Isang linggo na din mula nong nakauwi ako galing New York. Pagkatapos nong nakita ko sa condo ni Cush ay ngayon lang ako naglakas ng loob na umuwi ng Pinas. Jusko! Alam kong magkikita't magkikita kami kaya nga inipon ko na lahat ng lakas ng loob ko eh.
Nasa office ako ngayon nag-aayos ng mga blueprint para sa pinapatayong bagong village sa Cavite. Meron din agad nag request na ako magdesign ng bahay nila nang malaman nilang umuwi ako. Halos mga kakilala lang naman nong college sa Ateneo
Habang inaayos ang mga gamit ko ay pumasok ang secretary ko sa loob.
"Architect Eris, pinapasabi po ni Mr. Max Jake Jison kung okay na po ba daw yung design para sa Resto Bar niya?"
"Hmm. It's done don't worry ako nalang ang tatawag sa kanya." ngiti ko.
Kinuha ko phone ko sa bag at tinawagan ang gago kong pinsan.
"Hello, Maxxy" panimula ko.
"Sammyyyy!" sigaw niya. Siraulo talaga.
"The design is done. Kailan ba sisimulan ang construction?"
"Next week, Wednesday. And oh, Samm"
"Yes?"
"Dyan nalang din ako sa company kukuha ng magiging engineer. Di ako pwede may business meeting ako sa Malaysia that time" aniya.
"Okay. Ako na lang pipili."
"No. May napili na ako. Si Engineer Monterola. Okay lang naman kung si Cush diba?" aniya.
"Whaatttt?!!. No way your going to choose that man! And what are saying na nasa company siya? Bat di ko alam? " Naghihisterical na ako. Ginagago ata ako nitong si Max eh.
"Siya ang head ng Engineering Department, Samm." aniya na parang sinasabing dapat alam ko 'yon.
Bat walang nagsabi sakin? Isang linggo na simula nong umuwi ako pero ngayon ko lang nalaman.
"Sammy, you don't have to be awkward naman dahil may asawa na siya"
Asawa? So nagkatuluyan nga sila nong kabit niya? Putangina! Mabuti naman kung ganon. Good for them.
BINABASA MO ANG
Surfiet Affection
Non-FictionSammantha Eris Jison, a very popular woman for having such beautiful face. She's smart, talented and a little bit of hard headed sometime. Their family is the most famous in the field of business, specifically in real estate world. Samm can have ev...