Ito ang huling araw ng pahinga ko ang bilis talaga ng araw, mukhang okay naman ang pakiramdam ko at humihilom na ang mga sugat ko nakakatayo naako pero medyo kumikirot parin ang mga sugat ko kapag gumalaw ako ng gumalaw.
Sa ilang araw na pahinga ko hindi na ako muling dinalaw ni mama, parang wala akong halaga sa kanila.
Si Vincent ang nagdadala sakin ng pagkain at gamot at sya rin ang nagpapalit ng benda sa sugat ko,naiilang nga ako pag magtatama ang paningin namin at kinikiliti ako kapag dumampi ang balat nya sa balat ko parang gusto kong mahimatay.
Sus malandi Selp..
Pero nakokonsensya ako pagna-aalala ko si Fiona para bang inagaw ko ang pag-aari nya pero hindi ko naman alam kung ano ang Status nila.
Kaninang umaga dinalhan nya ulit ako ng pagkain at gamot at pinalitan nya ulit ang benda sa mga sugat ko ngunit ako na ang nag insisted na pumalit dahil ayoko namang maging inutil sa paningin nya.
Nandito parin ako saaking kwarto nililibang ang sarili sa pagaayos ng kwarto ayoko sa magulong kawarto, ngunit maya lang bumukas ang pinto at pumasok ang prince charming ko ay este si Vincent seryoso na naman ang itsura nya medyo nasanay naako dahil mabibilang molang ang ngiti nya.
"Mukhang magaling kana huh" Naglakad sya sa mesa at inilagay ang foodtray.
Umupo ako at nangulumbaba"Mukha nga, Salamat nga pala sa pag-aalaga sakin"Umupo sya sa kama ngunit medyo malayo sakin.
"Inalagaan kit?" Nakangiting tanong nya.
"Oo diba inaalagaan moko dinadalhan moko ng pagkain at gamot tapos pinapalitan mopa ng benda ang mga sugat ko" Iwan ko pero parang ang kapal ko, nayuko aki matapos kong sambitin yun.
Napaangat ako ng tingin ng tumawa sya nga malakas pero parang musika yun sa tainga ko"Alaga nayun sayo,pagmamalasakit lang yun" Tumigil na sya sa pagtawa ako naman ang napayuko parang kinurot ang puso ko sa narinig pero tama naman sya.
"Auh ganoon bayun" Pinipilit kong wag maging malungkot ang boses.
Muli akong napaangat nga tingin nga umusog sya at inakbayan ako para akong kakapusan ng hininga.
Omo this is it..
Tinapik nya ng marahan ang balikat ko"Alam mo para kang inosenti at sobrang bait mo pero may pagka maldita ka imagine ikaw ang unang sumagot kay karen"Tuwa-tawa pa sya habang nag sasalita habang habol konaman ang hininga ko.
"Mabait naman talaga ako kaya lang sobrang maldita ng Karen nayon" Depensa ko sa sarili.
"Bakit takot ba kayo sa kanya?" Kumalas sya sa pagkakaakbay sakin at huminga ng malalim.
"Siguro takot kami sa kanya, Pero mahirap kalabanin si Karen masyado syang mataas na kapag kinalaban mo siguradong ikakabagsak mo" Nanatili lang akong nakatingin sa kanya masyadong malalim ang sinabi nya.
"Sya ang dahilan kung bakit wala dito ngayon si Fiona" Naging seryoso na ang mukha nya.
"Bakit?" Yun lang yata ang kaya kong sabihin.
"Simple lang dahil Kinalaban sya nito" Naging mas seryoso na sya.
"Ano ba ang ginawa ni Fiona?"
Huminga sya ng malalim"Dahil hindi sya sinunod ni Fiona na patayin ka, kaya bilang parusa pinadala nya si Fiona sa isang mission"Nagulat ako sa mga nalalaman ko.Akma na syang tatayo ngunit napatigil sya ng tumayo ako sa harap nya"Gusto akong ipapatay ni Karen?"Naguguluhang tanong ko.
Nagkibit balikat lang sya kung kayat tiningnan ko sya ng masama.
Seryoso syang tumitig sakin"Wala akong karapatang mangialam sa buhay nyo, Malalaman molang yun sa tamang panahon pero sa ngayon kailangan mong maging maingat"Kinabahan ako sa huling sinabi nya ngunit ko pinahalata sa kanya.
"Isang tanong nalang anong mission ni Fiona at bakit kailangan syang parusahan?" Umiling-iling sya.
"Akala koba isang tanong lang, pero sige sasagutin ko ang tanong mo"Huminga muna sya nga malalim habang matiim akong nakatingin sa kanya.
" Ang Mission ni Fiona ay upang patayin si Mr, Ching Kilalang intsik na Druglord sa Palawan at isa sa mga galamay ng ama mo ngunit gusto ng mag bagong buhay pero alam mo naman sa ilalim ng illegal na negosyo pag magtiwalag ka kamatayan ang haharapin mo" Mas lalo akong kinabahan sa mga narinig ko.
Huminga muna sya ng malalim "Si Fiona ang pinarusahan nya at gagawa ng mission dahil paghindi sumunod si Fiona ikaw ang ipapatay ni Karen sa kanya kung kaya't mas pinili ni Fiona ang ganong mission kaysa ikaw ang papatayin nya"Matapos ng mahabang paliwanag ni Vincent ay tumayo na syan at lumabas.
Nanghina ang buo kong katawan kaya napaupo nalang ako sa kama parang nanikip ang dibdib ko sobrang bait ni Fiona kaya nyang isakripisyo ang buhay nya alang-alang sa buhay ko.
Pero Bakit?
Thanks for Reading and Don't Forget to Vote And Leave Some Comments..
Labyaaaa Ka-Sided...
