Chapter 17

0 1 0
                                    

Nanlumo ako saaking mga narinig mula kay Vincent tama nga sya Brain I don't have brain.

Nandito parin ako nakaluhod at parang walang silbing nakayuko lang sa damuhan pinipilit na tumayo kahit hinang-hina naako.Napatingin ako sa derksyon nila papa ngunit naglalakad na silang lahat palabas habang umiiling-iling pa.Nagsimulang tumulo ang mga luhang hindi kona mapigilan hindi ko lubis maisip na kaya nila akong iwan sa ganitong sitwasyon.

Pinipilit ko paring tumayo habang pinipilit ring pinapatahan ang sarili, napahiyaw ako ako ng may sumipa mismo sa benti kong tinamaan ng pana, napaangat ako ng tingin ay si karen na mapangutyang nakangiti sakin.

"Stand-up, Stupid princess"Sarkastikong Turan nya akmang sisipian nya ako ngunit humarang si Fiona.

" Stop it karen, kailangan na nyang magpahinga at magamot ang mga sugat nya" Matalim na tiningnan sya ni karen.

"Being a hero again Fion?" Matalim at may diin na turan ni karen.

Nanatiling tahimik si Fiona kung kayat pasiring na inalis ni karen ang paningin nya at muling tumingin sakin.

Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa "Weak" Malakas na tumawa sya at kumembot na naglakad palayo.

Tinulungan akong tumayo ni Fiona at Inalalayan akong maglakad palabas dahan-dahan nya lang akong inaalalayan hanggang sa makarating kami sa kwarto ko, kahit sa pag-upo inaalalayan nya parin ako.

Nang maayos naakong nakaupo ay nagpaalam sya"Magpahinga ka muna kukuha lang ako ng gamot babalik ako agad"Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.

Dala ng sakit ng katawan at sakit ng kalooban hindi ko namalayan at nakatulog ako.

Nagising ako ng may marahang humahaplos sa buhok ko, dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at ang malungkot na mukha ni mama ang tumambad saakin.Blangko lang ang mukha kong nakatingin sa kanya naramdaman kong parang mukhang maayos na ang pakiramdam ko ng tiningnan ko ang mga sugat ko may mga benda.Binalik ko ang paningin kay mama nakita kong pasimple nyang pinahid nya ang kanyang mga luha ng mapatingin ako sa kanya.

Dikona mapigilang tumulo ang mga luha ko kahit anong pilit kong pigilang wag umiyak pero hindi ko kaya, naramdaman kong dumampi ang labi ni mama sa noo ko sunod nyang pinahid ang mga luha ko.

"Patawarin mo si mama anak, , wala manlang akong nagawa" Pinilit nyang ngumiti habang marahang pinapahid ang mga luha.

"Alam kong galit ka samin ng papa mo pero anak para sayo to" Pinahid ko nang kusa ang mga luha ko habang nakatingin parin sa kanya.

"Anak alam kung pagod kana pero may dahilan kong bakit ginagawa namin to ng papa mo" Tuluyan ng Lumabas ang mga luha nya.

"Ma ano ba kasing dahilan yan? Ma kung mahal nyo ako may magagawa kayo, pagod naako gusto konang umuwi ayoko na sa inperyenong lugar nato" Kahit mahina pinipilit ko paring Sabihin lahat yun kay mama.

Pinahid nya ang mga luha "Magpajinga kana , magpagaling ka" Akma na syang tatayo nang hawakan ko ang kamay nya.

"Ma, Ano ba kasing dahilang but nandito ako, tayo?" Tiningnan nya lang ako at tuluyan ng tumayo at tuluyan ng lumabas.

Nakatutula akong napatingin sa kisame.

Bakit anong dahilan? Bakit kailangan kutong maranasan?

Thanks For Reading, Don't Forget To Vote and Leave Some Comments...

Labyaaa Ka-Sided😘😘

I'm Him Where stories live. Discover now