Nagising ako ng may sumampal sakin kaya agad akong napabangon dahil sa gulat, napahawak ako sa ulo ko ng kumirot ito epekto siguro sa paghampas saakin,ng libutin ko ng paningin ang buong paligid nagulat ako ng makitang seryoso ang itsura ni papa at nakataas naman ang kilay ni Karen na nakatingin saakin habang malungkot namang nakatingin saakin si mama.
Lumapit Sakin si papa at ginulo ang buhok ko na katulad ng ginawa nya sakin kapag umiiyak ako, bigla nalang tumulo ang mga luha ko namimiss konang makasa sya namiss kona ang dati kong papa ang ama na handang patawanin ka kapag may problema ka.
I Wish I Could Go Back For That Time.......
Yumuko sya ng bahagya at ngumiti "Patawad anak" Kahit napabulong lang na sinabi ni papa yun pero parang isang salitang mas lalong kumurot sa puso ko.
Tumayo sya ng maayos ng magsalita si Karen" Masyadong madrama ang pamilya nyo" Pinahid ko ang mga luha at masakit na tumingin sa kanya.
Nilalaro-laro nya ang kanyang mahabang buhok "Ayoko ng drama gusto konang makita kong kaya bang pumatay ng paborito mong anak" Nagulat ako sa sinabi nya kung kaya't malakas syang tumawa.
Tumigil sya sa pagtawa at kinuha ang baril na hawak ng isang tauhan ni papa at pilit na pinahawakan saakin pero nabitawan ko ito, nakita kong nagalit sya pinulot nya ang baril at tinutok sa noo ko.
Natatakot ako sa maaari nyang gawin sakin pero hindi ko pinakita na takot ako sa kanya, Nakahinga ako ng maluwag ng kinuha nya sa pagkatutuk ang baril sa noo ko.
Tumawa sya habang iniikot-ikot ang baril sa kamay nya " Matapang ka diba? Tingnan natin kung matapang ka" Ibinigay nya ulit saakin ang baril ngunit hindi ko ito tinanggap ngunit tiningnan nya ulit ako nga masama at pilit na pinahawak saakin ang baril.
Ngumiti sya at bumulong "Hold that tight baka sayo koyan iputo" Umayos sya ng tayo "Handa kana ba kung sino ang papatayin mo? Here we go" Nagulat ako sa tumambad saakin isang matandang duguan ang nakagapos sa upuan.
Hindi ko maaninag ang itsura nya ng makilala ang taong nakagapos agad akong tumayo at akmang lalapit sa kanya ngunit hinarang ako ni Karen.
Muli nya akong tinutukan ng baril sa noo"Wag kang pabida papatayin mo sya hindi tutulungan kaya go, Shoot Him" Umalis sya sa pagkakaharang at tumabi di kalayuan saakin.
Muli kong tiningnan ang lalaking nakagapos hindi ko kayang patayin ang taong parang ama kona ang taong ama ng kaibigan ko ang taong nag-iisa nalang na tumataguyod sa pamilya nya, Muli kong nabitawan ang baril at napaiyak nalang ngunit agad ding pinulot ni Karen at muling pinahawak saakin.
"Ano bang kasalanan ni mang Damyan?" Ngumiti sya ng nakaloloko at parang nag-iisip.
"Masyado na kasing malaki ang ulo ng Matandang yan ayaw na magbenta ng droga at magsusumbong pa daw kaya better to kill him diba?" Nilingon nya si mang Damyan at muling ibinalik saakin.
Tiningnan ko sya ng masama "Hindi ko kayang patayin ang taong walang kalaban-laban at hindi ko kayang kayang patayin ang ama ng matalik kong kaibigan" Nginisihan nya lang ako.
Nilagay nya ang dalawang kamay sa likod at seryosong tumingin saakin"Papatayin mo sya o Papatayin ko ang ina mo" Nanlaki ang mga mata ko ng may tumutok ng baril kay mama nakita kong nanginginig si mama sa takot.
Nalilito ako kung sino ang pipiliin ko parang nasa isang contest ako na ako ang Judge at kailangan kong pumili kung sino ang magwawagi.
Sino ang pipiliin ko si mama na sarili kong ina o si mang Damyan na malapit saakin at nagiisang inaasahan ng kanyang pamilya?
Thanks For Reading and Don't Forget to Vote and Leave Some Comments...
Labyaaaaaa Ka-Sided...😘😘😘😘
