Chapter 9

2 1 0
                                    

      Authors Note

Hi mga baby😘😘 nagbabalik na ako Busy kasi ako nong nakaraang araw, But Dont Worry Im Back😉 Pinalitan ko nga pala ang Book cover ko, Wala lang Share kolang😁😁

  Chapter 9

   Nandito parin ako nakatulala pinipilit na gumising mula sa isang masamang panaginip, pero hindi, kahit sampalin ko man nang ilang ulit ang sarili ko hindi parin ako magigising dahil hindi ito panaginip.Nandito ako ngayon nakatayo sa loob nang isang lumang Bahay at napapalibutan ng mga diko kilalang tao, Napatingin ulit ako kay mama humuhiling na magsalita sya at sabihin nyang prank lang to pero nakayuko lang sya.

Dahan-dahan kong ibinalik ang panangin kay papa sa totoo lang bigla akong nakaramdam ng takot sa kanya, Ang ama na aking lubusang tinitingala dahil sa kabaitan at pagmamalasakit nya noon sa kanyang kapwa pero parang sa isang iglap naglaho.

  "Prank to diba?" Pinipilit kong wag mautal dahil sa takot.

  "Ang Bobo mo huh, Your not Understand, We are not kidding mamamatay tao kami and Sooner or later you'll be the one of us" Pagtataray ni karen.

"Ito ang tandaan mo hindi ako magiging katulad nyo" Matapang na sabi ko.

"Talaga? Weather you like it or not you'll be" Inilapit nya ang mukha sakin at tumawa.

  "Ayokong sumali sa grupo nyo" Muli syang tumawa nang malakas.

"Karen, Trine tama nayan" Pumagitna si fiona samin, pasiring naman na inalis ni karen ang paningin sakin.

Gusto konang umalis sa lugar nato hindi kona makakaya ang susunod na maririnig ko mula kay papa, Gusto kong magwala, magalit sa kanya pero hindi ko magawa.

"Pa , Diba joke lang to hindi ka mamamatay tao"Yumuko lang si papa.

" Trine anak hindi ito joke kaya kung sa ayaw at sa gusto mo sasali ka sa grupo, Tulad nang unang sinabi ko kailangan mong mag-ensayo bukas para matuto kang paano lumaban at makipaglaban" Tiningnan nya ako nang seryoso.

"Ayoko akala koba iba kayo, akala ko mabait kayo pero bat nakakaya nyong pumatay , isa kang mamamatay tao at gusto nyo pang maging katulad mo ako akala ko ang mga magulang ang magtuturo ng kabutihan sa kanilang mga anak eh bakit kayo gusto nyong maging masama ako" Pinipilit kong pigilang wag umiyak sa harapan nya kahit sobrang sikip na nang dibdib ko.

Hindi ko alam kung saan aki humugot ng malakas para sabihin lahat nang yun kay papa, ang alam kolang galit ako sa kanya sa kanila kaya nilang pumatay nang mga taong walang kalaban-laban.

"Trine hindi ko sinasabing maging masama ka pero kailangan moto para rin say---" Pinigil ko ang iba pa nyang sasabihin.

"Ayaw nyo akong maging masama pero bakit gusto nyo akong sumali sa grupo nyo? para rin bang pumatay?" Hindi kona napigilang tumaas ang boses ko.

  Pumagitana si mama "Trine hindi yun, makinig ka muna" Nanatili parin ang paningin ko kay papa na seryosong nakatingin sakin.

"Bakit Ma? Ano pang dapat kong pakikinggan , Mamamatay tao sya masama syang ta----" Hindi ko natapos ang iba kopang sasabihin nang isang malakas na sampal ang dumapo sa kanang pisngi ko.

Sa ilang taon kung nabubuhay sa mundo isang beses palang akong nasampal ni mama at ngayon palang nya ulit ako nasampal sa harap ng maraming tao , yumuki nalang ako at palihim na umiyak.

Mali ba ako?

Yowooooooo Mga baby Magsilabas kayo😁😁😁

   Thank for Reading
   Don't forget to Vote and Comment para alam ko ang mabuti at masama nyong feedback.

Kaya labassssssss😊😊





  

I'm Him Where stories live. Discover now