WARNING: It contains scenes with themes, language, violence and sex.
Paglabas ko sa cubicle ay may naramdaman ako. May taong naghihintay sa akin sa labas. Iniisip ko si Kyzha iyon.
I opened the door and quickly bended my knees para maka-ilag sa pag-atake.
Agad kong tinulak ang lalaki paloob na dahilan ng pagsubsob nya at pagtama ng ulo sa bowl..
Pagtingin ko sa harap ko ay may naka-tutok na baril."Don't move!" nanghihina akong tinaas ang kamay ko.
Mabilis kong hinila ang kamay nya at binali ito..
Tinuhod ko siya sa sikmura na nagpaluhod sa kanya.Mabili na dinampot ko ang baril ngunit nakaramdam ako ng malakas na palo sa ulo ko.. Unti-unting nandilim ang paningin ko at naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig.
Sorry Kaori.
----Pagdilat ng mata ko ay wala akong makita. May piring ako.
"Nasaan ako? Sino kayo?" malakas tawa ng matandang lalaki ang narinig ko.
"Mas maganda ka pala talaga sa personal at sexy. Ang laki na ng pinagbago mo bata."
"Sino ka?!" malakas na boses na tanong ko
Tinanggal nila ang piring sa mata ko. Ilang sandali ko pang inadjust ang paningin ko bago tuloyang makakita..
Isang matandang lalaki na may pilat sa muka ang bumungad sakin.
Pamilyar ang kanyang itsura."Hindi mo na ba ako naalala bata? Kaibigan ako ng Daddy mo." nakangising saad nya..
Pilit kong inaalala ang muka niya..
Isang eksena ang rumehistro saking ala-ala..
Si Daddy, si Master Zeus na Daddy ni Kaori at ang lalaking ito. Nagtatawanan habang naglalaro kami ng billiard ni Kaori.
"Leo Nevaeh. o dapat ko bang sabihing Leo Orion? Wag kang mag-aalala, hindi mo na makakalimutan ang pangalan ko."
"Bakit mo ito ginagawa?!" nagugulohang tanong ko..
"Traydor! Tinraydor ako ng mga magulang nyo! Lalo na ni Zeus. Bakit? Dahil kapatid nya ako sa labas? Orion din ako pero halos lahat ng yaman ng Orion sa kanya pinamana! Pero tapos na yun, ang hindi ko matanggap bakit inilihim sakin ang natatangi na kayaman? Hindi lang ng Orion kundi ng bansa." wala akong maintindihan sa sinasabi niya.
"Nagugulohan ka? Alam ni Vega lahat pero di ka rin nya pinagkatiwalaan? Hahahaha" nanghahamak na tawa nito.
Hindi ako nagtanong ng kahit ano kay Vega hindi dahil alam kong wala syang tiwala sakin kundi dahil nagtitiwala ako sa kanya.
Bumukas ang pinto ng kwarto at nagulat ako sa nakita kong papasok..
"Lance." hindi siya tumitingin sakin
"Daddy, oras na para pakainin siya." kumunot ang noo ko sa sinabi nya
"Daddy mo siya p-pero Carr apelyido mo diba?" nagugulohang tanong ko
"Ako ang tunay nyang ama. Pinalitan ang apelyido nya para syempre hindi makahalata si Vega ng kinukuha ni Rygel ang loob nya"
Magstep brother si Leo at Master Zeus, ibig sabihin mag pinsan si Kaori at Lance?!
"Maiwan na kita dito Rygel. Wag kang tatanga-tanga! Baka makatakas yan." pagalit ng matanda kay Lance tsaka lumabas ng kwarto.
Humarap sakin si Lance..
BINABASA MO ANG
The Orions
FanfictionIf Samson has Delilah and Superman has kryptonite.. I, Kaori Vega Orion has Jillian Estella Portia. THIS IS A FAN FICTION STORY