21

615 34 18
                                    

Unti unti kong minulat ang mata ko.

Bakit ang liwanag?

Nasisilaw ako.

Muli kong kinurap kurap ang mata ko.

Bakit puro puti nakikita ko?

Shit! Patay na ba ako?

Hindi pwede. Hindi. Nangako ako kay Jelay.

Pero bakit nakakaramdam ako ng mabigat sa kamay ko?

"Kaori! Kaori!" may mahinang boses akong naririnig..

Kinurap kurap ko ang mata ko at nakita ko si Jelay..

JELAY ESTELLA POV

Mabilis akong tumawag sa intercom para iinform ang mga nurse at doctor na gising na si Kaori.

"Kaori! Kaori!" tawag ko sa kanya tinitigan nya ako at marahang ngumiti..

"May masakit ba sayo?" alalang tanong ko sa kanya..

"T-tubig" mahinang ani nya kaya dali dali akong kumuha ng tubig. Inalalayan ko siyang maka-upo at uminom ng tubig.

Pagkatapos nyang uminom ng tubig ay ngumiti sya sa akin..

"Yakap" hirap na ani nya..

Mabilis ko naman siyang niyakap pero marahan lang dahil baka masaktan sya..

"Kiss" nakangusong ani nya..

"Eh?" nakangiwing tanong ko..

"K-kiss." umiling iling naman ako..

"Magpahinga ka na muna." inalalayan ko siyang makahiga ulit..

Nakita ko naman ang paglungkot ng mata nya..

"Ito na.. Ito na" pagsuko ko at dinampian siya ng mabilis na halik sa labi. Ngumiti naman siya ng ubod ng tamis sakin.

Natahimik naman kami pagkatapos nun. Hindi ko gustong ma-stress sya kaya hindi ko alam kung anong pag-uusapan..

Masyado pang fresh ang mga nangyari.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya at hinimas himas iyon..

Tinitigan ko lang siya para naman syang nagtataka sa ginagawa ko..

Gusto ko lang naman malaman kung totoo ba ito.. Kinabahan ako sa kanya. Akala ko mawawala sya sa akin..

"Bakit?" mahinang tanong nya na may pagtataka sa kanyang muka..

"Ang bilis ng mga pangyayari. H-hindi ako makapaniwala.." ngumiti naman siya ng marahan.

Nagtataka ako na parang wala lang sa kanya ang nangyari.

"A-ayos ka lang ba Master?" takang tanong ko. Hindi dapat ganyan reaksyon nya..

"Gumising ka na.." ani niya..

"Ha?"

"Hoy! Gising na!" nagulat ako ng biglang sumigaw si Kaori at nag-iba ang boses..

Napalundag ako sa gulat at dinilat ang aking mata..

Biglang dumilim ang paligid..

"Sa wakas nagising ka rin Miss." napalingon ako sa lalaki sa tabi ko..

Nasaan ako? Nilibot ko ang aking paningin.. Mga halaman? Nasa likod ako ng School.

Tinignan ko ang aking sarili.. Puno ng food color.

OH MY GHAD!

Nanlalaki ang mata ko..

"K-kuya, k-kanina pa ba ako dito?" di makapaniwalang tanong ko kay Manong Guard na gumising sa akin.

"Hindi ko alam basta nakarinig na lang ako dito ng na-ungol kaya nagpunta ako dito para kang binabangungot kaya agad kitang ginising" napatutop ako sa aking bibig..

"K-Kuya, K-kumusta po si M-master Kaori?" kumunot naman ang noo ni Kuya sa tanong ko.

"Umuwi siya kaninang hapon. Wala naman akong napansing kakaiba sa kanya."

Nanlulumo ako.. P-panaginip? Panaginip ang lahat? B-bakit parang totoo?

Maliban sa katotohanang kahit kailan ang di pa kami nagkakilala ni Kaori. Hindi kami magkababata.

Tanging dito ko lang sya sa school nakilala.
Dito ko lang siya pinagmamasdan mula sa malayo..
Kanina lang kami nagkalapit? At kaya ako sa ganitong posisyon ngayon na ang dungis dungis dahil pinagttripan ako ng mga ka - eskwela ko.

So? Hindi totoo si Ashley? Si Lance? Si Leo?

Hindi totoo na mahal ako ni Kaori?

"Miss ayos ka lang ba? Gabi na. Mabuti pa umuwi ka na" tinitigan ko si Manong Guard.

Dahan dahan akong tumayo.. Muling tinignan ang suot ko..

Pumunta ako sa locker room ko para magpalit ng damit man lang bago umuwi.

Nanlaki ang mata ko Locker ko na puro vandalised.

De ja vu

Imbes na manlumo ay napangiti ako.

I'm willing to get through all those things in my dreams just to be love by Kaori.

Dreams are really deceiver they can make us feel something we don't. Make us believe on something not true.
---

Lahat ng nangyari ay panaginip lamang ni Jelay.

Ang tanging totoong nangyari lamang ay ang nagka-engkwentro sila ng The Orions. Lumapit si Kaori kay Jelay at napahiya ito kaya ngayon ay napagtripan sya ng mga ka-eskwela.

Tinakasan nya ang mga nanttrip sa kanya at napunta sa likod ng Campus. Sa halamanan upang walang makakita.

Sa sobrang pag-iyak ay nakatulog siya at nanaginip ng sobrang haba at kakaiba.

To be continued.....

----

AN: Back to Chapter One tayo dito hahahaha

Book 2 na sunod THE REALITY.

Tsaka ko na simulan Book 2 nito after ng The Other Side. Hehehe

The OrionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon