Ikaapat na Kabanata

491 101 136
                                    

❗Read at your own risk

Hunter

Tahimik naming binabaybay ngayon ang maluwag na kalsada. Mabilis ang ginagawa kong pagmamaneho ng sasakyan dahil wala namang sagal sa daan.

"Hunter, saan ba tayo pupunta? Mas magandang alam ko ang gagawin natin dahil baka bigla mo na lang akong pasubuin ng sandata ng lalaki, " pagrereklamo sa akin ni Trinity.

Nakaupo ito sa tabi ko at walang ibang alam gawin kung hindi pestehin ang aking pagmamaneho. Nahuhuli ko pa minsan na pinagmamasdan niya ang aking mukha at tila balak pa yata akong akitin.

"Ano naman kung pasubuin kita ng sandata ng lalaki? Hindi ba nasisiyahan ka naman talaga ro'n? Kung makasipsip ka pa kanina, akala mo mauubusan ka, " diretsong sambit ko sa kanya.

Bahagya itong lumayo sa akin at itinuon sa bintana ang kanyang paningin. Sa tulong ng liwanag na nanggagaling sa buwan ay nakikita kong nakasimangot ito.

"Ang sakit mo namang magsalita, Hunter. Babae pa rin naman ako at nasasaktan sa tuwing ipinamumukha mo sa akin 'yan. Sa kabila ng mga ginagawa ko ay may dignidad pa rin namang natitira sa akin, " nagdadaramang sambit niya sa akin.

Sa halip na pagtuunan pa siya ng pansin ay muli kong ibinalik ang aking atensyon sa pagmamaneho. Anumang oras ay makakarating na kami sa lugar na kinaroroonan ng susunod naming biktima.

"Hunter, naibigay na pala ang liham sa susunod nating biktima. Madaling araw na rin, baka p'wede muna tayong magpahinga, " inaantok na sambit ni Trinity sa akin bago bahagyang isandal ang kanyang ulo sa salamin ng kotse.

Hindi ko na sana siya papansinin subalit napansin kong mukha talaga siyang pagod. Nagsisimula na ring mag-iba ang kanyang boses dahil sa labis na antok.

"Ganiyan ba talaga ang epekto ng tatlong araw na iba't-ibang lalaki ang nakikipagtalik sa'yo? Hays... Baka naman may nakakahawang sakit ka na niyan, " seryosong sambit ko sa kanya.

Hindi naman ito sumagot pabalik, bagkus niyakap niya ang kanyang sarili. Ibang-iba ang Trinity na kaharap ko ngayon kumpara kanina habang pinapaligaya niya si Krypto.

Hindi naman ako manhid at may pakialam pa rin kahit papaano kaya panandalian kong hininto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Naaawa ko siyang tinignan bago hubarin ang aking damit-panlamig at ibigay sa kanya.

Kaagad naman niya itong tinanggap at ipinatong sa kanyang katawan. Sa sitwasyon niya ngayon ay hindi ko mapigilang maawa sa kanya.

"Trinity, kaya mo pa ba? P'wede kitang ihatid sa bahay mo at ako na lang ang mag-isang pupunta sa bahay ng susunod nating biktima, " nag-aalalang sambit ko sa kanya.

Bahagya niyang inangat ang kanyang katawan at tumingin sa akin. Nagulat na lamang ako nang bigla niyang hawakan ang aking braso.

"Kaya ko ang aking sarili. Magmaneho ka na ulit dahil mas tumatagal tayo sa ginagawa mo. Hunter, hindi ako baldado na kailangang alagaan, " seryosong sambit niya sa akin.

Muli nitong inayos ang kanyang upo at sinuot ang damit-panlamig na binigay ko sa kanya. Pinilit niyang ngumiti sa akin at nakakaloko akong tinignan.

"Nakakalimutan mo yatang hindi ako pangkaraniwang babae gaya ng mga iyong naikakama. Kinakaya ko nga ang iba't-ibang laki ng mga sandata ng lalaki, " pagmamalaking sambit niya sa akin.

Natawa na lang ako sa sinambit niya. Kahit kailan talaga, palagi akong napapabilib ng babaeng 'to. Kakaiba siya kung mag-isip, hindi pangkaraniwan.

"Patunayan mo sa'kin na talagang maayos na ang iyong pakiramdam. Maniniwala ako kung magagawa mo akong halikan sa loob ng tatlong minuto, " paghahamong sambit ko sa kanya.

Nginisian ko siya at sa halip na mailang, tila biglang nanumbalik ang natural niyang nang-aakit na mga titig. Unti-unti siyang lumaput sa akin at bahagyang hinatak ang damit ko papalapit sa kanya.

"Bakit hindi natin subukan? Titignan ko kung hanggang saan ang kakayanin mo. Mukhang nakakalimutan mo yatang kaunting halik ko lang, bumibigay na ang mga lalaki, " paniniguradong sambit niya sa akin. 

Nginisian ko siya at bahagyang hinatak papalapit sa aking puwesto. Nakaharap na siya sa aking ngayon at nakaupo sa kandungan ko. Sa paraan pa lang ng mga ngiti niya ay halatang ganadong-ganado na.

"Bigyan mo lang ako ng permiso at titiyakin kong iyong magugustuhan ang aking gagawin. Ano, papayag ka ba?" mapang-asar na tanong ko sa kanya.

Sa halip na sumagot sa akin ay hinawakan niya ako sa leeg at do'n ipinulupot ang kanyang mga braso. Bahagya pa niyang inilalapit ang kanyang labi sa aking mukha habang iginigiling ang kanyang katawan paitaas at paibaba.

Akmang hahawakan ko na siya sa pisngi at sisiilin ng halik subalit agad niyang pinigilan ang aking mga kamay. Hindi ko inaasahan ang kanyang gagawin kaya't napatingin ang aking mga mata sa mukha niyang ngayon ay nagpipigil ng tawa.

"Hunter, nakakatawa ang iyong mukha. Ganiyan ba talaga ang epekto ng karisma ko? Pasensya ka na, hindi tayo talo. Magmaneho na lang ulit nang maibsan 'yang init ng iyong pakiramdam, " natatawang sambit niya sa akin.

Sa huling pagkakataon ay itinama niya ang kanyang kaselanan sa naninigas kong sandata bago tuluyang umalis sa aking kandungan. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa kahit nakabalik na sa kaniyang puwesto.

Inis ko na lang siyang tinignan at muling pinaandar ang sasakyan ng sa gayon ay aking makalimutan ang ginawang kahihiyan. Itinuon ko ang aking buong atensyon sa pagmamaneho kahit na pilit pa ring kumikislot ang aking sandata.

"Hindi ko talaga makalimutan ang mukha mo kanina, Hunter. Mukha kang batang inagawan ng laruan. Parang biglang gumuho ang mundo mo sa ginawa ko, " natatawa niyang sambit.

Mariin ko siyang tinignan sa mga mata kaya bahagya itong tumigil sa pagtawa. Baka makatikim siya sa akin ng agresibong halik kung magkataon.

"Titigil na ako. Siya nga pala, baka gusto mong marinig ang sasabihin ko. Tiyak na magiging interesado ka sa iuulat ko sa iyo, " sambit niya sa akin.

Bahagya kong binagalan ang pagmamaneho dahil sa sinambit niya. Nakakatukso ang paraan ng pagsasalita niya kaya hindi ko mapigilang kumagat dito.

"Naibenta na ba ang piyesa ng sasakyan ni Krypto? Trinity, kailangan ko makukuha ang pera?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Malaking halaga ang mga piyesa kaya marami akong mabibiling mamahaling alal kung magkataon. Pang-isang taon ang magiging suplay ko.

"Hindi pa naibebenta ang piyesa, baka bukas pa raw o sa makalawa. Ngunit huwag kang mag-aalala, mas maganda ang iuulat ko sa iyo. Hindi ko mapigilang makaramdam ng labis na tuwa."

Nagmumukha na siyang baliw sa ginagawa niya. Ang lapad ng ngisi at nakabungisngis pa na akala mo ay nanalo sa isang kumpetisyon.

"Siguraduhin mo lang na matutuwa ako sa iyong sasabihin. Importante ang atensyon ko kaua huwag mong sayangin, " seryosong sambit ko sa kanya.

Huminga muna siya ng ilang ulit at tila piniligilan niya ang labis na emosyon. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan sa sasabihin niya.

"Nakausap ko si George kanina. Sinabi niya sa akin na babae raw ang susunod nating biktima. Hunter, may maikakama ka na!" masayang sambit niya sa akin.

Nang dahil sa sinambit niya ay kaagad kong naipreno ang sasakyan. Hindi ko mawari kung bakit subalit bigla akong kinabahan. 

Hunter's Mail ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon