Naramdaman ko ang galit sa mukha ni tita Kendra, pinahid nya ang mga luha at akmang sasampalin ako ngunit humarang si Fiona "Walang kasalanan si Trine aksidente po ang lahat" Malakas nyang itinulak si Fiona buti nalang nakabalanse ito.
"Aksidente? Aksedente bang mawalan ng buhay ang anak ko dahil mas inuna pa ni Deo ang bastardang to" Idinuro nya ako gamit ang dulo ng baril.
Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko ngunit nanatili akong walang kibo. Nawawalan ako ng lakas kung tutuusin kolang pa ang sampal para saakin makasarili ako.
Napatingin ako kay mama "Kendra walang kasalanan ang mga anak ko kaya ako nalang pakiusap" Nagulat ako ng lumuhod si mama.
"Akala mo ganoon kadali HINDI kung tutuusin kolang ang mga buhay nyo para sa buhay ng anak ko" Malakas n sigaw nya.
Pilit na pinapatayo ni Fiona si mama ngunit nanatili itong nakaluhod, malakas narin syang umiiyak.
Lumapit sya kay Fiona at hinawakan ito sa pisngi "Napakabait mong anak at kapatid handang magsakripisyo" Pinagsiklop ang nya ang mga brasong nakatingin kay Fiona.
Umikot-ikot sya kay mama at muling humarap rito "Kung hindi nalang sana malandi hindi madadamay ang mga anak mo" Sarkastikong sabi nya.
Sunod nya akong nilapitan at tiningnan ako ng masama "Ang prinsesa alam mo kung buhay si Kianna sya ang dapat na tawagin bilang prinsesa at hindi ikaw na basura" Sigaw nya sa mukha kaya napayuko nalang ako.
Napaangat ako ng tingin ng tumawa sya "You why they call me Lady sparrow? Dahil maganda daw ang boses ko ngunit parang hindi naman kasi mukhang takot ka sa boses ko" Parang bata syang nagmamaktol.
Muli sana syang magsasalita ngunit lumapit si Karen na nakakunot ang noo "Mommy I'm tired to wait kailangan magsisimula ang laro? " pinisil ni Kendra ang pisngi ni Karen.
Napanguso si Karen kung kayat muling pinisil ni Kendra ang pisngi nya "Baby wait lang muna wala pa kasi ang surprise natin para sa kanila lalo na sa prinsesa" Tiningnan nila ako at malakas na tumawa.
Isang lalaki ang naglakad palapit saamin "Lady Sparrow nandyan napo sya" Tinanguan nya ang lalaki agad naman itong tumabi.
Napatingin ako sa lalaking papalapit saamin ng magtama ang paningin namin sa isa't-isa hindi ko maipaliwanang ang nararamdaman ko natutuwa ako na kinakabahan.
Nabaling ang tingin ko kay Kendra "Trine, Trine itong lalaking nasaharapan natin ay magiging kalaban mo sa dwelo at kapag manalo ka papakawalan ko na kayo pero kapag natalo ka" Pinutol nya ang susunod na sabihin at muli akong tiningnan mulo ulo hanggang paa.
"Makikita nalang kayo sa ka ng kung ano na wala ng buhay kaya Good luck" Malakas silang tumawa ni Karen.
Nabaling naman ang atensyon ko may mama na tuluyan ng napatayo ni Fiona "Kendra maawa ka kay Trine ako nalang" Pagmamakaawa nya.
Napalingon din ako kaya Fiona na hinawakang mabuti si mama upang wag tuluyang matumba "Tita Kendra maawa ka sa kapatid" ngunit tumawa lang ito.
Nagpupumiglas si mama at Fiona ng hatakin sila ng mga lalaki palayo saamin, sa bawat hatakin nila kay mama ay parang matutumba na ito dahil sa patuloy nitong pagpupumiglas. Habang si Fiona pilit na ina-aalalayan si mama upang wag matumba.
Mahinang umiiyak lang ako habang sinusundan sila mama at Fiona na medyo malayo na sa kinatatayuan ko, gusto kong tumakbo sa kanila ngunit hindi ko maihakbang ang mga paa ko natatakot ako na baka pag humakbang ako may mangyayari hindi sakin kundi sa kanila ni mama't Fiona.
Sampung dipa na ang layo nila at tumigil narin ang paghatak sa kanila ngunit nakikita kung nagpupumiglas sila sa mahigpit na hawak ng mga lalaki sa kanila.
"Ipapakilala ko muna sayo itong lalaking makakalaban mo, Ito si Dark Dragon" Muling natuon ang paningin ko sa lalaking kaharap ko.
Nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko "Itatak mo sa kukuti mo para to sa ina't kapatid mo sa labang ito isip ang gagamitin mo at hindi puso"Mahinang bulong nya at muling umayos ng tayo.
Muli nya akong tinapik sa balikat " Good luck my little half sister"Kumindat pa sya at bumalik sa pwesto nya kaming at prenting umupo.
Muling nagtama ang paningin ni dark dragon hindi ko alam pero parang malapit sya sakin,hindi ko meaning ang buong mukha nya tanging mata lang ang makikita mo sa kanya nakasuot sya ng bonnet kaya hindi ko makita ang itsura nya.
Natauhan ako ng magsalita si Kendra "I want to remind you again if you are win you will be free but if your lose this game you know what I mean" Pagkatapos ay tumalikod na sya agad namang sumunod ang mga tauhan nya.
Kaming dalawa nalang ni dark dragon ang naiwan sa gitna ng muling magtama ang paningin namin ay nakita kong makahulugang kumindat sya, Nagulat ako ng iwina-wasiwas nya ang espada sa ere na para bang ano mang oras ay aatakihin ako.
Napatingin ako sa dereksyon nina mama't Fiona tapos ay kay papa umaasa na sana patitigilin nya ito ngunit seryosong nakatingin lang sya,napahiyaw ako ng matamaan ako ng espada ng patingin ako kay dark dragon naaninag kung ngumisi sya.
Muli nya sana akong susugurin ngunit agad akong nakaiwas huminga muna ako ng malalim nagiisip kung paano makakalaban sa kanya wala akong kahit anong hawak, akmang susugurin nya ako ngunit mabilis ko syang nasipa sa masilan nyang bahagi kong kaya't napaupo sya muli ko syang sinipa at ngayon ay nabitawan nya ang espada agad ko itong dinampot.
Mahigpit kong hinawakan ang kong hinawakan ang espada kahit nanginginig ang mga kamay ko ng akma konang sasakakin sya ay nagulat ako ng kunin nya ang suot nyang bonnet.
Nabitawan ko ang espada dahil sa gulat, bakit sya?
Tumulo ang mga luha kong napatingin sa kanya "Kuya" Nanginginig na sambit ko.
Ngunit nagulat ako ng mabilis nyang dinampot ang espada at itinutok sa leeg ko "Kuya ba-bakit moto ginagawa? " Nauutal na tanong ko.
Isang malakas natawa ang pinakawalan nya "Masyado kang uto-uto Trine pero dahil tinanong mo ako sasagutin kita kaya makinig ka, Hindi kita kapatid at hindi kita magiging kapatid" Nanglaki ang mata ko sa huling sinabi nya.
" Hin--Hindi moko kapatid? " Nauutal na tanong ko.
"Hindi mo alam? Pwes ipapaalam ko sayo, oo Hindi tayo magkapatid noon gipit ako sa pera dahil na ospital ang kapatid ko dahil sa inatake sa sakit sa puso kaya kailangan mapalitan sya ng bagong puso pero kailangan ng malaking pera. Naglalakad ako na parang baliw sa kalsada malapit na akong masagasaan ng sasakyan ni maa'm Kendra tinanong nya ako kung ano ang problema ko, kaya kweninto ko sa kanya ang lahat nagulat ako ng inalok nya ako ng trabaho babayaran nya ako ng malaki ngunit ang trabahong inalok nya ay upang patayin ka" Tumigil muna sya sa pagkwekwento at huminga bago nag patuloy
"Kaya nagpapangap akong kapatid mo hindi alam ng mama't papa mo na inutusan ako ni Maa'm Kendra inampon nila ako ng makita nila akong nasa labas ng bahay nyo ngunit hindi nila alam planado ang lahat, tinuring nila akong parang today na anak pero hindi nila alam nag-aalaga sila ng ahas ilang beses konang tinangka ang buhay mo pero masyadong bwenas ka kaya pinaliban nalang ni lady sparrow ang buhay mo pinadala nya ako sa France at pinahawakan sakin ang negosyo nya pero nagulat ako ng pinauwi nya ako dito at mukhang ito na ang tamang oras para ma wala kana sa mundo" Malakas nya akong sinipa at napaupo ako sa lupa.
Muli nyang itinutok saakin ang espada maya-maya lang naramdaman kong may mainit na likido ang tumulo sa leeg ko, Inangat nya ang espada at iwinasiwas sa ere napapikit ako ng handa na nya akong sasaksakin ngunit ilang minuto na ang lumipas walang may tumama saakin dahan kong minulat ang mga mata ngunit kusang tumulo ang mga luha ko ng tumambad ang duguang katawan ng lalaking akala ko napakasama.
"Papa" Unang lumabas sa bibig ko.
PS:Medyo magulo ang kwento pasensya na bagohan lang😊Epilogue is nexttttttt....
Thanks For Reading and Don't Forget to Vote and Leave Some Comment....
Labyaaaa allll Ka-Sided😘😘😘😘
