Nagising ako sa mahinang tapik sa balikat ko at bumungad ang nag-aalalang mukha ni fiona ngumiti sya sakin nginitian korin sya pabalik.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Pinupunasan nya ng maliit na bimpo ang noo ko.
Ngumiti ako ng bahagya sa kanya"Medyo masakit parin ang buong mukha ko"Nilapag nya ang bimpo sa palanggana at tumayo.
Lumapit sya sa maliit na mesa na katabi ng kama ko at inilapag doon ang Palanggana , binuhat naman nya ang food tray at umupo ulit sa tabi ko nilapag nya ang food tray.
"Kumain kamuna at ng makainom ka ng gamot para kahit papa-ano mawala yang sakit" Tinulungan nya akong umupo ng maayos.
Akmang susubuan nya ako nang magsalita ako "Ako na kaya ko naman" Nginitian ko sya at ibinigay nya sakin ang kutsara ngunit sya ang humawak ng pinggan.
Tahimik lang akong kumakain at maingat dahil masyadong masakit kapag ngumuya.
Binasag ko ang katahimikan"Anong oras naba?"Maya'y tanong ko.
Tininganan nya ang kanyang relo"Mag-aalas 8:00 na ng gabi"Muli syang tumingin sakin.
"Ganon ba, ang haba pala ng tulog ko.Sino nga pala ang nagdala sakin rito?"Muli kong tanong.
" Pagkatapos mong mawalan ng malay binuhat ka ng mga tauhan ng ama mo"Inilapag kuna ang kutsara sa pinggan na hawak nya.
Nginitian ko sya nang matamis"Salamat nga pala sa pag-aalaga sakin"Nginitian nya ako.
Tumayo sya at binuhat na ang foodtray at inilagay ito sa mesa"Its my job"Muli syang tumingin sakin at ngumiti.
Nanatili lang syang nakatayo sa tabi nang mesa at malungkot na tumingin sakin"Kailangan mong maging malakas marami kapang pagdada-anan kaya sana maging malakas ka"Malungkot na ngumiti sya.
Naguguluhang napatigtig ako sa kanya, habang diretso naman syang nakatingin sakin.
Maya-maya lang muli syang nagsalita"Maghanda ka bukas dahil may bago kang ensayo, paghawak ng palaso ang sunod na ensayo mo kaya dapat maaga kang gumising bukas dahil pag hindi paparusahan ka ng ama mo" Mahabang lintaya nya.
"Ngunit hindi paako magaling" Malungkot na turan ko.
Huminga sya ng malalim"Kung ano ang gusto ng ama mo dapat masusunod"Nakikita ko ang awa sa mata nya.
Malalim akong huminga"Saan gaganapin ang ensayo? At sinong magtuturo sakin?"Seryosong tanong ko, dapat ngang maging mahanda ako.
Tiningnan nya ako ng seryoso "Sa likod ng hideout nato ginaganap ang ensayo sa paggamit nang palaso at si Vincent ang magtuturo sayo" Parang tumalon ang puso ko nang marinig na si Vincent ang magtuturo sakin.
May kakaiba akong naramdaman sa narinig ko siguro dahil hindi ako sanay sa Vincent nayun, masyado kasi syang tahimik at palaging seryoso ang mukha nito madalang molang syang maririnig na magsalita.
Nabalik lang ako sa ulirat ng bumukas ang pinto at nakatayo naroon si Fiona bitbit ang foodtray at palanganang ginamit nya sakin.
Nakangiti syang tumingin sakin"Matulog kana maaga kapa bukas"Muli pa syang ngumiti bago tuluyang lumabas.
Masyado ng madilim dito sa loob ng kwarto ko ngunit hindi paako makatulog, hindi ako mapalagay pumapasok sa isip ko na si Vincent ang magtuturo sakin bukas.Dapat baakong magdiwang dahil kahit papaano hindi ako kinakabahan bukas sa ensyo kundi kinakabahan akong makakasama ko si Vincent.
Maybe Im Starting Fall For Him.....
Thanks For Reading and Don't Forget to Votes and Leave Some Comments👇
Wabyouuuall KaSided......
![](https://img.wattpad.com/cover/233935585-288-k69520.jpg)