Dahan dahan siya ngumiti sa sinabi ko.
Yung ngiti na alam mong kinikilig pero nagpipigil.Hindi ako makapaniwala na ang isang tulad nya ay mamahalin ako parang nananaginip ako. Napaka-layo sa katotohanan.
"Tapos ngayon ngingiti ngiti ka dyan."
Patuloy pa rin siya sa pag-ngiti.. Pinagtitinginan na sya ng mga tao dahil nagtataka sa kanya.Aba! Makita mo ba naman ngumiti ang isang Kaori Vega Orion, nakakapanibago talaga yun.
"Halika na.. Kumain na tayo" nilahad ko sa kanya ang kamay ko at agad nya naman kinuha.
Magkahawak kamay kaming bumalik sa inuupuan namin.
Nginitian ko naman si Ashley at Kurt na parang mga nagtatanong ang muka..
"Kain na kayo. Wag nyo kami intindihin" sagot ko sa kanila..
"Anong ginawa mo dito? Bakit tuwang tuwa?" simpleng tanong na bulong sakin ni Ashley patukoy kay Kaori
Tinignan ko naman si Kaori at ngiting ngiti pa rin siya habang nakain.
"Wala. Baka lumuwag na ng tuloyan ang turnilyo ng ulo" mahinang sagot ko.
"Narinig ko yun.." sabat ni Kaori pero nakangiti pa rin. Ang creepy na ng ngiti nya habang tumatagal.
Kabaliktaran naman ni Kurt. Tahimik lang ito at parang badtrip.
"Kurt, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ko dito
"Yeah" walang ganang sagot nya..
Pinabayaan ko na lang siya hanggang sa ihatid kami ni Kaori sa last class namin ngayon.
Nauna ng pumasok si Ashley sa room at hindi pa rin binibitawan ni Kaori ang kamay ko.
"Papasok na ako sa loob Master" paalam ko dito..
Pinaharap nya ako sa kanya at kinulong ang muka ko ng mga palad niya.
"Mag-aral ka mabuti. Ikaw mag dedesign ng mansion na magiging bahay natin at ng bubuohing pamilya natin." ngiting ngiti nyang sabi at ginawaran ako ng halik sa aking noo
"Nakakarami ka na ngayong araw ha!" kunwaring pagalit ko sa kanya dahil sa mga paghalik niya.
"Kulang pa nga e" natatawang saad niya.
Gusto ko rin ngumiti sa sayang pinapakita ni Kaori. Ibang iba na Kaori dun sa walang ibang emosyon kundi galit.
Gustong lumaki ng ulo ko at isiping ako ang dahilan ng mga ngiti niya..
"You're the only reason of this smile" ani nya na naman..
"Nababasa mo ba talaga naiisip ko?" curious na tanong ko sa kanya.
"Oo. Sa mga kilos at mata mo" sagot niya sa akin.
Napatingin naman ako sa pinto ng classroom at papasok na dun ang Prof ko.
"Master, papasok na ako sa loob. Andyan na Prof ko" paalam ko dito palibhasa itong mga Orion may sariling private instructors. Hawak ang oras kung kelan sila mag-aaral.
Nagmadali na akong humiwalay sa kanya at pumasok sa loob..
"Hi!" bati niya pa sa prof ko ng maka-upo na ako sa pwesto. Siya naman ay nakatayo pa rin sa may tapat ng pinto..
"M-master Vega, magandang araw!" paulit ulit yumuko ang professor namin dito na halata ang takot sa muka.
"Galingan mo ha. Nasa klase mo girlfriend ko." hindi naman nakasagot si Mr. Kalani
"Ayun oh!" sabay turo sakin ni Kaori.
Lahat ng mata ay napatingin sakin siya namang pag-yuko ko.
BINABASA MO ANG
The Orions
FanfictionIf Samson has Delilah and Superman has kryptonite.. I, Kaori Vega Orion has Jillian Estella Portia. THIS IS A FAN FICTION STORY