumaba ang mga dating tauhan.. Na sinundan ng nakapiring at may busal na si Jelay habang may nakatutok na baril sa ulo nito
"Jelay!" mabilis na tawag ni Kaori dito..
"Hahahaha kumalma ka Vega!" bulalas ng isang boses na kababa lamang.
Napatiim bagang si Kaori ng makita si Leo.. Kasunod nito si Lance at Kyzha.
Napapalibutan na rin sila ng mga tauhan nito.
"Rygel, Luna.." mahinang tawag ni Kaori dito
"Luna!?" nagugulohang tanong naman ni Carina
Ngumisi lang ito sa dalawa.
"Mga Traydor!!" galit na sigaw ni Carina sa mga ito
Tumawa lang si Leo habang nakangisi si Kyzha at nakayuko si Lance.
"Alam kong nasa paligid lang mga tauhan nyo. Wag kayong magkakamali kung ayaw nyo dumanak ang dugo dito." nagbabanta na boses ni Leo.
"Mga Hudas kayo!" gigil na ani ni Kaori
"Wag na maraming satsat Vega. Dalhin mo na kami sa pakay namin." pag mandu ni Leo.
"Sumunod kayo sa akin." ani ni Vega at sama sama silang naglakad paakyat sa bundok at tinutungo ang daan papunta sa sekreto ng Orion.
Ilang sandali pa dahil nakapiring si Jelay ay hirap itong maglakad at nadadapa.
Akmang lalapitan siya ni Kaori ng tutukan sila ng baril ng mga tauhan ni Leo."Wag kang lalapit!" utos ni Leo dito
"Tanggalan nyo sya ng piring at busal. Nahihirapan siya" pagmamatigas ni Kaori
"Ako ang masusunod dito Vega!" sagot din ni Leo
"Pwes, pare-parehas tayong mamatay lahat dito.. Hindi ako gagalaw hanggat nakikita kong di sya komportable"
"Tanggalan nyo ng busal at piring yan." utos ni Leo na mabilis sinunod ng mga tauhan nya..
"Kaori.." mabilis na tawag ni Jelay dito..
Nakikita ni Kaori ang paghihirap sa mata ngayon ni Jelay..
"Aakayin ko sya pa-akyat." hirit pa ni Kaori na natawa naman si Leo.
"Sobra na yan Vega. Di ako uto-uto. Alam ko kakayanan mo. Kung makakadikit sya sayo baka magulat na lang kami, saamin na nakatutok ang mga baril." napangisi naman si Kaori sa sinagot nito
"Alam mo rin pala? Kaya wag kang kukurap" maangas na sagot nito
"Hinding hindi Vega. Kontrolado ko ang lahat. Wag mong maliitin din ang kakayanan ko." sagot din ni Leo sa kanya
"Ako na ang aakay kay Estella" pag-boluntaryo ni Lance kaya muli na silang naglakad.
Nasa unahanan si Kaori at Carina.
Habang nakasunod ang ilan nilang tauhan.Kasunod naman ang mga tauhan ni Leo.
Na sinusundan ni Lance at Jelay
Di nalalayo si Leo at Kyzha na may mga kabuntot din na tauhanAng mga tauhan ng Orions sa paligid na nakapalibot lang ay nakasunod din sa pangunguna ni Kurt at Ashley.
BINABASA MO ANG
The Orions
FanfictionIf Samson has Delilah and Superman has kryptonite.. I, Kaori Vega Orion has Jillian Estella Portia. THIS IS A FAN FICTION STORY