Chapter 3

6 5 0
                                    

Nagpatuloy ulit kami ni mama sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa pinto, at nang nasa tapat na kami huminto kami sa paglalakad, binati si mama ng isa sa apat na lalaki.

"Buenas dias Siñora" Bati ng matangkad na lalaki.

Kung titigan mo sya talagang masasabi mo na may lahi syang Español dahil sa matangos ang ilong nito, at mestizo talaga sya.

Pagkatapos nyang bumati kay mama binalingan nya ako ng tingin at ngini-tian wow infairness ang cute nya, isang tango lang ang tugon ko.

"Buenas dias Señor" Balik na bati ni mama .

Infairness close sila baka sugar mommy nya si mama, NO NO NO neverrrrrrrr With capital N.

Be Advance......

"Miss Zake nga pala Zake Santillan" Pa cute na sabi nya.

Inilahad nya saakin ang isang kamay  nya upang makipagkilala, tatanggapin kona sana ang kamay nya nang may sumabat na isa pa.

" Wag mong tanggapin yan may bacteria yan, bacteria ng babae" Tawa-tawang turan nya.

Nakatingin lang ako sa kanya, gwapo sya maputi, matipuno ang katawan perpekto ang mapupula na labi kaso mukhang badboy.

"Hoy pareho lang kayong dalawa mga babaero, Miss Sync nga pala" Wow infairness kapal din to.

Ka feeling kaayo.....

"Nakakalimutan nyo yatang nandito si señora" Sabi ng isa pa.

Naagaw ang atensyon namin ng magsalita itong si kuya, yung lalaki na unang bumati saamin.Tama naman siya nakalimutan yata nila na nandito si Mother sobrang naagaw yata ng mala dyosa kung ganda ang atensyon nila.

"Sorry po señora" Nag bow pa silang tatlo.

"Sus kayo talaga puro biro, O hija bago tayo tumuloy ipakilala muna kita sa kanila" Panimula ni mama.

"Hija siya si Clark Dela Cruz" turo ni mama sa lalaking mukhang español na unang bumati saamin.

"Pwede mong tawagin si Clark na kuya dahil nakakatanda sya sayo ng sampung taon " Dugtong pa nya.

Sampung taon lang ang agwat namin, pwede Ten years gap ako si cruzete at sya si paolo ang talino kuno.

"Hija are you listening?"

Nagulat paako ng magsalita si mother lumipad yata isip ko papuntang universe.

"I- Im  listening" utal na sabi ko.

Sunod na itinuro ni mama yung Zake, Nakakatanda sya saakin ng dalawang taon , tapos yung mukhang badboy sa suot nya na malaki na hikaw sa kanang tainga,Tristan ang pangalan nya kasing edad kolang sya tapos yung panghuli si Sync nakakatanda siya saakin ng limang taon nang matapos ang mahabang pagpapakilala ni mama sa kanila, ako naman ang ipinakilala nya.

"Mga hijo ito naman si Trine labing walong taong gulang, magtatapos na ito ng Senior high." Mahabang lintaya nya.

Pagkatapos akong ipakilala ni mama tingangu-an at nginitian nila ako at tango parin ang tugon ko, tumuloy na agad kami sa loob ng bahay nagpaiwan naman yung apat na lalaki sa labas yung Zake ngi-ngitingiti pa parang asong adikkk.

Nang nasa loob na kami ng bahay napako ako saaking kinatatayuan
nilibot ng aking paningin ang kabuuan ng bahay, kung sa labas parang sira na pero pag pumasok ka parang nasa loob ka ng haunted house pwede talagang pang horror house.

Maganda ang kabuuan ng bahay marmol ang sahig maraming antique na gamit parang old spanish era pa itong bahay , may mga nakasabit na ibat-ibang painting ng mga sikat na pintor tulad ng pininta ni Vincent Van Gogh na "Stary Night" at "Luncheon of the Boating Party" by Auguste Renoir.Matagal na pero maganda parin sabi nga nila "Old but Gold".

Nagpatuloy kami sa paglalakad at isang hagdan ang tumambad saamin may dalawang bantay nakasuot rin sila ng katulad na suot ng apat na lalaki sa labas may mga baril din sila na nakasukbit sa kanilang baywang .Binati din nila si Mama at binalingan ako ng tingin at nginitian tango parin ang tugon ko at pagkatapos non sinamahan nila kami paakyat sa hagdan, maraming kwarto ang aming nadaanan pero tumigil kami sa isang kwarto may pinindot ang isang lalaki at bumukas ito at isang tao ang tumambad sa harapan ko isang taong matagal ko ng gustong makita at mayakap..









I'm Him Where stories live. Discover now