Imbis na sa dummy dapat tumama ang palaso tumama ito sa isang malaking puno pero para akong timang na ngumingiti pa , Hibang na siguro ako dahil kinikilig ako sa ganong tagpo lang.Bumalik ako sa wesyo ng kunin nya sakin ang pana pero nanatili lang ang paningin ko sa gitna natatakot akong lumingon sa kanya baka mahimatay ako bigla sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.
Napatigil ako sa imahinasyon ko ng magsalita sya "Ito na ang pana mo" Seryoso ang boses nya.
Nanginginig ang mga kamay ko ng kunin ko sa kanya ang pana, nakikita ko sa gilid ng mga mata kong mapanuksong ngumiti sya siguro dahil para akong adik.
Ngunit maya-maya lang nagitla ako ng maramdaman ko ang hininga nya sa ilalim ng tainga ko, para akong naestatwa sa ginawa nya, hinawakan nya ang dalawa kong kamay at iginigiya ito sa tamang paghawak ng pana ngunit iba ang dating sakin dahil ang posisyon namin parang yakap nya ako mula sa likod, napahakbang ako ng maramdaman kong dumikit ang katawan nya sakin at hindi ko mangalanan ang kuryenting lumukob sa katawan ko lalo paakong napahakbang ng mas idinikit nya ang katawan nya sakin, para akong nalulunod dahil sa bango nya.
"Look down" Napapitlag ako ng maramdaman ko ang mainit na hininga nya.
Ngunit nanlaki ang mga mata ko ng napagtanto kong lumampas na pala ako sa linya.
Patayyyyyyy....
"Focus Trine" Nakita kong mas naging malapad ang ngiti nya.
Maya lang Naramdaman kong lumipad ang pana at tumama ito mismo sa puso ng dummy.
Naramdaman kong parang wala na sya sa likod ko, lumingon ako sa kinaroroonan nila papa ngunit seryoso ang mga mukha nila.Binalik ko ang paningin sa gitna ngunit lumaki ang mga mata ko nang may palasong lumilipad papunta sa dereksyon ko hindi naako nakailag dahil sa gulat at maya-maya lang naramdaman ko na ang mainit na likido na tumutulo sa kanang balikat ko at ilang segundo lang napaluhod ako sa lupa ng may maramdaman akong kirot sa kanang benti ko mabuti nalang at daplis lang ang natamo ko, parang gusto kong lumuha dahil sa samot saring sakit na nararamdaman ko.
Ilang minuto naakong nakaluhod dito sa damuhang lupa, pero wala parin kahit isang tumulong.
Ilang saglit lang isang kamay ang tumambad saaking harapan ng tingalain ko si Vincent, Akmang hahawakan kona ang kamay nya ngunit nagulat ako ng tutukan nya ako ng palaso "Madali kang Malinlang ng kalaban, Lagi mong iisipin na walang kaaway ang tutulong sa kanyang kaaway, Be Matured Enough Trine Mariño Enemy is Always an Enemy" Pagkatapos nyang sabihin yun ay tumalikod na sya at parang sibat na tumusok sa puso ko ang mga sinabi nya.
Ngunit tumigil sya sa paglalakad at lumingon ulit saakin "BRAIN" Nagpatuloy ulit sya sa paglalakad.
Maybe Im Not Strong Enough...Im Idiot
Thanks for Reading🙏 Don't Forget to vote And Leave Some Comment....
Labyaaa Mga Ka-Sided😘😘😘😘
