Chapter 13

3 2 0
                                    

Nakasunod lang ako sa kanila at maya-maya pa pumasok na kami sa isa pang kwarto, malaki at malawak ang loob ng kwartong ito at unang namataan ko ay ang isang boxing area .

Naglakad si papa patungo sa isang upuan at umupo, nasa boxing area sya nakaharap kaya nakatalikod sya samin.

Tumayo sya at tumingin sakin ng seryoso"Boxing ang unang ensayo mo si Arthur ang magtuturo sayo"Itinuro nya ang lalaking makisig na katabi ko.

Naglakad si papa palapit sakin"Wag kang mag-alala madali lang yan, Goodluck"Pagkatapos ay tinapik nya ang balikat ko.

Tinanguan nya ang lalaking nangangalang Arthur at bumalik ulit sa pinangalingan nya at sumunod si Fiona,Karen, Vincent at si mama na nginitian ako.

Nabaling ang atensyon ko nang magsalita ang lalaking katabi ko"Umakyat na tayo"Naglakad na sya at umakyat sa Boxing Ring.

Malalim ang boses nya at nakakatakot kung tumingin dahil sa malalim nitong mga mata at parang naka drugs kong kumilos.

Nag-aalangang sumunod ako at bago paako umakyat tumingin pamuna ako sa kinaroro-unan nila papa't mama ngunit diretso ang mga tingin nila.Umakyat naako at magkaharap na kami ng Arthur, ngingisi-ngisi pa sya habang sinusuot ang boxing gloves iniwas konalang ang paningin sa kanya at sinuot rin ang boxing gloves na nasa tabi ko.

Nabalik ulit ang paningin ko sa kanya ng magsalita sya"Isa itong seryosong ensayo kaya dapat maging alisto ka"Naging seryoso na ang mukha nya.

Maya-maya lang tumunog ang bell na bilang hudyat na magsisimula na ang laban, Nakatitig lang ako sa kanya habang sya'y handa nang sumugod kunti lang alam ko sa boxing ang umilag pero hindi ako sigurado kung kaya kung labanan ang lalaking ito.

Isang malakas na suntok ang tumama sa kaliwang pisngi ko, hindi ko namalayan na nakalapit na pala sya sakin dahil sa sobrang pag-iisip ko.Parang lumipad yata lahat ng espiritu ko buti nalang nabalanse ko ang katawan para hindi matumba pero maya-maya lang isang malakas ulit na suntok ang tumama sa kanang pisngi ko at parang umikot ang buong paligid ko at nawalan ako ng malay.

Thanks For Reading and Don't Forget to votes and Leave some Comments👇

WabyouAll Mga KaSided-----

I'm Him Where stories live. Discover now