Your FaultPuno ng tao yung court ng school. Dito kasi nila naisipang ganapin yung event. Rinig na rinig yung malakas na music at yung daldalan ng ibang mga studyante
Nakasuot kaming lahat ng apron habang nagbebenta sa mga studyante. Kailangan naming maibenta lahat to dahil kung hindi, malulugi kami. Sayang yung pinuhunan namin. But sa ngayon ay wala pa sa kalahati ang naibebenta namin. Wag naman sana kaming malugi
Sa kabilang banda ng court ay nakita ko yung Aphrodite na inaayos yung mga instruments nila. As usual nasa kanila nanaman ang antensyon ng ibang babae dito. What should I expect? Kung si Allyson nga ay isa rin sa kanila
Ilang minuto lang yung lumipas at pinag break na muna kami ni Mae. Medyo nabawi na rin namin yung puhunan namin pero hindi pa buo at kailangan din naming tumubo
Uminom ako sa bottled water na hawak ko at nakita ko sa gilid ko ang paninitig ni Liezel. Damn! I almost forgot about it. Nilingon ko sya kaya kumaway sya sa akin. Lumapit na rin sya
" Hi Liana" tinaasan ko sya ng isang kilay
" Its Lia"
Ngumiti sya at napa iling " Whatever" aniya " So what happened now? Naibigay mo na ba? "
Umiling ako
" Busy pa kami at mukhang busy rin sila" Itiniro ko sa kanya ang pwesto nila Canyx na kasalukuyang nagaayos ng Mic " Pwede after event? "
Napanguso sya " Baka masira yung cupcake Lia" Nakagat nya yung ibabang labi nya. Haisst ang hirap naman nito. Paano kung itaboy nila ko kasi nag aasikaso pa sila
" Can we wait for their break? " sabi ko "Baka magalit lang sila sakin. Nag aayos pa sila oh"
Napaisip sya at tumango
" Sige na nga. Sabihin mo nalang sa akin kapag naibigay mo na ahh, Babye" Kumaway sya at tumakbo na papunta ulit sa group nila
Photo booth yung sa kanila at mukhang busy sila dahil ang daming nakapila sa labas ng tent nila
Umupo ako sa tabi ni Ash at Ally na kumakain ngayon ng chichirya. Naka bantay pa rin sa cellphone nya si Ally samantalang busy si Ash kumain
Tiningnan ako ni Ally " Anong sabi non? " Tanong nya patukoy kay Liezel
Nagkibit balikat ako " May pinapabigay sya sakin kay Canyx" Sabi ko at kumuha sa chichiryang kinakain nila
" Ano yon?" tanong ni Ash
" Yung cupcake na ginawa nya"
" Bakit sayo nya pinapabigay? " naka kunot noong tanong ni Allyson " Close kayo ni Canyx? Dont tell me you're dating him"
Seriously? Ako pa hah!
Irita ko syang tiningnan "Nakita nya daw kasi tayo sa canteen kasama yung lima. Akala nya ka close natin. Ayaw nya daw sayo kasi baka sungitan mo lans sya" Paliwanag ko
Ngumisi sya sa sinabi ko
" Ikaw na lang Ally. Nahihiya ako sa kanila"
" No way. Pumayag ka dyan, panindigan mo" Sabi nya at tsaka umirap
Nilingon ko yung isang katabi ko at kinalabit
" Ikaw Ash" Nagtataka syang tumingin sakin " Kilala mo naman sila diba? Ikaw nalang magbigay. Please" pakikiusap ko
Nag isip sya pero sumagot din kaagad
" Ayoko nga" The heck " Baka sabihin ng makakakita, sakin galing yan. No fucking way Lia" Haisst may point sya. Baka masira pa yung image nya dahil sa ganito ka simpleng bagay

YOU ARE READING
Seems Like We're Connected (On Going)
RomanceLia Monteverde is just a simple college girl living with a small dormitory.She's Living her life with no hassle, no drama and no sweats. 15 years old ng mamatay ang mama nya na mas lalong nakapag pa lakas ng loob nya na tumayo mag isa. Everything wa...