3

454 43 10
                                    

Pagkatapos ng ginawa ni Kaori ay hinatid nya ako sa klase. Lahat ng tao sa paligid ko ngayon ay nginingitian naman ako.

Mga plastik.

Matapos ang klase ay tumayo ako para lumabas ng room. Napansin ko naman na lahat ay naglalayuan sa akin para akong may nakakahawang sakit. Ang OA nila

"Halika na" narinig ko na naman ang boses nya na nagbibigay kilabot sa akin.

Inaantay nya pala ako sa labas ng room.

"Saan tayo pupunta Master?" nag-aalangan ko pa ring tanong sa kanya

"Ihahatid kita sa inyo." walang gana nyang sagot..

"W-wag na po" nahihiya kong pagtanggi.

"Kailan ka ba susunod ng isang utos ko lang?!" napalunok naman ako sa inasta nya..

"S-sorry Master" hinging paumanhin ko na medyo hinimas sya sa braso..

Tinitigan nya kamay ko na nasa braso nya kaya agad ko iyon tinanggal. Nawala sa isip ko. Lalo siyang magagalit sa ginawa kong pag-hawak sa kanya..

"Let's go" nauuna syang maglakad sa akin, nakasunod lamang ako sa kanya.

Pagsakay namin sa kotse nya ay may napansin ako..

"Wala akong driver. Ayuko ng body guards" ani nya na parang nababasa ang nasa utak ko.

Tahimik lang kami buong biyahe.. Payapa ko lang inaamoy ang pabango nya.. Blossoms

"Diyan mo na lang po ihinto sa may kanto Master.. Makipot na po ang daan, di na makakapasok ang kotse" nahihiyang saad ko.

Ang isang tulad ni Kaori Vega Orion ay hindi nababagay sa lugar na ito lalo na sa isang tulad ko.

Inihinto nya ang sasakyan sa may kanto..

"S-salamat Master" nahihiyang ani ko

Naglalakad na ako ng mapansin kong may sumusunod sa akin..
Nilingon ko ito at nagulat ako ng makita ko si Kaori.

"Master, b-bakit po kayo nasunod?"

"Ihahatid kita." pilit nito na kapag tumanggi ako ay magagalit siya.

Nagpatuloy na lang ako sa paglakad hanggang makarating sa tinitirahan kong maliit na apartment.

"Master, dito na po ako"

"Where?" takang tanong nya kaya tinuro ko ang maliit na apartment kong nasa harap namin

"Yan?! May nakakatira dyan?!" agad akong lumapit sa kanya at tinakpan ang bibig nya dahil baka may makarinig sa kanya at di sya santohin sa lugar na ito. Kung siraulo siya mas siraulo mga tao dito. Hindi pa man din sya kilala baka di siya makalabas ng buhay.

Nang marealize ko ang ginawa ko ay agad kong tinanggal ang kamay ko sa bibig nya..

"Sshh.. Wag kang maingay Master"

"Dyan ka nakatira? No way" di nya makapaniwala na tanong sa akin..

"Halika na! Iuuwi na kita" aya nya sakin

"Master, nakauwi na po ako" nagugulohan kong sagot sa kanya.

"Di ka titira dyan! Di ko papatirain sa ganyang kaliit na bahay ang girlfriend ko" mariin na sagot nya sakin habang nakakunot ang noo.

"G-girlfriend?"

Napansin kong medyo nahiya naman siya sa tinanong ko.. Napakamot sya sa likod ng tenga nya.. I must admit it ang cute nya dun. Hehe

The OrionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon