10

469 34 7
                                    

"Wala kang ibang dapat pagsasabihan nito, Jelay" seryosong paalala sakin ni Kaori

"Tsaka ako lang dapat makakakita nyan" dugtong nya habang nakangisi.

Tinaasan ko naman siya ng kilay

"You're mine since then. I knew it" nangingiti na saad nya na parang nagmamalaki.

"Di pa nga natin alam ibig sabihin niyan. Malay mo nakatakda pala tayong maging magka-away" pambabasag ko sa imahinasyon nya

"Then kill me now." seryosong sagot nya na nakatitig sa mata ko.

Mabilis naman ako umiwas ng tingin sa kanya.. Iniisip ko pa rin para saan ang Tattoo. Kelan iyon nilagay sa amin? Bakit wala kaming alam parehas?

"Kain tayo sa labas" pag-iiba nya ng usapan

Tumayo na siya at hinihintay akong sumunod sa kanya..

"Faster, Love!" ayan na naman ang lakas ng boses nya.

Nagmadali na akong kumilos dahil baka uminit na naman ulo ni Master.

Literal na sa labas kami kumain.
Sa terrace ng Penthouse. Ang ganda pala dito ng view.

Kita ko ang mga studyante ng Orion. Kita ko ang ganda ng Orion.
The Youth and Joy in their faces.

Gabi na rin pero sobrang liwanag ng Campus.
May mga napapadaan na napapasulyap sa gawi namin pero malamang di nila kami gaanong kita dahil malayo kami sa kanila.

Kinikilig din ako isipin na ka-Dinner ko dito ang isang Kaori Vega Orion.
Tinitingala at pinapangarap ng nararami.

Siguro dami ng naiinggit sa akin kung alam lang nila ugali ng isang ito. Napa-ismid naman akong isipin na sobrang moody at bayolente ni Kaori kapag nagagalit.

Kung hindi lang sya ganon, ang perfect nya na e.

"What?!" bulyaw nya sakin ng mahuli nya akong nakatingin sa kanya

"Wala po Master." magalang na sagot ko

Kanina ay di na ako natatakot sa kanya pero kapag nagsimula na naman tumaas boses nya, nakakakilabot talaga.

Nang matapos kami kumain ay sinama nya ako pabalik sa Mansion ng Orion. Seryoso talaga sya sa sinabi nya na huwag akong lalayo sa kanya.

Gusto nya ay sa kwarto niya ako matutulog pero nagpupumilit akong ayuko. Baka ano pa gawin nya sakin.
Minsan mas nakakatakot pa si Kaori kaysa sa mga tumutugis sa kanya.

"Bakit kapag tinitignan mo ko parang laging masama iniisip mo tungkol sa akin?" naiiritang tanong niya sakin.

Hindi pa rin kasi kami nagkakasundo kung saan akong matutulog. Andito lang kami sa Sala na nagtatalo pa.

"Hindi po" mahinang sagot ko

"You sleep in my room. That's final!" pagtatapos niya at tinitigan ako ng masama.

"Okay but no touch, no ki--"

"I'm your master!! Ako lang may karapatan magbigay ng rule!" bulyaw nya sa akin ng hindi pinapatapos ang sasabihin ko.

Control Freak!!

"Anong nangyayari?" nagtatakang tanong ni Carina na kakapasok lang ng Mansion kabuntot ang mga guards nya

"Pinipilit niya akong matulog sa kwarto nya, Master" sumbong ko dito. Baka mapagtanggol niya ako dahil minsan nakikinig si Kaori sa kanya.

"That's a good idea Estella. Para maprotektahan ka ni Vega at di siya mag-aalala sayo" laglag ang panga ko sa sinagot nito.

The OrionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon