Nakayuko parin ako, pinipilit na pinipigalang wag tuluyuhang tumulo ang mga luha, Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko kahit ang tumingin nang deretso hindi ko magawa.Pasimpleng pinunasan ko ang ang luhang nagbabadyang tumulo ng may tumukhim dahan-dahan kong inangat ang paningin at agad na tumambad ang magkahalong reaksyon sa mukha ni mama.
"Trine anak, Sorry hindi ko sinasadya" Walang emosyong nakatitig lang ako sa kanya.
Ibinaling ko ang tingin kay papa"Bakit nyo ako kailangang isali?"Siguro ako nag mukhang tanga naako sa tanong ko pero umaasa ako na mali lang ako nang dinig.
Huminga muna sya nang malalim"Trine kailangan dahil magagamit mo ang matutunan mo rito" Napakunot ang noo ko sa sinagot nya.
Tumayo ako nang maayos at tiningnan sya nang deretso"Magagamit saan?Para pumatay nang mga taong walang kalaban-laban"Sumeryoso ulit ang itsura nya.
"Hindi mo alam ang lahat Trine kaya kung sa ayaw at sa gusto mo sasali ka" Naging mas seryoso ang mukha nya nang sinambit nya ang mga salitang yun.
Hindi kona pinakinggan pa ang iba pa nyang sasabihin agad akong lumabas sa kwarto nayun, hindi ko alam kung saan ang tamang daan papalabas sa lugar nato patuloy lang na tumutulo ang mga luha ko habang tumatakbo ako ang gusto kolang mapag-isa naguguluhan ako.Hindi ko namalayan na sa harap na pala ako nang pinto akmang lalabas naako nang may baril na nakatutuk sakin, napalingon ako nang may magsalita sa likuran ko.
Nasa kanyang bulsa ang dalawang kamay nya "Pasensya kana Trine pero hindi kana makakalabas sa hideout nato sa oras na ihakbang mo ang mga paa mo hindi ako mag dadalawang isip na ipabaril ka" Nagulat ako sa huling sinabi nya.
"Pa" Gulat na usal ko.
Muling tumulo ang mga luha ko, Kaya nga akong ipapatay ni papa?, Anak nya ako pero bakit?Magagawa nya baakong ipapatay?
Thank for Reading Kasided
Don't forget to Vote and leave Some Comment.......
