Chapter 11

3 3 0
                                    

Nandito ako sa isang madilim na kwarto, Nakutalalang nakatingin sa kisame pagkatapos ng panyayaring yun dinala ako nila papa rito at kinulong may mga bantay sa labas nang pintu-an.Dalawang gabi naakong nandito at umiiyak hindi parin ako makapaniwalang kayang gawin ni papa sakin to parang nanaginip parin ako.

Pinunasan ko ang mga luha nang may kumatok sa pintu-an, Bumukas ang pinto at si mama ang pumasok may dala syang foodtray.

"Trine anak kumain kan" Inilagay nya ang dala nyang foodtray sa mesang katabi nang kama ko.

Ibinalik ko ang paningin sa kisame, Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko.

"Anak hindi magandang wag kang kumain, Alam kong masama ang loob mo saamin nang papa mo pero----" Tiningnan ko sya at nakikita kong namumugto ang mga mata nya.

Pinutol ko ang mga sasabihin nya"Ma, gusto konang umuwi"Tumulo na naman ang mga luha ko.

Huminga sya nang malalim at hinawakan ang kamay ko"Anak patawad pero hindi ko magagawa, magagalit ang papa mo pag-ginawa ko yun" May ilang libong karayom ang tumusok sa dibdib ko dahil sa sagot ni mama.

Pinahid ko ang mga luha at huminga nang malalim"Ok lang Ma, sige na iwan mona ako"Nginitian ko sya upang wag na syang mag-alala.

Maya'y tumayo na sya"Sige Iiwan kolang ang pagkain rito, kailangan mo nang lakas"Iniwas ko ang paningin sa kanya.

Ilang saglit lang sumirado na ang pinto nilibot konalang ang paningin ko sa loob nang madilim na kwarto.

Naalimpungatan ako nang may sumampal sa pisngi,  ko nakatulog pala ako agad akong bumangon at tumambad ang nanlilisik na mata ni Karen sa tabi nya si Fiona at Vincent.

"Ay nagulat ka sarap na sarap ka kasi sa pagtutulog,  handa kana sa ensayo mo?" Hindi maitago ang sarkastiko sa boses nya.

"Karen tama na yan" Mahinahon na sabi ni fiona.

"Bakit? Masama bang magtanong?" Mas pinandilatan nya ako.

"Tara na magagalit si boss" Pagkatapos sabihin ay naunang lumabas si Vincent.

Naguguluhang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila.

"Bakit saan tayo pupunta?" Hindi kona mapigilang magtanong.

Sarkastikong Tumawa si karen"Bakit Hindi mo alam?"Inikot-ikot pa nya sa ere ang daliri nya.

Pinakunotan ko sya nang noo"Alam koba?"Hindi kona mapigilang Tarayan sya.

Sasampalin nya sana ako ngunit pumagitna si Fiona"Karen pinasundo sya satin dito at walang sinabing saktan mo sya"Mahinahon parin ang boses nya.

Matiim na Tiningnan nya si Fiona"Hindi ko kailangan nang utos para saktan sya, kaya wag kang mangialam"Nabaling lang atensyon nya nang pumasok ulit si Vincent.

"Kanina pa naghihintay si boss"

Lumabas na ulit si Vincent at bago Sumunod si Karen tiningnan nya muna ako at si Fiona.

Tumayo naako bahagya paakong nahilo dala siguro nang gutom at pagod maagap naman akong inalalayan ni fiona.

"Ayos kalang?" Naga-alalang Tanong nya.

Nginitian ko sya"Oo ayos lang ako"Binitiwan na nya ako at nginitian.

Nauna na syang maglakad at agad akong sumunod sa kanya, Tahimik lang kaming naglalakad pero ilang saglit lang tumigil kami sa isa pang kwarto, pumasok na Vincent at sumunod si karen sumunod lang kami sa kanila may mga bantay din sa labas nang pinto at matalim nakatitig sakin ngunit di konalang pinansin.

Nang nasa loob na kami hindi ako makapaniwala sa makikita ko parang lalong nadagdagan ang pagkahilo ko.

Hindi ako makapaniwala na ganito sila kasama....


  Thanks For Reading And Don't Forget to Vote and leave some Comment....

     I love you alll mga Kasidedddddd😘😘😘😘😘😘

I'm Him Where stories live. Discover now