13

399 29 4
                                    

"Malinis ba ang trabaho mo?"

"Syempre. Di na magdududa sa akin si Vega"

"Wag kang pasigurado. Matalino yun tulad ng kanyang amang si Zeus."

"Bakit kasi hindi pa natin sila sugurin ngayon?"

"Tanga ka ba?! Hindi natin pwede pang patayin si Vega. Ang kailangan natin ay manghina siya para siya mismo ang sumunod sa atin. Kailangan natin siya ng buhay!"

"S-sorry Daddy"

"Rygel!" tawag ng matandang lalaki sa  binatang nakikinig lang sa gilid.

"Yes, Dad?"

"Inutil ka talaga. Hindi ka tumulad sa kapatid mo puro ka kapalpakan.. Hindi mo na nga napa-ibig sayo si Vega ngayon naman ay naghihinala sayo ang babae nya." galit na pagalit ng lalaki sa anak

"I'm sorry Dad" nakayukong ani nito

"Subukan mong kunin ang loob nung Estella. Human gets weaker when they used their hearts"
-----

"Ashley, anong mga alam mo kay Lance?" oras ng klase pero pinili kong makipag kwentuhan kay Ashley. Hindi ako matahimik

"Hmm.. Mayaman sila.. Stepdad nya nagpapalaki sa kanya ngayon dahil namatay ang Daddy nya nung bata pa siya, halos mga kasing edad din ni Vega ng mamatay ang magulang niya tapos nag-asawa ng bago ang Mommy niya."

"Paano sila nagkakilala ni Kaori?"

"Ang alam ko dahil lang yun sa Basketball.. Si Rygel ang nagturo kay Vega mag basketball.. Tahimik lang si Vega, mailap sa mga tao pero makulit si Rygel sa kanya. Lagi nitong nilalapitan si Vega hanggang sa naging mag kaibigan na sila simula nun."

"May gusto ba si Lance kay Kaori?" sa tinanong ko ay tinignan ako ng nakakaloko ni Ashley..

"Hindi ako nagseselos! Curious lang" depensa ko agad

"Talaga? Kahit malaman mong mag-ex sila?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ashley..

"T-totoo?"

"Si Vega tanongin mo kung di ka naniniwala sa akin." kibit balikat nya at tumingin na sa Prof nila.

Lalo naman kumulo dugo ko sa Lance na yun.. Lalo na kay Kaori! Naiinis ako dapat di muna ako umamin kay Kaori.

"Hoy! Tulala ka dyan! Tapos na klase" bulyaw sa akin ni Ashley na nagpabalik sa aking ulirat.

"Tapos na?" wala sa sariling tanong ko

"Opo. Tara kain na tayo. Nagtext na sa akin si Kurt"

"Aba! Textmate na kayo? Ayiieeh" asar ko sa kanya. Naalala ko kasi para silang aso't pusa nung una. Hahaha

"Textmate agad? Di ba pwedeng magkatext lang kapag may kailangan?" pairap na sagot nito. Sus! Hahaha

Hanggang makalabas sa room ay inaasar ko si Ashley kay Kurt.

"Tigilan mo ko! Tingnan mo jowa mo oh.. Kasama ex nya." turo naman ni Ashley sa naglalakad papunta sa direksyon namin.

Si Lance at Kaori.

"Hi! Lunch nyo na?" tanong ni Lance samin na nakatanggap ng irap kay Ashley. Mainit din talaga dugo nya dito.

"Oo" simpleng sagot ko dito

"Let's go!" aya sakin ni Kaori na ngiting ngiti na nilahad ang kamay nya.

Tinitigan ko lang yun at kumapit sa braso ni Ashley..

The OrionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon