She's damn hot!!!
Naka suot sya ng black sleeveless crop top then fatigue pants.. She's cool.
Kitang kita pa ang mahubog na bewang nya at flat tummy..Ilang beses akong napalunok ng makita sya..
Ngumiti siya sakin ng mahuli nyang nakatingin ako sa kanya..Lumapit sya sakin na kinabigla ko pa ang paglapit ng muka nya sa muka ko para bumulong..
"I like how you look at me with amusement and i want you to know how hot you are" napakagat ako sa aking labi sa sinabi nya.
Hot? Naka black fitted sando lang naman akong naka-tuck in sa aking Fatigue pants.
"Magsimula na tayo" ani ni Kaori.
Andito kami ngayon sa malawak ng bakuran ng Mansion ng Orion at magsasanay sa pagbaril.
Inayos nya suot sa kong salamin. Sinuot nya rin sa akin ang earmuffs
"I love you" mabilis niya akong hinalikan sa labi ko ng di man lang ako nakapalag. Bweset talaga!
At balewala syang dumampot ng baril na nakalapag sa unahan namin..
Una nyang ginawa ay sinabi sakin ang basic parts ng baril.
Rear sight, magazines, barrel, trigger, muzzle at kung ano ano pa
Proper handling ng baril.. Three finger sa grip, ang hintuturo ang ilagay sa grip safety muna para hindi makalabit ang gatilyo basta basta..
Pwede mo patungan ng isa mo pang kamay. Four finger support sa grip...
"Ikasa mo muna, Ideristo mo ang kamay mo kapag mag-aasinta ka. Wag mo masyadong ilalapit sa muka lalo na sa mata mo ang Pistol. Kapag pumutok yan may impact baka tamaan maganda mong muka at baka mapuwing ng pulbora ang nakaka-akit mong mata." seryosong paliwanag niya na di man lang ako nililingon.. Di nya tuloy nakita paano ako kiligin.
"Kapag na-asinta mo na, kalabitin mo ang gatilyo"
*Bang *Bang *Bang
Nagulat ako ng bigla nyang kalabitin ang gatilyo at nakita kong puro headshot ang target nya..
"Ikaw naman!" abot nya sa akin ng baril.. Nanginginig pa akong tanggapin yun..
Ginaya ko ang sinabi nya kanina..
"Higpitan mo ang grip baka tumalsik ang baril" suway nya sakin na sinunod ko naman..
"Sobrang higpit naman! Magseselos ako niyan.. Yung tama lang, baka mangalay ka at mawawala rin pulso mo sa pag-asinta." muling suway niya kaya niluwagan ko unti..
"Sige, ikasa mo at tamaan mo yung target" utos niya sakin.. Nanginginig ako ikasa yun tsaka tinutok sa card board na hugis tao, may layo itong mga nasa sampung metro.
*Bang *Bang
Tumalsik ang baril na hawak ko sa lakas ng impact nito..
Nagmamadali akong dinampot iyon habang nahingi ng tawad kay Kaori.
"S-sorry Master.." nahihiya kong ani.. Pero nakatingin lang sya sa target ko..
"Wow!" bulalas niya kaya tinignan ko ang target ko.
"Wow!" bulalas ko rin.. Parehas headshot ang tira ko..
Tumingin siya sa sakin na parang di makapaniwala..
"Isa pa nga." ani nya sa akin.
Muli kong tinutok ang baril sa target.
"Higpit higpitan mo lang hawak sa baril para di tumalsik" paalala niya sa akin..
BINABASA MO ANG
The Orions
FanficIf Samson has Delilah and Superman has kryptonite.. I, Kaori Vega Orion has Jillian Estella Portia. THIS IS A FAN FICTION STORY