Chapter 26

0 1 0
                                    

Dinala nila kami sa likod ng hideout kung saan ako nag-ensayo sa paggamit ng palaso,napasubsob kami ng malakas nila kaming itinulak. Agad na nakatayo si Fiona at tinulungan nya akong tumayo ng tingnan ko ang buong paligid laking gulat ko ng makita ang buong paligid ang daming armadong lalaki ang  naka paligid saamin.

Ngunit mas nagulat ako ng makita ang babae na duguan dalawang dipa ang layo saamin. Si Mama hawak-hawak ng dalawang lalaki sa magkabilang braso, habang nakita ko si papa na nakatayo isang hakbang ang layo kay Mama walang emosyon ang mukha at sa tabi nya ay prenting nakaupo ang demoyitang karen na nakangisi habang may hawak-hawak na baso na hindi ko alam kung ano ang laman.

Pilit ko namang hinahagilap si Vincent ngunit hindi ko sya makita muling nabaling ang tingin ko kay Mama ng sumigaw sya nakita kong pilit syang kumawala sa hawak-hawak ng mga lalaki ngunit sinuntok sya ng isang sa tyan akmang tatakbo naako papunta sa kanya ngunit napatigil ako ng may baril nakatutuk sa noo ko.

Nang matingnan kong mabuti ang taong tumututok saakin ng baril napagtanto ko na isang babae, kasing edad nya si Mama ngunit halatang mayaman sya dahil sa suot nyang damit ng isang Doña dagdag mopa ang suot nyang hikaw at kwentas na purong gold ngunit nakakaagaw pansin ang isang ibon sa kanang balikat nya.

Nabalik ako sa atensyon ng magsalita sya "Hmm, So your the youngest daughter of Lilak, Shkk" Iling-iling na sabi nya.

Nakahinga ako ng maluwag ng kinuha nya ang pagkatutok ng baril sa noo ko "Well it's nice to meet you but your not nice to meet me" Inikot-ikot nya ang baril sa kamay nya.

Binalingan nya ng tingin si Fiona nakayuko "Well it's nice also to meet you again My dear Fiona" Yumuko sya ng bahagya at inangat ang mukha ni Fiona gamit ang dulo ng baril.

Nahagip ng paningin ko ang mga kamay ni Fiona nakakuyom ang mga ito, matalim din ang titig nya sa babae mukhang galit sya rito.

Naguguluhang nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Fiona at sa babae sa harapan namin makahulugang nakangiti sya kay Fiona.

Ibinaling ng babae ang tingin sa direksyon nina Mama "Ilapit nyo dito ang pinakamabuting Ina sa balat ng lupa"Utos nya sa dalawang lalaki agad naman syang sinunod ng mga ito.

Nang makalapit na sila ay malakas na itinulak nila si Mama mabuti nalang at agad namin syang nasalo ni Fiona. Naramdaman kung hinang-hina na sya dulot siguro ng pagkakasakit sa kanya isang ihip na lang ng hangin ay matutumba na sya dahil sa hinang-hina nyang katawan.

Pinilit kong wag tumulo ang mga luha ko matalim na tingin ang pinukol ko sa babaeng na sa aming harapan   "Sino kaba? Bakit ginagawa moto saamin? " Matapang na tanong ko.

Muli nyang pinaikot ang baril at humalakhak ngunit tumigil din agad at matalim na tumitig saakin "Do you want to know who I am? And Why I'm doing this? " Pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Muli nyang pinaikot ang baril"First I want to Introduce myself to you my dear, I am Kendra Mariño, Mother of Karen Mariño and I'm the legal wife of Deo Mariño"Nagulat ako saaking huling narinig mula sa kanya.

Legal Wife?...

Napapikit na lang  ako parang sasabog ang ulo ko sa mga naririnig ko parang ayaw lahat ma process sa utak ko.

Napamulat ako ng muli syang magsalita "Naguguluhan ka? Pwes hayaan mong kwentohan kita" Tumukhim muna sya bago nagpatuloy "Para malaman mo isang kabit ang napakabuti mong ina at kung hindi lang sya nagmakaawa sana ngayon hindi kayo isang Mariño isa sana kayong mga bastarda, pero pumayag ako sa isang kondisyon magiging sunod-sunuran ang ina nyo samin at kapag nasa tamang edad na kayo magiging katulad din kayo sa kanya kaso lang nauna si Fiona kahit bata pa sya dahil nagka problema naging mainit na kami noon sa kapulisan at hindi na kami makapuslit ng droga sa ibang bansa kung kaya't kailangan namin ang tulong ng ate mo"Matamis pa syang ngumiti na parang nasasayahan.

Nag-init ang ulo ko sa mga narinig ko mula sa kanya magsasalita na sana ako ngunit naramdaman kong hinawakan ako ni mama, Napalingon ako sa kanya nag malungkot ang mukha ng binalingan ko si Fiona matalim na naka tingin ito sa Kendra.

Muli kong ibinalik ang tingin sa Kendra " Napakasama nyo hindi kayo naawa bata palang ginamit nyo na sa kasamaan,wala na kaming utak sayo hayaan mona kaming mamuhay ng tahimik"Ngunit tumawa lang ulit sya.

"Hindi pa kayo bayad may mahalaga paakong sisingilin lalo na sayo" Muli nya akong tinutukan ng baril.

"Kendra walang kasalanan ang mga anak ko sayo lalo na si Trine Kaya pakiusap wag mo silang idamay ako na lang" Pahina ng pahina ang boses ni mama at pumiyok narin ang boses nya dala ng pag-iyak nya.

"Wala? Malaki ang kasalanan nyong mag-ina sa pamilya ko lalo ng Trine nato"Galit na sambit nya at mas lalong idiniin ang baril saakin.

Tahimik lang akong nakatitig sa kanya " Nang dahil sayo namatay ang anak ko mataas ang lagnat ni Kianna non at inatake pa sya ng hika nya kaming tatlo lang ang nasa bahay natataranta ako kung ano ang gagawin ko umiiyak na si Karen non dahil takot syang mawala ang kapatid nya, ilang beses kong tinawagan si Deo pero sabi nya nasa birthday mo sya narinig kong tinawag mo sya at agad nyang binaba ang cellphone at kasabay ng pagbaba nya ng cellphone ay nawalan ng buhay si Kianna na tinatawag ang ama nya"Naghina ang buo kong katawan sa mga narinig ko.

Kasalanan ko kung bakit namatay si Kianna makasarili ako.

       " Flashback"

"Mama nasaan si papa? Magsisimula napo tayo" Tanong ko kay mama.

Masaya ako nayon dahil kompleto kami sa 6th birthday ko.

"Nasa labas sya anak" Sagot naman ni mama kaya agad akong lumabas upang sunduin si papa.

Nakita kong may kausap si papa sa cellphone "Pa magsisimula napo tayo" agad na I binaba ni papa ang tawag.

Kinurot nya ako sa pisngi"Happy Birthday Princess, Let's go" Hinawakan nya ako sa kamay at sabay kaming naglakad pabalik sa loob.

Pero hindi ko alam na may isang taong naghihintay sa kanya at hinahanap sya.


A/N: Malapit ng matapos Mukhang kailangan nyo ng Tissue pero mukha lang ha😁😁

Thanks For Reading and Don't Forget to Vote and Leave Some Comment.....

Labyaaaa alll Ka-Sided😘😘😘😘😘







I'm Him Where stories live. Discover now