Ikalabing-siyam na Kabanata

172 19 100
                                    

Read at your own risk

Hunter

Nakahanda na ako sa isasagawang plano ngayon. Tahimik akong nagmamasid sa isang bahay na sakto lang sa maliit na pamilya. Dito kasalukuyang naninirahan ang kabiyak ng isa kong kasamahan.

"Tignan lang natin kung anong magiging reaksyon mo. Asawa mo ang pupuntiryahin ko para makabawi sa pagnanakaw ng pinaghirapan naming pera," nakangising sambit ko sa aking sarili at kinuha ang bulaklak sa loob ng sasakyan.

Inayos ko muna ang aking suot na mahahaling pang-itaas na damit bago buksan ang pintuan ng sasakyan. Nakasuot ako ng itim na pantalon at itim na sapatos. Sinuot ko rin ang kwintas na gawa sa pilak.

"Sinong hindi maaakit sa ayos ko ngayon? Walang makakatanggi kung bigla na lamang may katatok sa pintuan mo na isang lalaki at maihahalintulad sa artista ang wangis," natatawa kong sambit bago tahakin ang bahay ng aking biktima.

Bahagya ko munang inayos ang aking tindig at bumuga ng hangin sa palad. Tiniyak kong mabango rin ang aking hininga ngayon. Kailangang magtagumpay ako sa misyon.

"Tinitiyak ko na ngayong gabi, ako ang magpapaligaya sa asawa mo. Malilimutan ka at pangalan ko lang ang sasambitin niya," nakangising sambit ko habang sinasariwa sa aking isipan ang mukha ni Gerald.

Tinawag ko ang kanilang kasambahay na kasalukuyang nagroronda ngayon sa paligid ng bahay. Hindi ko maiwasang mapangisi na bantay-sarado ang buong lugar.

"Manang, nariyan ba si Christine? Pakitawag naman siya dahil may ipinabibigay ang asawa niya," nakangiting sambit ko sa katulong.

Nagtataka man siya subalit kaagad ding sumunod nang ngitian ko at bahagyang iangat ang damit pang-itaas. Napalunok siya nang makita ang aking bato sa tiyan at mabilis na pumasok sa loob.

"Iba ka talaga, Hunter. Lahat ay tinatablan ng karisma mo. Maging si Trinity ay nahuhumaling din sa'yo kaya mapapatawad ka rin niya," pagmamalaking sambit ko sa aking sarili.

Hindi rin nagtagal at kaagad na lumabas ang isang babae na sa wari ay naglalaro sa bente-singko hanggang trenta ang edad niya. Maganda ang hubog ng katawan at makinis din ang balat. Tiyak kong hindi na ako lugi mamaya.

"Magandang gabi sa'yo, binibini. Tunay nga na maganda ka kaya hindi na ako magtataka na nahumaling sa'yo si Gerald. Tila isa kang diwata," nakangiting sambit ko bago lumapit sa kanya.
Kinuha ko ang kanang kamay niya at hinalikan ito. Napansin kong nagulat siya kaya bahagya akong ngumiti nang sa gayon ay hindi siya makaramdam ilang.

"Naparito ako para ibigay ang napakagandang rosas na sadyang pinitas para sa'yo. Pinaghirapan 'yan ni Gerald kaya sana, maibigan mo," nakangiting sambit ko bago ibigay sa kanya ang bulaklak na dala.

Bahagya namang namula ang kanyang maputing pisngi. Tinanggap niya ito at sinuklian ako ng matamis na ngiti.

"Salamat, Ginoo. Naibigan ko ito dahil sa aking asawa nanggaling. Salamat sa paghahatid," nakangiting sambit niya.

Akmang tatalikod na siya para pumasok sa loob ngunit kaagad akong tumikhim kaya bahagya siyang napalingon. Nagtataka siyang tumingin sa akin.

"Hahayaan mo na lang bang mag-isa ang magandang ginoo sa labas? Marami pa namang nagkakainteres sa angkin niyang kakisigan," nakangiting tanong ko at bahagyang huhubarin ang aking pang-itaas na damit.

Bigla na lang siyang lumapit sa akin at ibinaba ang damit ko. Ipinatong niya sa upuan ang bulaklak kaya hindi siya nahirapan sa ginawa sa akin.

"Gano'n ba? Gusto mo bang magkape? Sandali lang. Manang, magtimpla kayo ng isang tasa ng kapeng barako. Pakibilisan na lang," pag-uutos ni Christine sa katulong.

Hunter's Mail ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon