May mga pangyayari talaga saating buhay na mapatulala ka dahil sa gulat at saya nakaka gulat at parang hindi mo alam kung ano ang magiging reaksyon mo.
Napatitig lang ako sa kanya dahil hindi parin ako makapaniwala na makikita ko sya sa tagal ng panahon na hindi kami nagkita, natauhan lang ako ng tawagin ako ni mama hindi ko namalayan na nakapasok na pala sila at nakatulala parin ako sa labas ng pinto.
"Trine ano pang ginagawa mo dyan pasok na" Turan ni mama.
Pumasok na ako at lumapit sa kanila yayakapin kona si papa ngunit naiwan sa ere ang mga kamay ko ng umiwas sya nabigla ako at nilagay ang dalawang kamay sa likod at napayuko, tumaas lang ulit ang paningin ko nang magsalita si papa.
"Ikinagagalak kong makita ka hija pwede monang tanggalin yang mask mo at ang hood sa ulo mo" Sunod-sunod na saad nya.
Nagtataka man ako sa inasal ni papa pero pinatili kung kalmado at hindi maiyak sa harapan nila at tinanggal ang mask at hood sa ulo ko sa totoo lang kanina pa ako hindi makahinga dahil sa outfit ko ...kayo din ba???..
Nang matanggal ko na ang dapat tanggalin nakita kung nakatingin lahat ng mga tao dito sa loob saakin parang sinasabi ng mga mata nila na ang ganda-ganda ko.
Pero joke lang yun....
Ngayon kolang nakita na marami palang mga tao dito sa loob mga pareho din sa suot ng mga lalaking unang bumati saamin ang dami namang caretaker ang bahay nato siguro maraming kayaman rito.Ano sa tingin nyo??
"Boss baka pwede mong ipakilala sa aming iyang magandang dilag" Ngiting sabi ng isang lalaki.
Actually gwapo sya mestizo rin may mga mahahabang pilik mata at matipunong panga-ngatawan ngunit parang chickboy. Napatingin ako sa kaliwang lalaki nang magsalita ito mukhang anghel ang mukha.
"Oo nga boss" Sang-ayon nya sa sinabi ng kasama nya.
"Kanina ko parin syang gustong makilala " Sabat naman ng lalaking kasama namin kanina na umakyat rito.
"Ay Oo nga pala si Trine ang napakaganda kung anak" Sabi ni papa.
Napangiti ako sa sinabi ni papa at bumalik ang saya naaking naramdaman.Pagkatapos akong ipakilala ni papa, nginitian ko sila pero parang nagulat silang lahat sa sinabi ni papa, panandalian lamang ang katahimikan ng may nagsalita mula saaming likuran kaya napalingon ako sa paglingon ko isang babaeng nakasuot ng miniskirt, pinarisan ng croptap at blackjacket bumagay sa kanya dahil maganda ang katawan nya para syang black angel dahil sa itim nyang lipstick bagay sa manipis nyang labi bumabagay din dahil sa mala porselana nyang kutis pero para syang badgirl.
"Well, Well, Well" Malaficient ang intro.
"Mr.Mariño parang huli na yata ang pagdating namin at napakilala muna itong prinsesa mo" Sarkastik na sabi nya.
Parang ang sama yata ng tama nitong bruha nato sakin kung makatingin parang (GGSS) siya.Napatingin ako sa gawi ni mama at papa na walang emosyon ang mga mukha habang nakatingin kay bruhilda, hindi ko alam kong nagulat ba sila dahil sa pagkabigla dahil biglang sumulpot itong kampon nang kadiliman o natatae lang sila.
Nang wala paring umimik ako na ang umeksena ."Excuse me bakit sino ka para hintayin bago ako ipakilala? VIP ka cysstt?" Mas Sarkastik na tanong ko sa kanya.
"At sinong kayo ikaw lang mag-isa , Anong kayy---".
Naputol ang iba kopang sasabihin nang mapako ang patingin ko sa pinto nang pumasok ang isang lalaki at babae mukhang dyosa ang babae mas maganda pa siya kay bruhilda at ang lalaki ay mukhang si Taehyung ang gwapo nya perfect talaga, nakabawi lang ako ng pagkabigla ng magsalita si papa
" Oh siya dahil andito naman kayo ipakilala ko itong anak ko si Trine " Sabi ni papa nang tuluyan ng makapasok ang talong pabida.
Walang mga emosyon ang mga mukha nila hindi ko alam kong nagulat ba sila o iwan pagkatapos ng ilang segundong katahimikan umiksena nanaman si bruhilda ,umupo siya sa bakanteng silya sa katabi ni mama.
"Ito pala si Trine, Malaki na pwede na paaa---"
Naputol ang iba pa nyang sasabihin ni bruhilda ng sumigaw si mama nagulat kaming lahat sa inasal nya.
"SHUT- UP KAREN" Sigaw ni mama.
"Bakit Lilak anong mali sa sinabi ko?" Kalamadong tanong nya.Nagpalitan ng tingin ang mga tao rito habang ako hindi parin makabawi sa pagkagulat sa inasal ni mama.
"Lilak , Karen tama nayan , nasa harapan tayo ng bata" Mahinahong sabi ni papa
"Fine yan kasing asawa mo parang ang tapang utus-utusan lang naman " may diin sa huling sinabi.
Hindi ko matanto kung magka-away ba sila ni mama dahil sa nakikita ko ngayong eksena.Baka kabit ni papa itong karen nato.
"Karen ano ba stop " Mahinahon na sabi ni papa.
Natahimik naman si bruhilda ngunit masama parin ang tingin nya kay mama at si mama masama rin ang tingin sa kanya.
"So Mr.Mariño ipinakilala mona itong anak mo dahil isasama mo na saatin" Nabaling ang atensyon ko ng magsalita ang lalaking kasama ni bruhilda.
Naguguluhan ako sa mga pinangsasabi nila ,May hindi ba ako nalalaman??
Thanks for Reading🤗
Don't forget To Vote Mga Babyyy🙏🙏🙏
