9

446 37 7
                                    

"Umamin ka na. Ikaw ang nasa likod nito." seryosong ani ko ng ma-corner ko ang pinaghihinalaan

Inabangan ko talaga matapos ang klase nya at sundan sya dito sa may locker nya

Tama din ito dahil may mga nadaang tao dito. Hindi niya ako magagawang atakihin.

"Ha? Anong pinagsasabi mo?!" galit na tanong niya sakin

"Simula ng bumalik ka Lance sunod sunod ang mga pag-atake sa akin" Oo, si Lance ang pinaghihinalaan ko.

Naisip ko rin kaya niya siguro niligawan si Kaori ay para mapalapit dito at mas madali niyang makatuparan mga plano niya.

"Pag-atake? Anong sinasabi mo?" magaling siya magpanggap.. Parang wala talaga siyang alam kung umarte.

"Ito! Ikaw ang nagtangkang manaksak sa akin" turo ko sa sugat ko sa kaliwang braso.

Tinitigan nya lang ako ng seryoso..

"Alam mo bang masama magbintang? Lalo na wala kang ebidensya" natameme ako sa sinabi niya..

Bakit ko nga ba ini-expect na aamin siya?

"Oh andiyan pala si Vega e. Bakit di ka magsumbong sa kanya?" napalingon ako sa tinitignan niya..

At papalapit nga si Kaori sa amin.
Papaalis na ako ng harangan ni Lance ang daan ko..

"Ang tapang mong akusahan ako kanina.. Bakit hindi mo sabihin kay Vega ngayon?" sigurado na ako. Si Lance nga. Pinipilit niya akong magsumbong kay Kaori tulad ng gusto ng mga umatake sa akin.

"Anong meron?" malamig na tanong ni Kaori.

Ngumisi sa akin si Lance..

Humarap ako kay Kaori. Kasama niya rin pala si Kyzha at Carina.

"Wala po Master" nakayukong sagot ko dito

Marahas na hinawakan ni Kaori ang braso ko..

"Anong nangyari dyan?" seryosong tanong niya

"Vega, baka may makakita sayo" suway naman ni Carina sa kanya.

"Sino may gawa niyan?!" parang di narinig ni Kaori ang sinabi ng kapatid. Mas nilakasan niya pa ang boses ng pagtatanong niya.

"May umatake daw sa kanya at ako ang pinagbibintangan niya" marahas kong nilingon si Lance at tinitigan siya ng masama..

Nakangiti lang sya na parang nang-aasar.

Nakita ko naman ang pag tiim bagang ni Kaori.

"Vega.." mahinang tawag ni Carina sa kapatid

"Simula daw ng bumalik ako sunod sunod ang pag-atake sa kanya" muli na namang dugtong ni Lance.

Tang-ina! Nagpadalus dalus ako at ngayon nagamit niya ang aksyon ko laban sa akin, sa amin ni Kaori na hindi nahahalata.

"Kelan pa ito?! Bakit di mo sinabi sa akin?!" galit na galit na tanong ni Kaori sa akin.

"Galos lang po yan Master Kaori. Wala lang po yan." mabilis akong niyakap ni Kaori..

"I'm sorry.." basag na boses ni Kaori.

teka, naiyak ba siya?

Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Vega, baka may makakita sayo" mahinang suway din ni Kyzha..

Umagwat konti sa akin si Kaori at kinulong ang muka ko sa palad nya..

Kita ang basang mata ni Kaori.. Ngayon lang siya naging mahina ng ganito.

The OrionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon