Ngunit pagkalabas ko nagulat ako ng makitang nakayuko si mama sa harapan ni Karen "Ma, bat ka nakayuko sa harapan ng demonyitang yan" Napaangat ng tingin si mama at nakita kong nagulat sya sa sinabi ko.
Isang malakas na sampal ang tumama sa kanang pisngi ko "Demonyita o mas demonyita ka?" Nakita kong nagliliyab ang galit sa mata nya.
Tiningnan ko rin sya ng masama "Ikaw ang demonyita sino ka para yukuan hindi ka santo isa kang demon--- " Naputol ang ib ko pang sasabihin ng muli nya akong sinamapal.
"Well Demonya naman talaga ako kaya better not to fight with me"Tinaasan pa nya ako ng kilay na parang nagbabanta.
Binalingan nya ng tingin si mama " Lets go lilak" Tumalikod na sya pagkatapos nyang sabihin yun kay mama.
Nagulat ako ng sumunod si mama sa kanya ngunit hinawakan ko ang kamay nya "Ma, Hindi ka aso para sumunod sa demonyang yun" Kinuha ni mama ang kamay nya na hawak ko.
Hinawakan nya ako sa pisngi "Trine may mga bagay na mahirap ipaliwanag, kailangan monang magpahinga" Muli nya akong hinalikan sa noo at umalis.
Naguguluhang sinundan ko sya ng tingin, Anong ibig nyang sabihin?
Naglalakad naako patungo sa kwarto ngunit napatigil ako ng madaanan ko ang kwarto ni Fiona kung kaya't binuksan ko ito ng dahan-dahan ngunit napahinto ako ng makitang may kausap si fiona.
Lampshade lang ang nagsisilbing ilaw sa loob ngunit kilala ko ang lalaking may hawak sa kamay ni fiona kahit nakatalikod sya alam kung si Vincent.Naramdaman kung kumirot ang puso ko at parang gusto kong umiyak sa nakikita ko, hinalikan nya ang noo ni Fiona.
Hindi ko kayang panoorin sila kaya akmang aalis naako ng marining na nagsalita si Fiona "Vincent pakiusap pigilan moyang nararamdaman mo saakin" Mas lalong kumirot ang puso ko.
Nakita kong may tumulo na luha sa mata ni Fiona "Alam mong pinigilan ko pero hindi ganon kadali Fiona alam mong mahal kita" Parang isang matalim na espada na sumugat sa puso ko ang mga salitang lumabas sa bibig ni Vincent.
Kinuha ni fiona ang kamay nyang hawak ni Vincent at pinahid ang mga luha "Naramdaman kong nahuhulog na sayo si Trine, Vincent alam mong ayokong masaktan sya" Sunod-sunod na pinahid ni Fiona ang kanyang mga luha.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko hindi ko alam pero parang lalong bumigat ang nararamdaman ko, Bakit ayaw akong masaktan ni Fiona?
Ang kaninang walang tunog na iyak ni Fiona ngayon humagulhol na sya "Tahan na ayokong nakikita kang umiiyak, kasalanan ko kung bakit lalong nahulog sakin si Trine dahil pinakitaan ko sya ng magagandang motibo kaya please wag kanang umiyak" Niyakap nya si Fiona ng mas lalong umiyak ito.
Ayokong maging kontra bida sa storya nyo kahit masakit mag paparaya ako alam ko namang kasalanan koto eh simula palang alam kung may gusto na sila sa isa't-isa kay okay na magpaparaya naako.
Akmang tatalikod naako ngunit muli akong napatigil ng magsalita si Fiona na kinagulat ko "Mahal na Mahal ko si Trine at ayokong nakikitang nasasaktan ang kapatid ko"Napalingon muli ako sa kanila.
Kapatid ako ni Fiona?
Paano? Bakit?Ilan lamang yan sa gusto kong itanong , Nagulat ako ng may magsalita sa likod ng lingunin ko ang doktor may dala itong mg gamot " Good evening ma'am, Bakit hindi po kayo pumasok?" Ng lingunin ko sina Fiona nakatitig na sila saakin.
Muling nagsalita ang doktor ngunit hindi ko na sya pinakingan pa tumakbo ako ng mabilis ng makarating ako sa pinto ng aking kwarto nakita kong nagulat ang mga lalaking nagbabantay ngunit mabilis akong pumasok sa loob at nilock ito.
Napaupo nalang ako sa pinto at umiyak ng umiyak, naguguluhan ako sa mga narinig ko.
Kapatid ako ni Fiona?
A/N: Owooo Malalaman na natin sa Susunod na Chapter ang mga pasabog....
Thanks For Reading and Don't forget To Votes and Leave Some Comment..
Labyaaa allll Ka-Sided....
