Chapter 25

0 1 0
                                    

Nagising ako dahil sa mahinang katok nakatulog pala ako sa sobrang pag-iisip. Tumayo ako at bunuksan ang pinto ng muling may kumatok, pagbukas ko nagulat ako ng tumambad si Fiona may dala syang pagkain ng magtama ang paningin namin ay yumuko sya.

"Maari ba akong pumasok? " Nakayukong tanong nya.

"Pumasok ka" Binuksan ko ng malaki ang pinto upang makapasok sya.

Pagkatapos kung isara ang pinto ay sumunod ako sa kanya, umupo ako sa kama habang pinapanood syang inilagay ang mga pagkain sa mesa.Nang mailagay na nya ang pagkain ay umupo sya sa tabi ko, tiningnan nya ang mukha ko at ang mga sugat ko medyo magaling na pala ang mga ito.

Ilang segundo ang katahimikan ay nagsalita sya "A-Alam kung narinig mo ang lahat" Muli syang yumuko at pinagsiklop ang mga kamay.

Nakikinig lang ako sa mga sasabihin nya "Patawarin mo ako, Hindi ko intensyon na masakatan ka" Ngayon ay tiningnan na nya ako ng deretso, medyo namumugto ang mga mata nya.

Nakita kung tumulo ang mga luha nya kaya pinunasan ko ito "Wala kayong kasalanan ni Vincent at mas lalong wala kang kasalanan, kaya wag ka ng humingi sakin ng tawad ako nga dapat ang humingi ng tawad sa inyo ni Vincent dahil nakikisali ako sa love story nyo" Napangiti ako sa huli kong sinabi nakita kung napangiti rin sya.

Ngunit muling naghari ang katahimikan sa pagitan namin kaya muling akong nagsalita "Dapat nga simula palang nong una dapat pinigilan ko na ang nararamdaman ko sa kanya, pero wag kang mag-alala magpaparaya ako para sa kaligayahan nyo"Muli akong ngumiti sa kanya ngiti na hindi napipilitan lang kundi ngiti ng katotohanan.

Hinawakan nya ang kamay ko at hinaplos ito ng marahan "Alam kung hindi ganon kadali pero wag kang mag-alala ako ang magpaparaya" Nginitian nya ako na parang nakapag desisyon na sya.

"Hindi mo naman kailangang gawin yun madami kanang naitulong saakin" Muli nyang hinaplos ang mga kamay ko.

"Maybe I'm him but his not mine because his yours and I accept it"Pagkatapos ay niyakap ko sya niyakap nya rin ako naramdaman kung umiiyak sya kaya kumalas ako at pinahid ang mga luha nya.

" Fiona bakit ang bait mo sakin? "Nakita kong nagulat sya sa tanong ko.

Huminga sya ng malalim "Trine may gusto sana akong ipagtapat sayo sana wag kang magalit"Muli syang huminga ngunit mas malalim.

Magsasalita na sana sya ngunit biglang bumukas ang pinto "Kadramahan alert, ang sweet nyo namang tingnan nakakatouch"Nakasunod lang ang paningin ko sa kanya habang palakad-lakad sya harapan namin.

Nabaling ang tingin ko kay Fiona ng magsalita sya " Ano ang kailangan mo Karen? "Seryosong tanong nya.

Sarkastikong tumawa si Karen ngunit agad ding tumigil " Ang tapang mo naman, nandito lang naman ako para sabihing kailangan nyo ng magpaalam sa isa't-isa"Muli syang tumawa.

"Anong ibig mong sabihin?"Naguguluhang tanong ko.

" Ay innocent, So Fiona alam na ba ng babaeng yan na little sister mo sya"Tiningnan nya si Fiona ngunit nakayuko ito.

Tiningnan ko din si Fiona, Tama nga ang narinig ko kapatid nya ako pero bakit hindi ko alam?

"Tama nga ang narinig ko kapatid kita, pero paano nangyari bakit diko alam" Pinilit kong wag tumulo ang mga luha ko ngunit kusa itong tumulo.

Iniangat ni Fiona ang paningin nya at nakita kung tumulo ang mga luha nya "Trine yun ang gusto kung sabihin sayo kaya sana pakinggan moko"pinahid nya ang kanyang mga luha at huminga ng malalim bago itinuloy ang sasabihin.

" Oo kapatid kita, paano? Sanggol kapa noon habang limang taong gulang ako dinala ako rito ni papa sabi nya dito na raw ako titira tinanong ko sya kung dito rin ba kayo titira sabi nya Oo, pero lumipas ang isang linggo wala parin kayo ng tinanong ko sya ulit hindi nya ako sinagot nagulat ako ng dalhin nya ako sa isang kwarto at nilock ito umiyak ako ng umiyak habang pilit na nagmamakaawa kay papa na buksan ang pinto pero wala, takot na takot ako sa loob ng madilim na kwarto iyak lang ako ng iyak hanggang isang umaga bumukas ang pinto sobrang Saya ko dahil makakalabas naako akala ko uuwi na kami pero-----"Tumigil muna sya sa pagkwekwento dahil lalong lumakas ang iyak nya.

Napa iyak narin ako habang nakikinig sa kanya, Muli na sana syang magsasalita ngunit umeksena si Karen "Oww, Naiiyak ako ang sad naman ng kwento mo pero our time is running stop this drama, hinihintay na kayo ni Lady sparrow" pagkatapos nyang sabihin yun ay tumalikod na sya.

Nagulat ako ng hinatak kami ng mga lalaki nagpupumiglas ako ngunit masyado silang malakas ng tingnan ko si Fiona tahimik lang ito.

Thanks for Reading and Don't Forget to Vote and Leave Some Comment...


Labyaaaaa alll  Ka-Sided😘😘😘😘







I'm Him Where stories live. Discover now