Maaga akong nagising hindi dahil sa
alarm clock kundi sa bunga-nga ni mama umagang-umaga pero sigaw ng sigaw na siya,kung tutu-usin nga wala namang pasok ngayon dahil bakasyon na, kaya kahit anong oras ako magising okay lang,kaso nga naudlot ang pag beautyrest ng mega nyo dahil sa kasisigaw ni Mother."Trine gising na umaga na may lakad tayo" Sigaw ni mama
Hay naku ano pangngaba ang magagawa ko edi gumising antok na antok pa naman, ako dahil madaling araw na ako natulog dahil pinatapos ko talaga yung "I love you Ara" kaya ayun pagod.Hindi panga ako masyadong nakatulog ng maayos sa kaka-isip ko ng mga putol na paa na naglalakad at dilat na mata ng isang patay naku naloko na.
Personal Experience
Nakakakilig promise😁😁"Opo ma heto na gising na mag-aayos na "Sarkastik kung sagot.
Ano ba naman kung nandito lang si kuya edi sana hindi lang ako ang laging sinisigawan. Pero Asan na kaya yun auh bahala na nakakapagod mag isip.
"Anak ano na tapos kana ba? Ang tagal mo dyan ano nag-uusap pa kayo ng tubig dyan?"
*Kasalanan kobang takot ako sa tubig,Mama talaga*. Sabi ko pero mahina lang baka umagang-umaga may pasa ako.
Tama naman si mama nag-uusap pa kami nitong tubig, wag na muna siguro ako maligo hindi panaman ako mabaho kahit na apat na araw na akong walang ligo basta walang pasok nakakalimutan kung maligo wattpad kasi inaa-atupag ko.Pero sige na nga maliligo na ako baka ako na ina-abangan ng mga toxic sa labasan .Pagkatapos kong maligo at mag-ayos lumabas na ako sa medyo maliit naming kwarto.
"Ma ,Im done san ba tayo pupunta ang aga-aga sigaw ka ng sigaw".Bungad ko agad kay mama.
"Wag nang maraming tanong kumain kana dyan at aalis na agad tayo".Sagot ni mama.
Pagkatapos naming kumain agad na kaming lumabas ,ngunit nakailang hakbang palang ako ng magsalita si mama.
"May nakalimutan ka yatang isuot?" .Tanong nya
Nakalimutan ko nga palang isuot ang hoodie jacket ko at magsu-ot ng mask para iwas virus.Biro lang kahit walang virus ganito talaga ang Sinu-suot ko,palaging naka jeans,hoodie jacket and last but not the least mask para nga akong holdapper.
Ang totoong dahilan kung bakit ganito ang palaging outfit ko ay dahil palagi akong binabantayan ng mga toxic sa baranggay namin,hindi naman ako si "Kathryn Bernardo" pero ito ako ang binabantayan nila. Pero mali yung una kong sinabi ,ang totoo ito ang pinapa-suot ni mama sa tuwing lumabas kami,iwan ko sa kanya baka trip nya.
Pagkatapos kung ma-suot ang outfit ko lumabas na kami ng tuluyan,nakasunod lang ako kay mama habang tahimik na naglalakad ganito kami ni mama pag lumabas ng bahay palaging tahimik lang siya parang nagmamasid at may pinapa-kiramdaman sa paligid.
Dahil poor kami nagcommute lang kami patungo kung saan nya balak pumunta.Ang totoo hindi kami mahirap mayron kaming iba't-ibang Negosyo sa Buong mundo,kaso nga humble kami nakatira lang kami sa bahag paupahan dito sa isang Squaters area . Oh diba ang yaman pake nyo ba.
Sanay naman akong tumira sa mga masisikip na lugar,dahil pinalaki ako nina mama na hindi sosyal,sanay ako sa hirap,si mama lang ang nagpalaki saakin kasi si papa nasa North korea ,nagpapaturo ng Self defense kay taguro,Chossss lang dali nyo namang maniwala niloloko lang kayo naniniwala naman agad kayo yan tuloy nasasaktan kayo. Chossss ulit
Si papa nasa South korea talaga siya nag mamanage ng aming business,kaya bata palang ako wala na siya sa tabi ko.Si kuya naman umalis noong nakaraang buwan patungong Italy para i-manage ang business namin don,at ang iba naman naming business pina-hahawakan nila sa iba naming mga mapagkakatiwala-ang tauhan,dito naman sa pinas si mama ang humahawak.
Nagtatampo na nga ako sa kanila ni papa at kuya minsan dahil hindi lang naman nila ako na miss mas iuuna pa nila ang business kaysa saakin,pero ok lang nai-intindihan ko naman sila para naman saamin yun.
Naputol lang ang pagda-drama ko ng magsilata si mama
"Anak alam kong miss muna si papa kaya wag kang magalala makikita muna sya".
Nagulat akong napatingin sa kanya hindi dahil nagulat ako sa sinabi nya kundi dahil nagulat ako nang Umutot siya kaya napatawa lahat ng pasahero dito sa bus ,si mama talaga dugyot talaga kahit kailan.Napayuko nalang siya sa kahihiyan na ginawa nya habang ako nagpipigil tumawa ang sama ko naman sigurong anak pag tatawanan ko sya ,Pero anong magagawa ko eh tumawa ako...Oh bash me bash me.
"Pftttt,Mama ikaw talaga,madami kabang naipon na basura dyan sa Tiyan mo" Bulong ko sa kanya
Sa halip na sagutin niya ako kinurot niya lang ako sa tagiliran,kaya tumahimik nalang ako sa byahe,pero nagtataka talaga ako anong ibig sabihin ni mama na makikita kona sya, Sinong sya?
Thank you Mga babyyyy, Don't forget to Vote..😘😘😘😘
Wabyouuuuu alll😍😍😍
