Kabanata 26

210 15 108
                                    

Read at your own risk!

Trinity

Pumikit na lang ako at pinakiramdaman ang paligid. Inaasahan ko na ito ang huling gabi na humihinga ako at masaya dahil nagawa kong ipaglaban ang aking karapatan.

Ilang segundo na ang lumipas subalit wala pa rin akong nararamdamang sakit. Minulat ko ang aking mga mata para tignan kung ano bang nangyayari subalit inilagay ko na lang ang kamay sa bibig dahil sa gulat.

"Tang*na! Anong ginawa mo?" bulalas ko matapos magawi sa labis na pagkagulat.

Bagsak ang katawan ng lalaki sa sahig at bahagyang tumatagas ang dugo sa balikat. Bumaling ang aking tingin sa taong gumawa at hindi ko inaasahan na ililigtas niya ako.

"Anong ginagawa mo rito? Mapapahamak ka lang sa ginagawa mo dahil pagdidiskitahan ka nila mamaya. Nababaliw ka na ba?" hindi makapaniwalang sambit ko sa kanya.

Masasayang lahat ng mga sinakripisyo ko kung mapapahamak siya at mauuwi lang ito sa wala. Gusto kong suntukin ang mukha niya subalit ikinuyom ko na lang at tinapunan siya ng tingin.

"Huwag ka na ngang magreklamo riyan, Trinity. Mabuti nga at niligtas kita dahil kung hindi, malamang pinagpipiyestahan ka na ng mga uod. Magpasalamat ka na lang," pangangatuwiran niya sa akin.

Umirap na lang ako at nilagpasan siya. Hindi ko hahayaang masayang ang oras nang wala akong naiisip na paraan. Malapit nang magbukang-liwayway, kailangan kong makatakas.

"Trinity, saan ka pupunta? Maraming nagbabantay sa ibabang palapag kaya kung iniisip mong tumakas, mag-isip ka muna. Mapapahamak ka na naman," bulalas niya.

Bahagya kong nilakihan ang aking mga hakbang subalit mas malaki ang biyas niya kaya madali akong naabutan. Kung nasa normal na sitwasyon lang kami, nasapak ko na talaga siya.

"Miko, ano ba? Wala ka nang kailangan sa akin kaya bakit mo pa ako sinusundan? Makakalabas ka na, hindi ba? Alis!" pagtataboy ko sa kanya.

Sa halip na pakinggan ako ay mas lalo niya pang hinatak ang aking katawan kaya hindi ko na napigilan ang sarili na tuhurin ang sandata niya. Bahagya siyang napangiwi sa sakit subalit hindi ko na ito alintana pa.

"Hindi ako kailanman magpapasalamat sa ginawa mo, Miko. P'wede ba? Kung gusto mo talagang makalabas, lubayan mo ako. Sinusundan ako ng kamalasan," bulalas ko sa kanya bago talikuran.

Sa wari ko, mayroong anim na palapag ang bahay na 'to at kasalukuyan akong nasa ikatlo. Tiyak na maraming hahadlang kung sakaling sumugod ako nang hindi nag-iisip ng tama.

"Tang*na talagang buhay 'to! Ano bang kamalasan ang umaaligid sa akin at kahit saan ako magpunta, palagi akong napapahamak? Ganito ba ang kapalit ng pagiging magaling sa kama?" inis kong sambit.

Hindi na ako nagdalawang-isip at mabilis na tumakbo nang makita ang hagdan na nag-uugnay sa bawat palapag. Nasa dulo at tagong bahagi ito kaya hindi ko napansin kanina.

"Ano bang magandang plano na tiyak na magliligtas sa buhay ko? Trinity, hindi ka p'wedeng magtagal dito. Bilis! Mag-isip ka na!" pagkukumbinsi ko sa aking sarili.

Tuluyan na akong nakarating sa bukana ng hagdan at hindi ko maiwasang makaramdam ng pangangatog. Kaya kong lumaban ngunit wala ako sa wisyo para pabagsakin sila.

"Jusko, Trinity! Para kay Hunter, kayanin mo 'to! Huwag kang lalampa-lampa dahil may sanggol kang dinadala! Bilis!" inis kong sambit at pinaghahampas na ang hawakan sa hagdan.

Maraming tumatakbo sa isip at hindi ko mawari kung alin dito ang pinakamabisang paraan. Kailangan kong maging matalino, hindi p'wedeng magpakatanga.

Hunter's Mail ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon