"Akala ko hindi ka natuwa dun" nakangusong sagot ko
Inayos nya ang ilang hibla ng buhok ko at nilagay sa likod ng tenga ko
"Ikaw nagbigay nun. Kahit tig-pisong hany pa yan. Matutuwa ako" nakangiting sagot nya sakin.
Lalaki na talaga ulo ko iisipin kong mahal na mahal ako nito..
"hmm.. May naalala ako." nakabusangot na turan ko
"Uhm?"
"Bakit mo niyakap si Lance kanina?!" tinaasan ko siya konti ng boses.
"Ahh.. May laro kasi sa Linggo ang favorite team ko laban sa Arch Rival nila. Binigyan nya akong tickets. Manuod daw tayo." nakangiting sagot nito..
"Tayo? Ikaw at Ako?" tumango tango naman siya
"Bakit naman gagawin ng ex mo yun?" takang tanong ko dito
"We're Bestfriends now." simpleng sagot nito na inakay ako pahiga sa kama.
Nakakangalay nga naman tumayo.
Magkayakap pa rin kami habang nakahiga patagilid"Nagustuhan mo pala ang ungas na yun? Ano na mga ginawa nyo?" curious na tanong ko sa kanya.
"Kung anoman iniisip mo, hindi namin ginawa. Bata pa din ako nun. Na-overwhelmed lang ako sa attention na binigay nya. Sa saya na dinulot nya.." bakit parang kahit anong sabihin ni Kaori nasasaktan akong isipin na hindi ako unang nakarelasyon nya?
"Bakit kayo nagbreak?" ngumiti naman siya sakin..
"Saglit lang naging kami. Summer vacation bago mag-college tapos nung nag College na kami unti-unti kong narealize na hindi ko pala talaga siya mahal. May gustong makita ang mata ko palagi nun, hindi si Rygel. Nag babakasali na magtagpo landas namin sa University kaso parang iniiwasan niya ako. Galit ata siya sakin." malungkot na kwento nito
"Isang Kaori Vega iiwasan? Bakit naman at sino yan?" nakataas kilay na tanong ko. Dami ko naman kaagaw..
Ngumiti siya sakin at kinurot ang ilong ko.
"Silly. Ikaw tinutukoy ko!" nagulat naman ako sa sinabi nito
"Ako? Weh?" di makapaniwalang tanong ko
"Lagi ko kayang inaalam schedule mo. Yung mga laro mo pinapanuod ko. Tahimik lang kitang pinagmamasdan kasi baka ayaw mong makita ako, ayaw mong maalala ang nakaraan." aaminin ko, iniiwasan ko naman talaga ang The Orions dati. Ayuko silang nakikita o nakakarinig ng balita dahil nga sa takot ko na magulo ang buhay ko.
Nakakarinig din ako ng di magagandang balita sa kanila lalo na kay Kaori. Sa mga kwento nila na ibang iba sa Kaori na nakilala ko.
"Siguro hindi rin ako naging mapilit nun. Nakuntento na lang ako makita ka paminsan minsan sa school pero hindi ka nawala sa isip ko Jelay.. Halos gabi gabi kitang napapanaginipan at yung nangyari sa atin noon. Feeling ko, ikaw ang gumamot sa akin dahil simula ng nagkakasama tayo ulit hindi na ako dinadalaw ng masasamang panaginip ko." napa-isip din ako.
Tama si Kaori kahit ako hindi na ako nanananiginip ng masama simula ng magtabi kami matulog.
"Nakakatulog na ako ng maayos kaya hindi na nasakit ang ulo ko. Pakiramdam ko rin hindi na ako laging naiirita." tinaasan ko naman siya ng kilay sa huling sinabi nya..
"Hindi ka na laging naiirita sa lagay na yan?" nang-aakusa na tanong ko. Hindi ako naniniwala
"Oo! Ang bait bait ko na kaya. Lalo na sayo.. tsk" masungit na sagot nito
"Napaka swerte ko pala Master. Salamat po." sarcastic na asar ko sa kanya..
"Wag mo kong inaasar Jelay.. Dineny mo ko kay Rygel hindi pa tayo bati" parang batang sagot nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/233934059-288-k312247.jpg)
BINABASA MO ANG
The Orions
FanfictionIf Samson has Delilah and Superman has kryptonite.. I, Kaori Vega Orion has Jillian Estella Portia. THIS IS A FAN FICTION STORY