Linggo ngayon at naiinip ako sa Mansion na ito. Sobrang tahimik. Hindi tulad sa lugar na nakasanayan ko ay umaga pa lang rinig ko na sigawan ng mga kapit bahay.
Naka upo lang ako sa tapat ng Vanity Mirror ng kwarto at sinisipat ang muka ko..
Feeling ko mas kuminis ang muka ko ngayon dahil na rin sa sabon dito. Tsaka nung minsan kong matikman ang tubig sa Faucet ay masarap ito kaya siguro nakakatulong sa pagkinis ng balat.Kaya siguro kumikinang din sa kinis ang balat ng mga Orion.
"Maganda ka na. Ano tinitignan mo dyan?" sa gulat ko ay napabalikwas ako..
"Master" tawag ko dito..
"Naiinip ka ba? Gusto mo mag billiard tayo?" nag ningning naman ang mata ko sa sinabi nya..
Si Kaori dati ang nagturo saking mag billiard ng mga bata pa kami. Hindi siya masyadong magaling pero marunong siya. Mas nakahiligan ko lang ito kaya pinagpatuloy ko ang paglalaro.
"Halika, sumama ka sa akin" nilahad nya sakin ang kamay niya..
Masaya akong tumayo sa kinakaupuan ko at inabot ang kamay niya.
Paglabas pa lang namin ng kwarto ay sinalubong si Jelay ni Aling Celeste.
"Master Vega, andyan po si Sir. Rygel hinahanap kayo" mabilis napabitaw sakin si Kaori
"Saan siya?"
"Nasa Lobby po" agad tinungo ni Kaori ang Lobby na parang nakalimutan na andito ako.
Sinundan ko na lang siya dahil wala naman akong gagawin. Curious din ako sino ang Rygel na yun.
Pagkakita pa lang ni Kaori sa lalaki ay ngumiti ito..
"Rygel!!" masayang tawag nya dito..
Lance Rygel Carr, 21 years old
Sinalubong naman siya ng mahigpit na yakap nung Rygel na tinugon niya..
"Vega, namiss kita!" kumuha ako ng tubig sa ref at nagpanggap na umiinom dun habang pinagmamasdan sila.
"Natagalan ka ata ng balik?" masayang tanong ni Kaori dito..
"Daming pina asikaso sakin si Daddy." naiinis ako. Ngiting ngiti sa kanya si Kaori.
May kung ano sa mata ko na parang humahapdi..
Naghanap ako sa paligid ng naghihiwa ng sibuyas pero wala naman.."Tara! Basketball tayo" masayang aya nung Rygel sa kanya..
Patayo na sila ng sumingit ako..
"Kagagaling mo lang sa sakit Master, baka mabinat ka" suway ko dito
"And who are you?" maagas na tanong nung Rygel sa akin.
"She's Jillian Estella Portia" simpleng pakilala sakin ni Kaori. Naaasar ako! Bakit yun lang? Di naman sa nagdedemand ako pero diba? Ah! Basta.
"This is Lance Rygel Carr, my bestfriend" see? Sinabi nyang Bestfriend nya ito pero sa akin walang kahit anong description.
"Nice to meet you po" binigyan ko siya ng plastik na ngiti na syempre hindi halata.
"Baka gusto mo mag-Billiard na lang?" alok ni Kaori sa kanya..
"Hmm.. Sure, matagal na rin ako di nakakapag laro nito" nakangiting sagot nito..
Kung kanina ay hawak ni Kaori ang kamay ko papunta sa Billiard Room ngayon naman ay si Lance lang sinasabayan nya habang masaya silang nagkukwentohang dalawa.
Nahihiya na akong bumubuntot sa kanya parang gusto ko na lang bumalik sa kwarto at bilangin ang aking pilik mata..
Pagpasok namin sa Billiard Room ay namangha na naman muli ako..
BINABASA MO ANG
The Orions
FanfictionIf Samson has Delilah and Superman has kryptonite.. I, Kaori Vega Orion has Jillian Estella Portia. THIS IS A FAN FICTION STORY