14

413 32 5
                                        

"Estella!!" masayang yakap sakin ni Carina

Ngumiti naman ako dito na nahihiya..

"Sa wakas makakapag bonding na rin kayong mag-hipag!" masayang bulalas ni Ashley

"Magtigil ka Ash. Nakakahiya." suway ko dito..

Mamaya isipin ni Carina ang assuming ko. Galit pa nga sakin kapatid nyang topakin.

"Ano ka ba, ayos lang! Dun din naman punta nyo ni Vega." nangingiti naman na sagot ni Carina. Ang ganda nya rin talaga pero syempre mas maganda ang Kaori ko.

Naglalakad lakad lang kaming tatlo muna sa mall.. Nasa gitna nila ako habang nakakapit silang dalawa sa magkabilaang braso ko..

"May tatanong ka daw sa akin Estella?" pag-uumpisa ng kwentuhan ni Carina..

"Ha? A-ano kasi.. Hehehe" sinusumpong na naman ako ng hiya ko

"Gusto nya magpaturo sayo kung paano susuyuin si Vega. Sabi ko lutuan nya. Ano ba paboritong ulam nun?" si Ashley na ang sumagot para sa akin.

"Hindi kami nagkakasabay sa pagkain pero kung tama pagkakatanda ko, adobo o sinigang. Bakit mo susuyuin?" napakamot naman ako sa batok ko sa tanong nito

"Paano! Sinabihan nyang assuming si Vega. Hindi naman daw siya girlfriend pero naghahali---" pinigilan ko na ang madaldal na bibig ni Ashley..

"Hehehe hindi ko naman sinasadyang magalit sya.." ngiting alanganin ko Carina.

"Hahaha Topakin yun. Tama naman si Ash. Lambingin mo lang.. Mahal na mahal ka nun simula pa mga bata kayo. Di ka nun matitiis" natatawang sagot ni Carina

"Mga bata? Magkakilala kayo ni Vega ng mga bata pa kayo?" nagugulohang tanong ni Ashley.

Akalain mong ang tulad nyang chismosa nahuli sa balita.

"Elementary sweetheart sila Ash." simpleng sagot ni Carina.

"Weh??! Bakit di ko alam?! Bakit di mo sinabi sakin Estella?!" naghihisterikal na tanong nito na akala mo nagtraydor ako sa kanya.

"Hindi namin masyadong napagkukwentuhan Ash.." may bahid ng lungkot na ani ko

"Bakit?" takang tanong nito

"Pagpalagay na lang natin na hindi ganon ka-ganda ang pag hihiwalay nila Ash." lalong naguluhan si Ashley sa sinabi ni Carina

"Naalala mo ang trahedya na namatay ang Mommy at Daddy ni Kaori? Andun din ako Ash.. Magkasama kami ni Kaori" sa sinagot ko ay nanahimik na si Ashley.

"Andun din ako, andun din si Luna." dugtong ni Carina na kinabigla ko naman.

Hindi ko kasi sila nakilalang dalawa ng mga bata pa kami.. Laging si Kaori lang nakakasama ko dahil siya ang laging sinasama at pinapakilala samin.

*Kring *Kring *Kring

Nahinto ang katahimikan ng tumunog ang cellphone ni Carina.

Tinignan niya ang natawag at nakita ko ring si Kaori iyon..

Niloud-speaker nya iyon pagkatapos sagutin..

"Asan ka? Bakit mo sinama si Jelay dyan ng walang paalam sa akin!" halata sa boses nito na nagagalit

"Relax Vega, mag-mall lang kami. Di ko pababayaan si Estella." kalmadong sagot ni Carina na hindi man lang natinag sa boses ng kapatid

"Papunta nako diyan!" tinitigan muna ako ni Carina bago sumagot

"Edi, ingat sa pagddrive." Walang ganang sagot nito tsaka pinatayan ng tawag ang kapatid.

"Ang OA ni Vega minsan.. Nakaka-stress na kapatid" natawa naman kami sa sinabi ni Carina. Halatang naiirita sya kay Kaori

The OrionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon