Chapter 21

1 1 0
                                    

Mag-aalas 6 na ng gabi pero hindi ko parin nagalaw ang mga pagkain, hindi manlang ako nakaramdam ng gutom ang dami kung tanong pero hindi mabigyan ng kasagutan.

Tumayo ako at tinungo ang pinto gusto kong makalanghap ng hangin naguguluhan ako sa mga nangyayari.
Pagkabukas ko ng pinto agad akong hinarang ng limang lalaki.

"Ma'am hindi kayo pwedeng lumabas" Turan ng isa.

"Bumalik nalang po kayo sa loob" Sabi ng lalaking mukhang gangster.

Nagsitanguan naman ang ibang kasamahan nila, kailangan kong gamitin ang acting skills ko"Mga kuya sa Terrace lang po ako sandali lang po ako magpapahangin lang"Nag pacute paako para maakit talaga sila.

Nag katingin pa sila tapos titingin saakin kaya mas lalong nagpacute ang ate nyo.

"Siguraduhin mong hindi ka tatakas" Sunod-sunod naman ang tango ko.

Agad naman akong umalis baka mag-iba pa isip nila at hindi ako payagan, malapit lang naman ang terasa kung kaya't nakarating ako.Ang sarap sa pakiramdam na makahinga ka kahit sandali lang ang sarap sa pakiramdam na madampian ng malamig na hangin.

Napatalon ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko, kahit hindi kopa sya tingnan alam kong sya sa malamyos nyang boses na parang musika sa aking tainga alam kong ang lalaking pangarap ko ang nasalikod.

Hindi ko namalayan nakalapit na pala sya sa tabi ko"Magulatin ka pala siguro palagi kang umi-inom ng kape" Napakunot ang noo ko sa sinabi nya habang matamis naman na ngumiti sya.

"Nagulat kasi ako sayo" Tumawa lang sya na parang may nakakatawa.

"Nagulat ka sa mala artistang itsurang ito?" Tinuro pa nya ang sarili na parang ayaw tanggapin na nakakagulat sya.

Napatawa nalang ako ng malakas sa reaksyon nya pero agad ding napatigil ng sumeryoso ang mukha nya, binalij konalang ang tingin sa mga kumikinang na bituin sa kalangitan.

Tumahimik ng ilang segundo pero agad nagsalita rin sya"Mabuti at nakalabas ka"Ng tingnan ko sya ay nakatingin narin sya sa mga bituin.

"Ganon talaga pag maganda" nagulat ako ng humagalpak sya ng tawa kaya napanguso ako.

"Hahahaaaa Your the best Comedian" Malakas parin syang tumawa na parang walang katapusan.

Tiningnan ko sya ng masama kaya napatigil sya "Excuse me bakit inggit ka? Ayaw mong maniwala?" Nakapamaywang na tanong ko.

Pinaningkitan nya ako ng mata tapos muling tumawa.

"Sige tumawa kapa ayaw mong maniwala ang dami kayang humahabol saakin"Nag flip hair paako.

Napaatra ako ng lumapit sya sakin" Bakit sinong naghahabol sayo?"Seryoso na ang itsura nya.

Tinaasan ko sya ng kilay"Bakit kailangan mong malaman?"Ngunit muli akong napaatras ng mas lumapit sya.

"Gusto kong malaman nila na may nagmamay-ari na sayo" Pagkatapos nyang sabihin yun ay parang mahihimatay ako at ang lakas ng kabig ng dibdib ko siguro naririnig na nya dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.

Tila napako ako saaking kinatatayuan dahil sa mga titig nyang nakakahimatay,pero napa ayos ako ng tayo nga magsalita sya "Wag ka masyadong kiligin, Goodnight princess" Hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa nya He kiss my forehead, parang tumigil ang pag-ikot ng mundo pati narin ang puso ko.

Isang oras na ang nakalipas at nakaalis narin sa Vincent pero andito parin ako hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.

Nabalik ako sa realidad ng magsalita "Ma'am lagpas kana po dalawang oras" Nginitian kolang sya at agad na tumakbo patungo saaking kwarto.

Nakita kong nagulat pa si kuya dahil sa inasta ko pati narin ang mga kasamahan nya, Ng makarating sa kwarto ay agad kong nilock ang pinto at tumalon-talon sa kama ko pero napatigil ako ng kumirot ang mga sugat ko kaya't humiga nalang ako at nakangiting nakatulog dahil sa sobrang kilig.

Nagising ako dahil sa ingay sa labas alas 5 na pala ng umaga kaya napabangon ako at tinungo ang pinto sinilip ko muna kong may tao ng masiguradong wala ay agad akong lumabas, nahagip ng paningin ko ang isang kwarto di kalayuan sa kwarto ko may naglalabas pasok na mga tauhan ni papa at nagulat ako ng makitang may nurse at doktor din na lumabas, napatago ako sa isang malaking jar dito sa gilid ng hallway ng mapatingin ang isang tauhan ni papa, ng silipin ko ay wala na kung kaya't dahan-dahan akong lumapit sa kwarto.

Maingat kong binuksan ang doorknob ng silipin ko ang loob ay hindi ako makapaniwala sa nakita si Fiona nakahiga sa kama at may benda sa kanang balikat pero nagulat ako ng makitang nasa loob si karen at sinusundot-sundot ng baril ang noo ni Fiona.

"Akala ko mamamatay kana pero hito buhay kaparin, pareho talaga kayo ng ina mo't kapatid matinik kay kamatayan" Sarkastiko pa syang tumawa.

Pero nagulat ako ng tumawa si Fiona "Hindi pa siguro kami kukunin ni kamatayan, Baka ikaw ang gusto nyang unahin" Isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ni Fion ngunit sarkastiko parin syang ngumisi.

Nagulat ako ng kinasa ni Karen ang baril at mas itutok ito sa noo ni Fiona "Masyado kang matapang pero wala kapa saaking kalingkingan at malapit ng luluhod at mag mamakaawa kayo dahil malapit na kaming maningil at ang kawawa mong kapatid ang mag babayad" Muling tumawa ng malakas si karen.

Nakaatulala lang ako sa labas ng pinto habang nakikinig sa kanila ngunit napasubsob ako ng isang malakas na hampas ang tumama sa ulo ko na naging dahilan ng pagkawalan ko ng malay.

Thanks for Reading And Don't Forget to Vote and leave Some Comments....

Labyaaa Ka-Sided.....





I'm Him Where stories live. Discover now