Love is just a state of mind.
One day, she scolds you for a tiny bruise.
The other day, she doesn't care if you are dead inside.
Nang makabawi si Ashley ay nilingon nya ako..
"Okay ka lang?" ngumiti lang ako sa kanya.
"Oo naman. Ayos na ayos!" siguro pwede na akong mag-artista sa paraan ng pag ngiti ko ngayon.
Nagulat ako ng may biglang umakbay sakin.. Ano ba naman mga tao sa paligid ko! Hilig akong gulatin..
"At sino ka?!" mataray na tanong ni Ashley habang tinatanggal ang kamay ni Kurt na naka akbay sakin..
"Bestfriend ko yan Ash.." sagot ko kay Ashley. Muli naman binalik ni Kurt ang kamay nya sa pagkaka akbay sa akin..
Pinakatitigan ito ni Ashley at pinaningkitan ng mata..
"Ito yung binugbog ni Vega diba?" casual na tanong nito
"Di sya ang bumugbog sakin mga tauhan nya.. Sus, di ako kaya nun kung one on one" tumawa naman ng malakas si Ashley sa sinabi nito.
"Kung si Vega nakaharap mo di lang yan matatamu mo. Baka di ka na makalakad ngayon" natatawang ani ni Ashley.
Sa kalagitnaan ng asaran ng dalawa ay may lumapit sa aming naka-Black suit.
"Ms. Estella, pinapatawag po kayo ni Master Lyra" tumango naman ako dito
"Uy, sasama ako!" sabi ni Kurt pero pinigilan ko na siya..
"Ayos lang. Kaya ko na sarili ko" sagot ko dito at sumama sa mga Guards.
Dinala nila ako sa Penthouse.
Una kong nasalubong si Kyzha na palabas ng Penthouse. Nginitian naman ako nito.. Tumabi naman ako sa dinadaanan nya. She's an Orion kaya dapat ko syang bigyan ng respeto."Maupo ka" utos ni Carina sakin kaya naupo ako sa upuan sa harap niya.
Galit kaya siya sakin dahil last time di ko sya natawag na master?
*Boogsh! (tunog ng nabasag na plato)
"Bweset!!!" malakas na sigaw ni Kaori na nanggagaling sa kusina na nagpatindig ng balahibo ko
"Wag mong pansinin yun" ani ni Carina kaya muling natuon pansin ko sa kanya ngunit nanatili akong nakayuko.
"Kumusta ka?" hmm.. Bakit naman niya ako kukumustahin?
"A-ayos lang po, Master" muli na naman ako napapitlag ng makarinig ng nabasag sa loob ng kusina..
"Tawagin mo nga yung walang hiya kong kapatid! Baka pati yung bagong bili ko na Tea Set na galing pa sa London ay basagin nya!" galit na utos ni Carina sa tauhan nila.
Wala naman kumilos sa mga tauhan niya. Malamang ay natatakot ang mga ito kay Kaori..
Napabuntong hininga na lang si Carina.
"Ikaw ang tumawag." napatingala ako sa kanya at sa akin siya nakatingin.
"M-master, ako??" nag-aalangang tanong ko
Tinaasan ako ng kilay ni Carina na parang sinabi na uulitin ko pa ba?
Mabagal akong tumayo at nagpunta sa kusina kung saan patuloy pa rin sa pagbabasag ng kung ano ano si Kaori.
Naabutan ko siyang may ibabato na plato sa may lababo.. Nagkakalat na ang bubog sa paligid.
Marahan kong kinatok ang pinto na nakabukas..
BINABASA MO ANG
The Orions
FanfictionIf Samson has Delilah and Superman has kryptonite.. I, Kaori Vega Orion has Jillian Estella Portia. THIS IS A FAN FICTION STORY