7

395 36 15
                                    

Nagimbal ang mga studyante ng Orion University dahil sa nangyari. Kilala ang University na may mahigpit na security pero dahil sa nangyari ay maraming nakaramdam ng takot.

Nang i-check sa CCTV ang nangyari ay dead spot ang pinanggalingan ng putok ng baril. Masasabing mula sa labas nanggaling ang pamamaril at naka sniper ang bumaril.

Sinundo ako sa room ni Kaori ng araw na iyon ngunit ramdam ko ang panlalamig niya sa akin..

Tahimik lang rin kaming nagtungo hanggang sa kotse niya..
Sa buong biyahe ay di nya ako pinukol ng tingin. Lalo akong nakakaramdam ng pagkabahala..

Hinatid niya ako sa kwarto ko ngunit di agad sya umalis sa may pinto..

"M-Master, may problema ba?"

"Jelay, kilala mo naman si Rygel diba?" napatango naman ako sa tanong nya

"He is my boyfriend." halos mabingi ako sa sinabi niya..

"I'm sorry. I didn't mean na mapaglaruan ang feelings mo.. Nang umalis siya para pumunta ng Florida ay nagkalabuan kami kaya naman nilapitan kita. Gusto ko siyang pagselosin. Ngayong bumalik na siya nagka-usap kami, nagka-ayos na kami. Sorry" mahabang paliwanag niya..

Parang may bara sa lalamonan ko sa narinig ko. Hindi ako makahinga..

"Naintindihan mo naman diba?" pinilit kong ngumiti sa tanong niya..

"Haha oo naman. Di ko naman sineryoso yun. Wala lang yun" pineke ko ang tawa ko at pinilit kong hindi mabasag ang boses.

"Kinuhanan na rin kita ng Condo Unit na malapit sa school. Kumpleto na gamit mo dun, pwede ka ng lumipat" nginitian ko siya ng pilit.. Gusto kong komontra sa sinabi nya pero ilang sandali na lang ay nararamdaman ko na pagbagsak ng luha ko..

Tumango ako sa kanya at sinara ang pinto..
Napasandal ako sa likod ng pinto at dahan dahang napaupo..

Niyakap ko ang aking tuhod at yun ang naging hudyat ng mga luha ko upang tuloy tuloy na lumabas..

Kung kailan naamin ko sa sarili ko na mahal ko si Kaori ngayon niya sasabihin ito?
Hinang hina ako. Nakakapagod ang araw na ito pero mas napapagod ang puso ko..

Bakit ba naman kasi naniwala ka?! Bakit ba kasi nahulog ka?!
Umpisa pa lang alam mo ng di kayo bagay! Syempre pipiliin nya yung mayaman na tulad niya.

Nakatulog akong hilam ang mga luha sa aking mata.
Pagkagising ko ay di na ako nagsayang pa ng oras. Umalis ako sa Mansion ng Orion.

Ngunit di pa ako nakakalayo ay may nakasunod na sa aking itim na sasakyan..

Huminto ito sa tapat ko at bumababa ang dalawang lalaking naka-Black Suit

"Master Estella, pinapahatid po kayo sa Condo na titirhan nyo ni Master Vega"

"Kaya ko na sarili ko kuya.. Pasabi na lang kay Master Kaori na okay lang ako" nagsimula na ulit akong maglakad ngunit sinundan lang ako ng mga Body Guards..

Nilingon ko naman sila.

"Master, sumama na po kayo. Mapapagalitan kami ni Master Vega"

"Trust me. Walang pake sakin yun. Baka nakokonsensya lang sya sa ginawa nya pero walang pake sa akin yun kaya iwan nyo na ako." naglakad ulit ako ngunit sinundan lang nila ako..

Muli akong huminto at nilingon sila..

"Master sumama na kayo" masyado silang makulit. Hindi nila talaga ako iiwan kaya wala akong nagawa kundi sumama.

Inatid nila ako sa Condo unit na sinasabi nila. Malapit nga ito sa School. Walking distance at mahigpit ang security.

Malaki din ang unit at kumpleto sa gamit. Pumasok na ako sa loob at pabagsak na inihiga ang katawan sa malambot na kama.

The OrionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon