18

377 25 2
                                    

Tatlong araw na ang lumilipas pero ang mga walang hiya hindi pa nagpaparamdam ulit sa akin!!

Wag na wag nilang sasaktan si Luna at Jelay dahil hindi ko sila mapapatawad! Hahabolin ko sila hanggang impyerno!

"Vega, kumain ka muna" alok sa akin ni Lyra..

Napabuntong hininga lang ako. Nakakainis isipin na naghihintay ako ng tawag nila bago may mangyari.

Ano ba plano nila at pinapatagal pa nila?!

We can't do a move. Hindi kami pwedeng magsabi sa mga otoridad dahil baka ikapahamak ni Luna at Jelay.

I can't afford that.

I'm just hoping na sana ayos lang sila ngayon.

"I'm sorry Vega. It's my fault" tinitigan ko lang si Lyra..

"No. It was my fault. Hindi ko dapat hinayaan mawala sa paningin ko si Jelay."

"Wala naman may gusyong mangyari ito. Wala kayong kasalanang dalawa. Maliligtas din natin sila" sabat ni Ashley na tinitigan ko ng masama.

"Wag ka ng sumali sa problema namin Ashley. Madadamay ka lang." pagalit ko dito

"I'm still part of the family, concern pa rin ako. Isa pa, kaibigan ko si Estella. I want to save her."

"No." madiin na sagot ko dito. Ayukong madamay ang kahit sino sa problema ko

"I will Vega! Kahit pigilan mo pa ako" may paninindigan ding sagot nya

"No Ashley! Akong bahala dito. Hindi ko sila pababayaan."

"Bahala ka diyan! Basta tutulong ako sa abot ng makakaya ko. Tara Sissy! Kain na muna tayo" aya ni Ashley at lumabas naman silang dalawa ni Carina sa mini library office ko.

Nakatitig lang ako sa baso ng kape sa harap ko ng may tumawag sa akin.

Nag-register ang caller ID ni Jelay. Sigurado ako sila ito.

"Vega!" paumpisa nito. Alam nyang nangingiti ito sa kabilang linya.

"What now?! Nasaan sila?!" mabilis na sigaw ko dito

"Ibibigay mo ba ang gusto ko?" ang gusto nilang makuha ay di lang tungkol sa yaman ng pamilya. Hindi lang pamilya namin maagrabyado kundi maraming tao. Hindi lang buhay namin malalagay sa alanganin.

"C'mon Vega. Don't think too much... It can cost the life of your sister and your lover."

Apat na tao lang nakaka-alam ng sekretong iyon. Sigurado akong patay na ang dalawa at ako ang isa.

Ibig sabihin...

"Leo." tawag ko sa pangalan nya. Tumawa siya ng malakas..

"Mabuti at naalala mo ko bata. Matalino ka talaga."

"Matagal talagang mamatay ang masasamang damo. Anyway, we're same tito." muli itong humalakhak.

"Anak mo si Luna. Hindi mo naman siguro sya sasaktan diba?"

"Bakit ko naman siya sasaktan kung susunod ka diba?" napatiim bagang ako sa sinabi nya.

Halang talaga ang sikmura nito. Sakim sa kayamanan.

"I'll give you all my money. Lahat ng pinamana sa akin. Pakawalan mo lang si Luna at Jelay" muli na naman syang tumawa ng nakakainsulto.

Nauubos na ang pasensya ko. Pakiramdam ko pinaglalaruan ako at hawak ako sa leeg.

Nanginginig ang kamay ko na kinuyom iyon.

"Hindi ako uto-uto! Alam mo baryang halaga lang kayaman nyo kumpara sa hinihingi ko"

The OrionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon